Chapter 28
I used to wake up so early due to my work, but right now, before my alarm starts to ring, I am already awake. Maybe I'm just too excited because it's Jinoh’s birthday.
I messaged him, and I received none. Well, he still might be sleeping. Mas excited lang talaga ako sa may birthday. I read my messages to him and listened to my voicemail singing a happy birthday song for him.
From: Jiovanni 💙✨
Sleep well, Elein
To: Jiovanni 💙✨
Good morning, Jinoh.
To: Jiovanni 💙✨
Happy birthday to my
favorite smile.
Wishing you the happiest
birthday with all my love.
To: Jiovanni 💙✨
▶︎ •၊၊||၊|။||||။၊|• 0:19
Nang bumaba ako ay naabutan ko si Papa na nagluluto ng para sa almusal namin. Sumabay na ako kay Papa kumain dahil maaga pa ang pasok niya. Buti nga at sumakto na day-off ko ngayon kaya magagawa ko si Jinoh ng cake.
“Mag-ingat ka po, Pa,” pahabol ko, inihatid siya ng tingin. Pumasok na rin ako sa loob nang makasakay na si Papa ng tricycle.
I decided to bake Jinoh a chocolate cake, and a half dozen cupcakes. Sasamahan ko na rin pala ng puto dahil naging paborito niya na rin ito.
Hindi ko pa alam kung anong magaganap sa birthday niya. Basta ang akin, kikitain ko siya at ibibigay ko ang regalo ko.
“Kailangan mo ba ng tulong, ate?” bagong gising na boses ni Loren ang nagpatigil sa akin. “Late na ang gising namin, 8:30 na pala. Tulog pa rin ang dalawa.”
I smiled at her. “Good morning. Ayos lang ba sa'yo na tulungan ako?”
Lumapit siya, naupo sa stool na nasa kitchen island, at pinagmasdan ang mga ingredients na nakalatag doon. Malaki ang ngiti ang iginawad niya sa akin.
“S'yempre naman, ate!” aniya. “Wait lang, maghihilamos lang muna ako.”
Tumango ako. “Mag-almusal ka na rin muna. Hindi naman ako nagmamadali.”
Pinagtimpla ko na lang muna si Loren ng kape at hinanda ko ang almusal niya nang umakyat muli siya sa taas. Kaya nang bumaba siya ay kumain na rin agad ito.
“Matagal ko nang gustong makita kang mag-bake,” aniya, inaayos ang cupcake holders. Tiningnan ko siya. “Gusto ko lang makita ang bawat kilos mo sa kusina. Kasi kung paano ka gumalaw ay sobrang banayad, ang linis… basta gano'n.”
Pinamulahan ako ng pisngi.
“Ang naaabutan ko na lang kasi ay ang mismong pastries o kaya cake, hindi ko ko man lang nakita kung paano mo ginagawa.”
“Sige, kapag magbi-bake ako ay tatawagin kita. Ayos lang ba sa'yo ‘yon?” I asked.
"Sure, ate!"
Ngumiti ako. Naging mabilis ang lahat dahil na rin sa tulong ni Loren sa akin. Miski ang paghugas ng mga ginamit ay tumulong siya.
“Para saan pala ang cake? May nag-order ba sa'yo?” tanong niya, inaayos ang mga kutsara.
Pinunas ko ang kamay sa apron na suot at sumandig sa lababo. Hindi ko mapigilan ang ngiti. “Birthday ng manliligaw ko ngayon.”
"Ate!" hiyaw niya. "Meron ka?"
I heartily laughed. "Oo, ilang months niya na rin akong nililigawan.”
Ending, kinuwento ko kay Loren ang namamagitan sa amin ni Jinoh. Siya pa lang sa pamilya ko ang nakakaalam sa amin ni Jinoh. Balak ko kasing ipagsabi kay Papa kapag boyfriend ko na ang binata.
BINABASA MO ANG
Light Under The Glooms (MPS#2) | ✓
RomanceMALA-PRINSESA SERIES #2 Fiorella Elein Rivera, a woman who is the epitome of kindness, was once called a light because of her soft and pure heart. With her past trauma, her inner light began to dim. Despite her scarred heart, she continued to pursue...
