TW: cursing, suicidal, mention of death.
Chapter 34
“Pa, bakit hindi mo po sinabi sa amin na nag-resign ka na sa trabaho?”
Nalaman ko na lang kay Jinoh na hindi na pumasok si Papa sa The Upper, isang linggo na rin. Miski si Jinoh na may-ari, walang kaalam-alam sa pag-alis ni Papa.
He sighed, then looked at me with weary eyes. “Hindi ko na ipanaalam pa sa inyo dahil mag-aalala lang kayo sa akin. Ayokong dumagdag pa ako sa isipin niyo.”
Umiling ako, hindi makapaniwala sa narinig.
“Sa ginawa niyo po mas mag-aalala lang kami. Bakit hindi ka man lang po nagsabi kay Jinoh?” litanya ko, pinipigilan ang pagtaas ng emosyon. “Biglaan ka lang pong umalis. Ni-paalam ay hindi mo po ginawa.”
My heart clenched as I heard him let out a sigh. A deep one. He looked at me, lips forming a weak smile as if he were trying to remove my sulking heart from him.
“Hindi ko na ipinaalam pa kay Jinoh dahil alam kong sasabihin niya sa'yo. Hindi niya kaya maglihim sa'yo.”
Umiling ako. “Hindi man lang po ba dumaan sa isip niyo na boss niyo pa rin siya?”
Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata ni Papa. Kinain ako ng guilt dahil sa pananahimik niya. Lumapit ako at naupo sa tabo niya.
“Pa, sana sa sunod ay ipaalam niyo naman po ang binabalak mo,” pinakalma ko ang boses.
“Pasensiya na at hindi agad ako nagsabi sa'yo. Hindi na mauulit, anak,” ngumiti siya nang maliit.
I nodded, as I composed myself completely. “Ano na po ang balak ninyo?”
“Naghahanap pa rin ako ng trabaho, anak. Naghihintay rin ako sa tawag ng mga in-apply-an ko,” sagot ni Papa.
I wanted to question him more. I wanted to know the reasons why he left Jinoh's shop, for him to find another job. Knowing his silence, I just kept my questions to myself. Alam kong magsasabi si Papa sa akin kapag gusto niya.
“May suggestion po ako, Pa,” paglingon ko sa kaniya. Nakita ko sa gilid ng mata ang pagbaba ng kapatid ko.
“Ano iyon, anak?”
Ngumiti ako, excited sa naisip. “Bakit hindi po muna kayo magtinda, tutal ay ayos na rin po ang bike niyo. Gagawa po ako ng puto na ibebenta niyo.”
“Oo nga, ano! Magandang ideya ‘yan, anak!” ginulo niya pa ang buhok ko. “Ano sa tingin mo, Florence?”
Nilingon ko ang kapatid ko. Mabigat ang kaniyang paghinga, ang mga mata ay nagbabadya ng galit, habang nakatingin sa akin.
“Bulok na ideya!” sigaw niya nang makababa ng tuluyan. Tuloy-tuloy ang lakad papunta sa akin.
“Florence!” si Papa.
“Itigil mo ‘yang walang kwenta mong suggestion, Fiorella! Kung gusto mo sarilihin mo na lang,” aniya, hindi pinansin si Papa.
Parang punyal na tumusok diretso sa puso ko ang sinabi niya. My scarred heart opened, causing me to be in a painful state. Unti-unti ang panlalambot ng tuhod ko.
“Florence! Bakit gan'yan ka magsalita sa ate mo?” pagsigaw na rin ni Papa. “Parang hindi mo ate ang kaharap mo, ha!”
“Hindi ko naman talaga ate ‘yan!” pagduro niya sa akin.
“Bastos ka!” hinawakan ni Papa sa kwelyo ang kapatid ko, ang mga kamay ay nanginginig. “Bawiin mo lahat ng sinabi mo. Nakakasakit ka!”
“Tama na po…” I said, weakly. Lumapit ako sa kanilang dalawa, at marahan na inalis ang kamay ni Papa sa damit n Florence. “Tama na po, please…”
BINABASA MO ANG
Light Under The Glooms (MPS#2) | ✓
RomanceMALA-PRINSESA SERIES #2 Fiorella Elein Rivera, a woman who is the epitome of kindness, was once called a light because of her soft and pure heart. With her past trauma, her inner light began to dim. Despite her scarred heart, she continued to pursue...
