Chapter 20
After what I heard that night hindi ko maiwasan na hindi mag-overthink. Pansin nila Xian at Jaden ang pagiging tulala ko but I said I'm fine. Ayoko na pati personal kong nararamdaman ay makaapekto sa trabaho. Parating may takot sa akin sa kung ano ang pwedeng mangyari. Halos hindi na nga ako makatulog sa gabi sa kakaisip kung paano ito malulusutan.
Kipper is out of the country because of their family business trip. Isinama siya ng Daddy niya. Parati siyang nagtetext pero madalang lang ako magreply. Parati ko sinasabi na busy ako kahit talagang hindi naman. Ayoko kasi muna na makausap siya.
Andy is also worried that's why she's being too loud here in my unit now. People know we are friends that's why it's fine to see her here. Kahit papano ay nawawala sa isip ko ang mga iniisip ko.
"Gavin-babe, simula noong premiere ng movie hindi na kita makitang masigla. Did something happened ba? May umaway ba sa'yo? Ayaw mo ba sa mga scene namin na medyo touchy? Are you mad at me? Kipper is not my type and he's yours remember that. Gavin-babe, tell me what really inside your head."
Napabuntonghininga ako saka ko siya hinarap. Pareho kaming nakaupo ngayon sa kama ko dahil wala naman akong schedule ngayon kaya mas minabuti ko na magstay na lang sa unit ko pero inaabala ng babaeng ito ang pahinga ko.
"Ano inom tayo?" she asked. I nodded. "Kaunti lang ah. Baka managot ako kay Xian."
"Ba't ka naman mananagot? Takot ka doon?" tumatawa niyang tanong.
"Nope kaya! I'm just trying to say here na he's your manager and baka pagalitan ako because ako pa nag-aya sa'yo." Pagpapaliwanag niya.
Para siyang may tinatago dahil sa pagiging defensive niya. Hindi ko alam kung ano ang meron at nagkakaganyan siya. Mukhang may something sa kanila. I mean Xian is a guy after all.
"I'm frustrated. Kailangan ko talaga, Andy."
Tumayo siya kaya sumunod na lang din ako. Kumuha ako ng iilang chips, dahil wala na akong balak pa maghanda ng foods. Kinuha niya ang limang bottled beer. Naupo ako sa lapag habang nakadapa naman siya sa couch. I opened the bottle through the opener. Iniabot ko sa kaniya iyon at may hawak na siyang isang pack ng chips. I'm putting some ice on our glass.
"Tell me na kasi. I mean handa naman ako makinig. Mas gusto ko na magsabi ka kasi ayaw ko na maipon yan diyan sa heart mo. Nakaka-suffocate kaya. If ayaw mo na may sabihin ako it's fine. I'll just listen, Gavin-babe. Ayoko ng lies, I know there's something wrong."
Nagsalin ako sa baso ko ng beer. Ibinigay ko na rin iyong isang baso sa kaniya kaya umayos siya ng upo at siya na rin mismo nagsalin sa baso niya since may hawak naman na siyang beer. Walang pasabing nilagok ko iyon at gumuhit sa lalamunan ko. Halos maubos ko na ang laman ng isang baso. I want to be strong so I can tell it.
Hindi nagsalita si Andy. She's waiting for me to say something.
"What if hindi ka magustuhan ng parents ng jowa mo?" tanong ko. Ayoko ng magpaligoy-ligoy pa.
"Alam mo mahirap yan pero mahirap kaya na yung mismo yung anak mismo may ayaw sa'yo." Nilingon ko siya na tila nagtataka. "Sa tingin mo hindi ka magugustuhan ng parents ni Kipper? Gavin-babe, how about me naman? Gustong-gusto ako ng parents para sa anak nila pero itong anak naman yung panay sungit lang sa akin. Friendzone na nga na sisterzone pa."
Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya dahil wala naman siyang naikik'wento sa amin. Wala rin akong nababalitan na lalaking kinahuhumalingan niya.
"Si Kipper ba tinutukoy mo?"takang tanong ko.
Kamuntikan niya pang maibuga sa mukha ko yung beer buti na lang at napigilan niya pa kaya medyo nabilaukan siya. Kaagad akong kumuha ng tissue at iniabot ko sa kaniya.
"Ano?!" gulat niyang tanong. "Why gusto ba ako ng parents niya for him? Hindi kasi si Kipper ang tinutukoy ko, Gavin-babe. Ako ba ang biggest insecurities mo, Gavin-babe?"
"Hindi naman pero sadyang ano kasi..."
"No lies, Gavin-babe. I'm being honest here. I will not be mad. I understand."
"Narinig ko kasi Mommy ni Kipper. Sabi niya Kipper is straight and if may something man sa inyo she will gladly welcome you to their family. It's just that paano kaya if babae na lang nagustuhan ni Kipper. Hindi pa madidispoint ang family niya. I'm scared, Andy."
"Kita ko naman na sobrang pure ni Kipper pagdating sa inyo. I saw how he loves you, Gavin-babe. Minsan nga gusto ko na rin maging coconut. If you're overthinking again then talk to Kipper. Tell him what you feel. I know he'll do something."
At iyon ang ayaw kong gawin niya. I'm scared.
"Yun nga ang ayaw ko, Andy. I know kakausapin niya ang parents niya if malaman niya. Seeing his family putting a pressure to him being an heir I'm scared. Baka mawala yun, Andy. Hindi pa siya tuluyang nagsisimula baka mawala pa. I can't risk it, Andy. Hindi ko kaya."
I breakdown on Andy. I almost cried but I decided not to. Ayoko na pati siya ay mag-alala sa akin. She's always here for me.
"Wait. Sino ba yung tinutukoy mo kanina?" takang tanong ko bago ulit uminom. "Who's that guy you like hah? Honest pala ah. So sino?"
"Uhm ano, kasi si ano... si Xian!" sabi niya sabay parang batang nagmamaktol. "Yes! I like our friend, your manager, si Xian! Na-friendzone and sisterzone ako. Ayaw niya sa akin. Arte ko raw kasi, yaman ko pa. Anong connect noon? Gavin-babe, I'm broken too kaya lets shot na lang. "
Natulog si Andy sa unit ko. Nasa k'warto siya habang nasa living room ako. Hindi ko kinausap pa si Kipper at mas inasikaso ko na lang muna ang trabaho ko sa loob ng dalawang linggo na wala siya. Pabalik-balik din ako kina tita kapag wala akong ginagawa.
Sa loob ng dalawang linggo mas tumaas pa ang rating ng movie nila ni Andy. Marami na ring mga theory ang fans nila sa pagsasama nila which is kasama rin ako pero hindi nga lang nila alam.
Halos gabi-gabi na lang napapaisip ako if wala nga ba talagang nakakasunod kay Kipper sa tuwing nagkikita kami. Feeling ko kasi mayroon. Hindi ko maiwasan na matakot para sa anak ko, kay Kipper, at sa pamilya ko. Hindi pa man din nakakaalis sina Mommy at Maisei dahil sa tinatapos pa nito ang homeschooling niya.
Kung mag-reply man ako sa kaniya ay sobrang ikli lang. Kapag tumatawag siya sinasabi ko na busy ako sa set. Ayokong makita niya ako. Hindi ko rin alam kung paano ko siya haharapin pa.
"Gav, huwag kang mabibigla pero nakakabigla ito."
Nilingon ko si Jaden habang papasok sa sasakyan. Maging si Xian ay dali-dali rin sa pagpasok. Kaagad kung kinuha ang Ipad na hawak ni Jaden and that article almost the reason of my death.
Kipper Cardejas the heir of Cardejas clan, the famous model, celebrity, dancer, and singer spotted being with a guy. Some people said that it looks like Kipper's boyfriend, not just a friend.
Parang bunuhusan ako ng malamig na tubig sa iilang litrato na nandoon. Kami iyon ni Kipper while I am riding his motorcycle. It's not just one time, there's a lot of picture and it's blurred. And lastly doon na halos hindi ako makahinga coz I know thay are already know that it was mine because of the car. It's mine.
"Gav." Tumingin ako kay Xian. "We need to talk along with Kipper to handle this. We need his help and of course the decision of the two of you."
Wala na akong maintindihan sa lahat. Walang-wala na. Hindi ko na alam basta ang tanging narinig ko na lang ay ang pagring ng phone ni Xian at siya na mismo ang umayos ng lahat at inihatid ako ni Jaden sa unit ko.
BINABASA MO ANG
TAHANAN: Jian Kipper Cardejas & Gavin Client Villareal
RomanceBoy's love story When a model and architect Gavin Client Villareal and a celebrity named Jian Kipper Cardejas cross their world in one industry. They fall in love and Kipper is not scared to lose and take a risk with everything he has. But apparent...