xxii- end this way

135 4 0
                                    

Chapter 22

Matapos mailabas na nga ang sinabi ni Xian ay nakapagdecide na ako. Palihim ko na pinaluwas sina Mommy sa Manila dala ang documents namin ni Maisei. Dahil summer naman ay igagala ko na muna ang anak ko bago kami tuluyan pumunta sa Italy. I decided to leave for my baby habang si Mommy ay didiretso na sa Italy. 

"Sure ka na ba?" tanong ni Jaden.

Wala na akong ibang choice kundi ang umalis. Hindi rin ako panatag na dito mag-aral si Maisei. Natatakot ako na mabully siya dahil sa akin. Alam ko na hindi basta-basta huhupa ang mga iyon.

"Yes, I'll use my degree na muna siguro. Sorry."

Niyakap kaagad ako ni Jaden at Xian. Naiiyak ako dahil kailangan ko umalis at mawalan sila ng trabaho. Gusto ko rin naman na ipagpatuloy ang modeling pero kailangan ko muna ng pahinga at hindi ko rin alam kung may makakakuha sa akin sa ibang bansa.

"Ingat kayo doon ah?" I nodded while I am hugging them. "Kami pa rin ang balikan mo kapag kailangan mo na kami," dagdag pa ni Xian.

"True. Balikan mo ako or kunin mo ako, Gav. Promise mo yan ah?" 

I chuckled. 

"Oo na po. I'll try modelling pa rin doon. At kapag stable na kukunin ko kayo. Now bitawan niyo na muna ako at kailangan ko puntahan si Kipper."

Humiwalay naman kaagad sila pero kita ko ang lungkot sa mga mata nila. Alam ko. 

"Masasaktan yun, Gav. Mahal na mahal ka ni Kipper pero yeah… it's your decision. Nandito lang kami parati para sa inyo."

Tumango ako sa sinabi ni Jaden. Masaya ako na naging kaibigan ko sila.

"Mahal ko rin naman siya eh. Kaya lang hindi na okay, Jad. Hinuhusgahan na kaming pareho ng mga tao, tapos madadamay pa ang anak ko. Hindi ko hahayaan na masaktan ang anak ko. Mas mahalaga ang anak ko, Jad." Tumango siya at niyakap akong muli. "Mahirap din ito para sa akin. Ayoko rin naman na iwan siya kasi nasanay na ako. Ang sakit-sakit."

Iniisip ko na lang na para sa anak ko ang lahat. Handa akong magsakripisyo para sa kaniya. Para kay Maisei lahat ng ginagawa ko.

I texted him na magkita kung saan kami unang nagkita. Ewan ko pero iyon na lang din ang naisip kong lugar para tapusin ang lahat. Natatakot ako na baka hindi ko kayanin pero alam ko sa sarili ko na kailangan ko kayanin.

"Iiwan ko muna kayo. Sorry sa abala. Kayo muna bahala kay Maisei pati kay Mommy."

"Sige na. Don't worry kami bahala sa anak mo at nagpapahinga na rin si Tita." 

"Salamat."

Dito namin sinimulan dito rin namin tatapusin. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa dala kong payong habang nakaharap ako sa likuran niya. Kumukuha ang ng lakas ng loob para tuluyan siyang harapin. Hindi na pwede. Hindi na.

Mahal ko siya pero may napapabayaan na ako. Kailangan na may isakripisyo ako. Hindi na pwedeng pareho na lang parati ang kailangan kong piliin. Masakit din ito para sa akin pero walang ibang way. Kailangan ako ng anak ko, kawawa kaming pareho kapag pinilit pa namin. Kailangan niya ako pero mas kailangan ako ng anak ko.

"Hey! You're here." Hindi ko na namalayan na nakaharap na pala siya sa akin. Basang-basa na siya. "Hindi mo naman ako iiwan diba, Ga?" tanong niya.

Napaiwas ako ng tingin at napalunok. Huminga akong malalim bago ko muli ibinalik ang paningin ko sa gawi niya. Ayokong mahina. Ayokong imbis na talikuran siya ay baka mayakap ko lang siya ng mahigpit. Nasasaktan akong makita siyang nasasaktan din. Pareho kaming tuluyan na masisira kapag nagpatuloy kami. Kaya niyang makahanap ng iba, ako hindi ko na mapapalitan ang anak ko. Kailangan ako ng anak ko, ayokong mamulat siya sa mundong napaka-mapanghusga.

"Tinatapos ko na, Kipper. Just leave, Kipp." Umiwas ako ng tingin at mas mahigpit pa sa mahigpit ang pagkakahawak ko sa payong na hawak ko.

Lumapit siya sa akin at mahigpit akong niyakap. Nanghihina ako. Basang-basa siya kaya nababasa na rin ako. Sobrang higpit ng pagkakayakap niya habang humihikbi. Hindi ko siya kinakaya. Dito kami unang nagkita, dito rin kami magtatapos.

"Sorry na. Sorry na, Ga. May nagawa ba ako? Nasaktan ba kita? Nasaktan ko ba kayo? Tell me. Hindi ko kaya please sabihin mo. Naiintindihan ko naman ang naging desisyon mo eh."

Bahagya ko siyang itinulak. Alam ko kasi na kapag nagtagal pa baka hindi ko na siya maiwan pa. Hindi pwede iyon. Nakapag-desisyon na ako. Mas mabuting tapusin na namin ito.

"Please... respect my decision, Kipper. Hindi na katulad ng dati ang nararamdaman ko para sa'yo. Yes, it's not you, ako. Nawawala na, Kipp. Ayoko na rin ipagpatuloy. Nasasaktan na ako. Ang gulo na ang ingay na… ayoko ng ganito."

Hindi mawawala ang pagmamahal ko sa'yo, Kipper. You always here. Mahal kita. I'm just lying, baby. And I'm sorry for that. I'm sorry.

"Wala pa nga na matatawag na tayo eh sa harap nila eh," humihikbi niyang sambit. "Gav, mahal na mahal kita. Mahal ko kayo ni Maisei. Don't do this to me. Kayo na ang tahanan ko. Please lang. Hindi pa ba sapat, Gav? Kulang pa ba? Hindi ko kaya... Ang daya-daya mo naman eh. Bakit kailangan ganito? Hindi mo na ba ako mahal? Hindi na ba talaga?"

"I'm sorry, Kipper. I'm sorry. I need to go."

Tumakbo ako paalis. Ayoko na magtagal dahil hindi ko na talaga kaya. Kaagad ako nag-drive papaalis. Wala na akong pakialam kong basang-basa na ako at mabasa ang loob ng sasakyan. Hindi ko na rin siya nilingon pa. Mas masasaktan lang ako.

Pagdating ko sa hotel ay sinalubong ako nina Jad ng yakap. Pigil na pigil pa ako dahil ayoko na magising si Maisei. Ang swerte ko na minahal niya ako. Dati alam ko na mahirap makahanap ng mamahalin ang isang katulad ko na may anak at parte ng lgbt. Kasi feeling ko pwedeng pagtripan lang ako at gawing kung anu-ano. Na hindi naman pala talaga ako kayang mahalin at ipaglaban pero alam ko at napatunayan ko na hindi kabilang doon si Kipper. He really loves me but I chose to let go. 

Na wala na akong ibang maisip kundi ang umalis at tumakas. Umalis at iwan siya. Masakit sa akin pero titiisin ko lahat.

"Ang sakit. Mahal ko siya. Mahal na mahal ko na," sabi habang nakaupo na sa lapag at yakap ako ng dalawa.

"Okay lang. Iiyak mo lang yan. Nandito lang kami, Gav. Nandito lang kami ni Xian para sa inyo."

Matapos kong umiyak ay naligo ako. Panay din ang bahing ko dahil sa nabasa ako ng ulan at sobrang lamig. Nagpalit kaagad ako dahil sa lamig at inihanda ni Xian ang gamot dahil sa medyo sumakit ang ulo ko. Nakatulog na sina Jaden at Xian sa kabilang kama kaya tumabi ako sa anak ko. She's peacefully sleeping. 

"Daddy," he murmured. 

Napangiti ako habang inaalis ko ang buhok na nakakalat sa mukha niya.

"You're so pretty, baby. I'm sorry but I have to do this. Please behave, baby. Huwag mo na hanapin tito Kipp mo sa akin. Lalayo na tayo kay tito Kipp mo. Be easy on me."

Close na sila ng anak ko kaya hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang lahat. Hindi ko rin naman kayang ipaliwanag lahat-lahat sa kaniya lalo na at bata pa siya. Ayoko rin naman na kamuhian niya si Kipper dahil mabuting tao si Kipper.

"Mahal na mahal kita, baby. Lahat ng ginagawa ko para sa'yo. Yun ang parating tandaan mo, mahal ko kayo. Lalayo tayo kasi kailangan. Hindi ko na kaya pa sobrang gulo at ingay."

TAHANAN: Jian Kipper Cardejas & Gavin Client VillarealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon