Chapter 3
After a days na panay balik ako sa firm ay saka naman na dumagsa ang mga raket ko. Yes, I'm into modeling pero ginagamit ko rin ang degree ko which is architecture. Mabuti na lang at may-ari ng isang firm ang tita ko kaya kahit papano ay nagkakaroon ako ng iilang projects.
May pilit ako tinapos na plates kagabi kaya ngayon talagang wala akong tulog. Kailangan kasi ng choices kaya sabi ni tita itry ko so ginawa ko naman. Sayang din kasi at baka mapili pa.
"Ilang shoot ang meron ako?" tanong ko kay Jaden dahi lumabas si Xian para bumili ng kape.
"Dalawa. Mamaya doon sa isang product, tent."
HIndi ako mapili sa mga projects. Mapa-kung anuano pa man. May runaway din ako sa Paris next week kaya kailangan ko na muna mag-focus doon kaya last ito na tinanggap namin. Nakaayos na rin ang mga kailangan namin next week. Makakasama ko rin ang dalawa kailangan ko pa magsabi kina mommy. At my age yes I need to do this. 26 na ako and may ipon na rin naman pero asa pa rin talaga ako sa parents ko sa maraming bagay.
"Hanggang what time ba shoot ko mamaya?" tanong ko habang inaayusan ng stylist ang buhok ko.
"Aabutin daw ng gabi kasi yun ang theme. Gabi talaga pero sa isang site lang naman which is kita ang city lights."
"Wow. Mukhang bet ko naman."
Matapos akong ayusan ay pinasuot na nila sa aking ang mga damit. Nakatatlong bihis din ako at halos tumagal ng dalawang oras ang shoot kasali na doon ang pagreretouch at pagbibihis. Kaagad akong inabutan ng iced coffee matapos kong magbihis. Hinintay namin si Jaden matapos mag-ayos ng gamit ko bago kami tuluyang umalis. Bumili si Xian ng pagkain dahil babyahe pa kami.
"We'll stay na lang ba sa hotel?" tanong ni Jaden.
"Nope. We can stay naman here. Let's camp na lang diretso talaga sa site baka pwede naman. Maganda yun hindi na natin nagagawa ang mga bagay na yun sa sobrang hectic ng schedule."
"Bet," tanging sagot ni Jad.
After ko kumain ay napagdesisyonan ko na muna na matulog. 3 hours pa naman ang byahe kaya natulog na muna ako. Ayoko sayangin ang oras para mag-me time.
Nagising ako dahil sa pagyugyog sa akin ni Jaden. Dahan-dahan akong bumaba at nakita ko na naman s iKipper. Pero dahil sobrang antok ko pa ay dumiretso ako sa perspective seat ko. Nakaupo habang nililinisan na ng make-up artist ang mukha ko. Napapikit na lang ulit ako dahil hinang-hina pa talaga ako. Kailangan ko pa ng tulog.
HIndi ko alam gaano katagal akong inayusan. Nang magising ako ay nasa tabi ko na si Kipper at may hawak na libro at nagbabasa. Umayos ako ng upo dahilan para lingonin niya ako. Nang tumunog ang phone ko ay kaagad ko naman itong inagot.
"Hi, tita. Bakit po?" tanong ko kasabay pa ng paghikab ko.
[Nagustuhan nila ang plates na ginawa mo. I think yun na ang napili nila. Paano mo natapos yun? Natulog ka pa ba?]
"Hindi po nakatulog, tita. May shoot din ako ngayon then may flight ako the next day. Tinapos ko yung plates kagabi kaya grabe ata eyebags ko ngayon. Mabuti na lang at nagustuhan naman. Akala ko hindi na since kinukulit din ako kagabi ng bata yun."
[Naku talaga. Miss ka na naman kasi ng batang yun. KIlang-kilala ko na galawan ni Maisei." I chuckled. [Sige na. Ingat kayo ah. Contact me again if you're free to saciliate the project din dahil need ka rin kahit papano kahit may naka-assigned na.]
"Yes, tita. Thank you po."
Nang matapos ang tawag ay iniabot na sa akin ang damit kaya nagbihis ako sa loob ng sasakyan namin. Matapos ko magbihis ay inayosan pa nila ako ng slight at saka na ako kinuhan mag-isa. Halos tumagal siya ng 2 minutes sa iba't -ibang angulo.
BINABASA MO ANG
TAHANAN: Jian Kipper Cardejas & Gavin Client Villareal
RomanceBoy's love story When a model and architect Gavin Client Villareal and a celebrity named Jian Kipper Cardejas cross their world in one industry. They fall in love and Kipper is not scared to lose and take a risk with everything he has. But apparent...