TW: Physical Assault.
Chapter 35
When I went home, I felt like my whole body numbed as I found myself staring at our house from the outside. My tired sights straightly go to my mother's window on the second floor. Just like a light that travels so fast, a memory of my mother taking her own life flashed through my mind.
I thought my tears earlier were already tired like me, but I was wrong. As soon as the memories of my mother played on my mind, my eyes waters. It clouded my mind.
“Your mother killed my daughter, Fiorella.”
I shook my head as if it was enough for me to remove the memories that keep playing on my mind. Pero tangina… parang sirang plaka na naglalaro sa utak ko ang sinabi ni Tita Jade. Ang sakit!
Gusto kong bumalik sa shop para puntahan si Jinoh. Gusto ko siyang makita. Gusto kong magkulong sa mga bisig niya at doon umiyak. Kasi alam kong kaya niyang alisin lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon… dahil miski ang sarili ko, hindi ko ata kayang gamutin.
Yumakap sa akin ang dilim ng bahay nang pumasok ako, malaking bagay na ipagpasalamat ko at mag-isa ako ngayon. Ayokong makita ni Papa na ganito ang itsura ko; luhaan at nanghihina. Ayokong dumagdag pa sa isipin niya at mag-alala siya.
“Nag-alala kami. Bakit ka pala absent kahapon, Lein?” ang boses ni Lori kinaumagahan ang sumalubong sa akin.
“Nagkasakit lang ako,” mahina kong sagot ‘saka ngumiti nang maliit. “Ayoko rin na mahawa kayo.”
“Magaling ka na? Akala namin kung napaano ka.”
“Okay na ako. Salamat.”
Tumango siya bago sundan ako sa kusina. Sinuyod niya pa ako nang tingin nang parehas kaming huminto sa mahabang lamesa.
“Sure ka ba? Uminom ka ulit ng gamot mamaya. Nag-alala talaga kami kasi miski si Jinoh ay tinanong ka sa amin,” aniya.
Nakagat ko ang laman ng pisngi ‘saka nag-iwas tingin. Ang totoo ay wala talaga akong sakit kahapon. Pagod lang ako. Na kahit tumayo para kumain ay hindi ko nagawa. Buong maghapon lang ako nakahiga sa kama.
Isa pa, nahihiya at natatakot ako na harapin si Jinoh. Nahihiya dahil sa pang-iiwan ko sa kaniya nung gabi, at pag-iignora sa lahat ng tawag at texts niya. At natatakot na baka makita ko ang sarili ko na nagsusumbong sa kaniya at umiyak para lang maalis ang tinik na nakabaon sa dibdib ko.
“Nakalimutan ko lang siyang sabihan… buong araw kasi akong tulog,” ngumiti ako nang maliit.
But my reason was not enough for her to buy it. She once again scanned me with a concerned look. “Nag-away kayo?”
“Hindi, Lori,” pag-iling ko. “”Actually, magkikita kami mamaya dahil 5th year na namin.”
Nagliwanag ang mga mata niya sa tuwa. Hindi ko alam na sa isang beses kong pagliban sa trabaho ay ganito ang sasalubong sa akin. Pati kasi si Ms. Bubbles ay tinanong ako kung bakit ako absent. Pinanindigan ko na lang din na nagkasakit ako.
I just focused myself on work. Nang mag-lunch naman ay lumabas na ako ng shop para salubungin si Jinoh. Pero message niya lang ang dumating sa akin.
From: lovelyjinoh❤️
Hindi ako makakapunta sa'yo, love.
I'm sorry.
Hindi ko p'wedeng iwan ito.
I love you!!!
I smiled as I replied to his message. Well, bibili na lang ako siguro sa karinderya. I scrolled up to read all his messages to me last time.
From: lovelyjinoh❤️
Why are you not answering my call?
Pati sa messages ko.
BINABASA MO ANG
Light Under The Glooms (MPS#2) | ✓
RomanceMALA-PRINSESA SERIES #2 Fiorella Elein Rivera, a woman who is the epitome of kindness, was once called a light because of her soft and pure heart. With her past trauma, her inner light began to dim. Despite her scarred heart, she continued to pursue...
