Prologue

755 15 0
                                    

Prologue

Dito namin sinimulan dito rin namin tatapusin. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa dala kong payong habang nakaharap ako sa likuran niya. Kumukuha ang ng lakas ng loob para tuluyan siyang harapin. Hindi na pwede. Hindi na.

Mahal ko siya pero may napapabayaan na ako. Kailangan na may isakripisyo ako. Hindi na pwedeng pareho na lang parati ang kailangan kong piliin. Masakit din ito para sa akin pero walang ibang way. Kailangan ako ng anak ko, kawawa kaming pareho kapag pinilit pa namin. Kailangan niya ako pero mas kailangan ako ng anak ko.

"Hey! You're here." Hindi ko na namalayan na nakaharap na pala siya sa akin. Basang-basa na siya. "Hindi mo naman ako iiwan diba, 'Ga?" tanong niya.

Napaiwas ako ng tingin at napalunok. Huminga akong malalim bago ko muli ibinalik ang paningin ko sa gawi niya. Ayokong mahina. Ayokong imbis na talikuran siya ay baka mayakap ko lang siya ng mahigpit. Nasasaktan akong makita siyang nasasaktan din. Pareho kaming tuluyang masisira kapag nagpatuloy kami. Kaya niyang makahanap ng iba, ako hindi ko na mapapalitan ang anak ko. Kailangan ako ng anak ko, ayokong mamulat siya sa mundong napakamapanghusga.

"Tinatapos ko na, Kipper. Just leave, Kipp." Umiwas ako ng tingin at mas mahigpit pa sa mahigpit ang pagkakahawak ko sa payong na hawak ko.

Lumapit siya sa akin at mahigpit akong niyakap. Nanghihina ako. Basang-basa siya kaya nababasa na rin ako. Sobrang higpit ng pagkakayakap niya habang humihikbi. Hindi ko siya kinakaya. Dito kami unang nagkita, dito rin kami magtatapos.

"Sorry na. Sorry na, 'Ga. May nagawa ba ako? Nasaktan ba kita? Nasaktan ko ba kayo? Tell me. Hindi ko kaya please sabihin mo."

Bahagya ko siyang itinulak. Alam ko kasi na kapag nagtagal pa baka hindi ko na siya maiwan pa. Hindi pwede iyon. Nakapagdesisyon na ako. Mas mabuting tapusin na namin ito.

"Please... respect my decision, Kipper. Hindi na katulad ng dati ang nararamdaman ko para sa'yo. Yes, it's not you, ako. Nawawala na, Kipp. Ayoko na rin ipagpatuloy."

Hindi mawawala ang pagmamahal ko sa'yo, Kipper. Nandito parati. Mahal kita. I'm just lying, baby. And I'm sorry for that. I'm really sorry.

TAHANAN: Jian Kipper Cardejas & Gavin Client VillarealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon