Chapter 36

41 1 0
                                        

Chapter 36

Wala na ba talagang iba’ng paraan para pa para hindi ko itigil ang relasyon namin ni Jinoh? Ito na ba ang dulo naming dalawa?

My mind was clouded with unwanted thoughts as I watched Jinoh, the man who once lit my dimmed heart. I sobbed painfully as our memories together waved in my mind back and forth.

“Ikaw, anong gusto mo'ng name sa phone ko?”

“Ikaw nang bahala. Baka hindi mo magustuhan ang sasabihin ko,” ngisi niya.

“Sabihin mo na, Jiovanni.”

“Love,” he said, directly looking into my eyes, making my smile slowly disappear. “Ikaw na nga ang bahala mag-isip,” pagbawi niya.

Nakagat ko ang ibabang labi, hindi pa rin makapaniwala sa narinig. Napatango na lang ako.

"Mr. Madrigal?" I asked, teasing him.

"Masyado namang formal."

"Gilagid?" Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. Hindi ko na napigilan ang sarili at tumawa na. "You have gummy smile..."

"Ang bantot naman kung gilagid," parang bata na sabi niya, kaya mas lumakas ang tawa ko.

I turned off my phone when he called me again and put it back inside my bag. I suppressed my emotions as if they could stop me from having a hard time with the decision I made.

How cruel am I to hurt him when all he did was shower me with real love?

“I'm sorry, Jinoh… pero ito ang tama,” I whispered painfully. I exhaled, calming myself as I wiped my tears out.

Nang tumalikod si Jinoh, nagtama ang landas naming dalawa. Nanlaki ang mga mata niya, umawang ang bibig, ‘saka ngumiti nang makumpirma na ako ito.

“Elein!” he shouted, full of energy.

I nodded and stood on my ground so firm. He smiled more, enough for me to see the gums. His gummy smile pricked my heart. How can I hurt someone who has a genuine smile? A smile that was like medicine, enough to heal a broken day.

“Nandiyan na ako!” tumatawa niyang sabi habang tumatakbo sa akin.

Sa bawat galaw na ginagawa niya ay para akong pinaparusahan. Ang buhok niya na sumasabay sa simoy ng malamig na hangin, ang mga mata na kakikitaan ng bituin dahil sa pagkislap, at ang ngiti na tila alon kung saan kaya kang dalahin kahit saan.

He was running with open arms as if welcoming me into his life. Yet here I am, finally deciding to leave his life for the best. It was painful… It was too much for me to handle all these pains, but it was all my fault so the only thing for me to do was to endure it alone.

“I missed you!” bakas ang pananabik sa boses niya nang hagkan ako. Siniksik pa ang mukha sa leeg ko. “Miss na miss na kita, Elein.”

“Jinoh…”

He hugged me more as if he was longing for it. I hugged him back, feeling his warm embrace because I knew that it was our last day. Sinusulit ko na kasi… ito na… tapos na kami.

"I'm alive," he whispered softly.

Nang magbitaw siya ay kita ki ang pananabik sa mga mata. Ngumiti ako, ngiti na puno nang pagmamahal, kasi kahit iyon man lang… ayokong ipagkait pa sa kaniya.

“I have a surprise for you.” He was excited as he put his hands on his shirt's buttons, slowly removing them.

I held his hand to stop him. “Jinoh…”

Light Under The Glooms (MPS#2) | ✓Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon