xxvi- family

131 3 0
                                    

Chapter 26

"Are you sure about this, Gav?" Xian asked. I nodded. "I'm so happy for the both of you. Deserve niyo maging masaya. Tiwala lang, kakayanin niyo yan ng magkasama."

Xian is working again now but apparently it's not for me anymore. Jaden also worked with Andy as her stylist while Xian is her manager. Sakto kasi na nagresign noon ang manager ni Andy kaya si Xian na lang ang napili niya. They also told me that they are now in the dating stage while Jaden is enjoying his single life and he's now my manager.

Matapos ang shoot ko ay nagkita kami ni Xian. Si Maisei naman ay isinama ni Kipper sa company nila. I don't know kung ano magiging reaksyon ng pamilya naming dalawa. 

"Jaden, wala na ba akong schedule for today?" I asked.

"Wala na. You can go na sa jowa mo. Pwede ienjoy ko na muna ito?"

I chuckled and pinched his cheeks.

"Yes naman. Sige na."

Dumiretso ako sa bar na sinabi ni Kipper. Hindi rin nagtagal ang byahe at narating ko na iyon. Hindi naman ako hinarang ng security pero ako mismo ang huminto.

"Where's Kipper's office?" I asked. 

"Follow me, sir Villareal." Hindi na ako nagulat dahil baka sinabi na ni Kipper. 

Nakasunod lang ako sa kaniya. Nakita ko ang wala pa naman masyadong tao dahil nag-aayos pa lang. Gold, and black is the theme of the bar. Nang nasa hallway kami ay dire-diretso lang kami. Nang nasa pinakadulo na kami ay kumatok siya bago ako kinabukasan ng pinto.

"This way, sir."

"Thank you."

Pagpasok ko ay nagulat ako dahilmay mga Barbie sa lapag na pinaglalaruan ni Maisei kasama ang isang batang babae. Si Kipper naman ay nakatalikod at may kausap sa phone.

Nilapitan ko ang dalawa at laking gulat ko sa nakita ko.

"Tistianna?" takang tanong ko.

Nang sandaling lumingon siya ay doon ko nga napagtanto na siya iyon. Tumayo si Maisei at yumakap sa akin.

"Daddy, she's Tistianna. Sabi ni Dad we're sisters na raw po." Kaagad kong hinalikan si Maisei sa noo bago ako lumuhod sa harapan ni Tistianna. "Tistianna, he's my Daddy. You can call him Daddy too."

"I miss you po. Naaalala kita po," she said. I open my arms so she can hug me. Tumayo naman siya at yumakap sa akin. "Daddy Kipper, adopted me po. I know how to speak Filipino na rin po. Can I really call you Daddy?" Humiwalay siya sa akin at tumitig sa mata ko. 

"Yes you can," I answered. 

"Sali ako sa hug po, Daddy." Natawa ako kay Maisei saka yumakap sa aming dalawa. "I have a little sister na po, Daddy. I love it po. You should call me ate, Tistianna. I'm now your sister." 

Tuluyan na akong umupo habang yakap pa rin nila ako sa magkabilang baywang ko. Pare-pareho kaming nagulat nang biglang yumakap sa may likuran ko si Kipper. Nakapalibot ang braso niya sa aming tatlo habang nakasandal ang chin niya sa balikat ko. And God knows how I am tearing up because of our position. 

"Wanna go home, babies? Sa akin kayo uuwi ngayon, Ga. Ipapakuha ko gamit niyo sa hotel kina Jaden at bukas na lang nila dalhin. Sa condo ko tayo ngayon." 

Hindi na ako umapila pa. Hawak ko sa magkabilang kamay ko ang tig-isang kamay nina Maisei at Tistianna. Nasa likuran naman namin si Kipper na may dala ng gamit nila.

Kipper cooked our dinner. I was so shocked when I saw that he really knows how to cook now. We ate our dinner peacefully. Nakatulog din ang dalawa sa isang k'warto. Paglabas ko ay nakita ko si Kipper sa couch.

"Hey." Nilingon niya naman kaagad ako. "Paanong may anak ka na rin pala?"

He chuckled. 

Naupo ako sa tabi niya at ginabayan niya ako para makahiga sa lap niya. Nakahawak din ang kamay niya sa kamay ko na nasa ibabaw ng dibdib ko.

"Nang iniwan mo ako binalikan ko si Tistianna dito. Inuuwi ko siya sa Pilipinas pagkatapos ko maayos ang mga papeless. Nagpaimbestiga na rin ako at talagang wala ng balak pa ang mga magulang nito na kunin siya. I adopted her dahil naaalala ko noon yung ningning ng mga mata mo habang nakatitig sa kaniya noon."

Tistianna is a beautiful girl and sweet. May aura siya na may pagkamasungit kahit bata pa lang pero sobrang sweet niya kapag nakausap mo na. Sobrang saya ko na Kipper saved her.

"Nga pala nakausap ko si Maisei." Napatingin ako sa kaniya at bahagya niyang inalis sa may mata ko ang takas kong buhok at iniipit niya ito sa may tainga ko. "She knows how you cried every night, mahal. Hindi niya raw binabanggit ang pangalan ko dahil iyon ang narinig niya sa'yo. And her Tito explains it sa kaniya what love is in terms of the gender of everyone."

Parang ang bigat lang isipin. Hindi ko alam na habang nahihirapan ako alam ni Maisei iyon. Bakit hindi ko napansin yun?

"Maisei is a very smart girl, Gav. He really loves you. He calls me Dad because you love me raw kasi. Sobrang thankful ako sa inyong dalawa lalo na ngayong tatlo na kayo. I'll fight for us, baby. Just please… stay with me. I'll protect this family."

"I'll fight with you, Adi. I'll protect this family too. Let me help you."

Nagising akong wala si Kipper.  Nag-iwan siya ng sticky notes na kailangan niya raw umalis ng maaga dahil may kailangan siyang ayusin. Inayos ko lang ang damit ng dalawa. Naunang maligo si Maisei saka naman sumunod si Tistianna. May nakahanda na rin na pagkain. Nang dumating si Jaden ay saka siya nakiusyuso sa bata at saka ko naman ik'wenento sa kaniya lahat.

"Hoy! Grabe namang revelation yan. So technically dalawa na ang anak niyo ngayon? Grabe nakakakilig naman." Para siyang tanga na pinapanood ang dalawa na nanonood ng Frozen. "Ang ganda naman ng pamilyang ito. Nga pala aalis tayo mamaya. Darating ang mga damit niyo sabi ni Kipper. Tapos may susundo sa ating sasakyan around 7pm."

"Bakit daw?" I asked.

"Dinner," maikling sagot niya. 

Nagstay lang kami sa loob at sinamahan ang dalawa na manood. Ako ang nagprepare ng lunch habang si Jaden naman ang nagbabantay sa dalawa. Dumating na rin ang suit ko at ni Jaden maging kay Xian at ang dress ng dalawa.

Kinahapunan ay lumabas kami para bumili ng snacks kasama ang dalawa at bumalik din naman kaagad sa unit. Dumating din si Xian. Nanood lang ulit kami ng movie at pareho kaming nakatulog nina Jaden at Xian. Inaway pa kami ni Maisei dahil tinulugan daw namin sila. 

Limousine ang sumundong sasakyan sa amin. Gulat na gulat pa kaming tatlo habang tuwang-tuwa ang dalawang bata. 

"Yayamanin amp! Feeling ko hindi ko deserve maupo rito. Nagugulat pa rin ako talaga sa yaman nina Kipper. Hindi ako handa," utas ni Jaden habang pinagmamasdan ang paligid ng sasakyan.

"Paampon na lang din kaya ako," bigla namang sambit ni Xian kaya pareho kaming napatingin sa kaniya ni Jaden.

"Gold din kaya si Andy," utas ni Jaden na sinang-ayunan ko. "Kayo na bahala sa akin pagtanda ko ah. Feeling ko secure na ang pagtanda ko salamat sa inyo." Binatukan namin siyang pareho ni Xian. 

"You're bad po ba't niyo binatukan si tito Jaddy?" nakangusong tanong ni Maisei. 

"Biruan lang namin ito, baby. Pero bawal niyo gayahin," natatawang paliwanag ni Xian kay Maisei.

Nang huminto ang sasakyan ay nagbukas ng pinto. Naunang lumabas si Xian at inalalayan sa pagbaba ang dalawang bata bago ako lumabas at sumunod si Jaden.

"This way, sir." Tumango kami sa isa sa bodyguard nila Kipper.

Malapalasyo ang bahay. Dinaig pa yung nasa Pilipinas na mansion. Pagpasok namin ay tumakbo si Tistianna. 

"Grandma, Grandpa!" Napalunok ako sa nakita ko.

Kipper's parents are here.

"Welcome home," sabay na sabi ng dalawa sa amin.

TAHANAN: Jian Kipper Cardejas & Gavin Client VillarealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon