Chapter 39
What mistakes did I make in my past life that caused me to experience this kind of pain?
Am I such an evil witch to someone's life for me to suffer like this? Is this my punishment?
Kung masama akong tao noon, hindi pa ba sapat ang parusa sa akin ngayon?
I was the one who let go, yet I was the one who can't move forward. It felt like a tearing piece of my heart was left behind to him—a part of me had been taken away, and a reason why I have a hard time moving forward is because it pulls me back to him.
How can I let go of something that I felt like home?
Hot tears were flowing down on my cheeks, eyes were getting blurry, and my voice was not recognizable because my throat was sore from shouting. I placed my hand on my chest, tapping it so hard. Repeatedly. As if it can stop me from feeling hurt.
The clouds poured more tears, and the winds became heavy and cold. The waves were crashing so hard into the rocks. Yet I stayed still even though I was soaked in rain and felt cold.
I just let myself get rained on, wishing it would wash all the wrongdoings that I had done in my past life.
“Bata ka talaga! Fiorella! Pumarito ka!” rinig kong sigaw ni Nanay, nasa malayo. “Gusto mo ba'ng magkasakit?”
Hindi ako umalis sa pwesto. Wala akong mukha na ihaharap kay Nanay, at ayokong makita niya pa ako na tulad noon. Umiling ako, patuloy sa pag-iyak. Sa bawat pagtama ng patak ng ulan sa balat ko, doble naman ang pagbagsak ng mga luha ko.
Nag-angat ako nang tingin nang hindi maramdaman ang patak ng ulan. Marahan at tila natatakot kong ini-angat ang mukha. Nagtama ang mga mata namin ni Nanay, may hawak siyang payong habang nakatutok sa aming dalawa.
“Nay…” luhaan kong tawag, umiiling.
“Pumasok na tayo, makikinig si Nanay sa'yo…” puno ng lambing ang boses niya habang ang mga mata ay kakikitaan ng pag-aalala na nakatingin sa akin.
“Nay… I'm sorry…”
“Halika na. Makikinig si Nanay sa'yo sa loob. Pumasok na tayo.”
Hanggang sa pumasok kami sa bahay-kubo ay hindi tumigil ang luha ko sa pagbagsak. Ang mainit na tuwalya na binalot sa akin ni Nanay ay dumagdag sa emosyon ko matapos maisip na pinag-alala ko na naman siya.
“Magkwento ka sa akin. Sabihin mo lahat ng gusto mong problema, Fiorella,” pagpapakalma sa akin ni Nanay. “Makikinig ako. Nandito ako.”
Nagbaba ako ng tingin sa mga kamay. Nilalamig at puno ng bagong sugat ang mga daliri ko. Umiling-iling ako, tila pilit na winawaksi ang panibagong hapdi na papasok sa akin.
“It was my fault. Kasalanan ko po, Nay,” puno ng sakit ang boses na sabi ko. “Kasalanan ko k-kung bakit… nawala si Papa…”
Napahikbi ako, hindi alam kung magpapatuloy pa. Pero nang maramdaman ko ang mainit na braso ni Nanay sa akin ay nagpatuloy ako.
“Hindi ko na po kaya…” pagsumbong ko, umiiyak pa rin. “Sobrang sakit na po ng lahat. Sobrang sakit kahit alam kong ako ang may kasalanan…”
“Makikinig si Nanay.”
I never told anyone my pain. I was afraid to tell my story to someone because I was thinking of adding it to their own plate. I just bottled everything inside me hoping one day I would have the courage to open it freely.
Miski kay Jinoh, na sa halos maglilimang taon na naming pagsasama ay hindi ko nabuksan ang sugat ng kahapon ko sa kaniya.
Lagi niyang sinasabi na handa siyang makinig at samahan ako, dalhin lahat ng bigat na dala-dala ko, pero ako itong may ayaw... Ako itong ayaw magpatulong.
BINABASA MO ANG
Light Under The Glooms (MPS#2) | ✓
RomanceMALA-PRINSESA SERIES #2 Fiorella Elein Rivera, a woman who is the epitome of kindness, was once called a light because of her soft and pure heart. With her past trauma, her inner light began to dim. Despite her scarred heart, she continued to pursue...
