i- meet

595 8 0
                                    


Chapter 1

Kaagad akong ngumiti nang sandaling makita ko si Jaden. Tumakbo ako papalapit sa kaniya saka ko siya sinalubong ng yakap. Isang buwan lang naman pero sobrang namiss ko sila. Hindi rin maikakaila na miss na nila ako dahil talagang parati silang tumatawag sa akin. 

"Grabe namiss kita," sabi nito sa akin at yumakap din pabalik. "So saan tayo?" tanong niya.

"Bar?" tanong ni Xian na bigla na lang sumulpot sa tabi naming dalawa. "Ano tara ba?"

"Ano?" tanong ni Jaden matapos humiwalay sa yakap ko at tinignan ako na tila ba sinasabi na dapat pumayag ako. "Ako always goods. VIP room na lang tayo. Tsaka nag-aya rin yun si Andy eh."

Napangisi siya ng sandali ko sana siyang hahampasin kung hindi nga lang siya nakalayo kaagad. Ito ang hindi nabago sa buhay ko. Ang magsaya sa kabila ng lahat kasama ang mga kaibigan ko. 

"Sige na nga. Kahit pagod pa ako. Mga walanghiya amp!"

Sumakay kami sa sasakyan ni Xian. Halos dalawang buwan akong nawala kaya ngayon balik trabaho na ulit ako rito. Kinakailangan ko kasi umuwi sa Probinsiya at ngayon lang ako nakabalik. Balik na ulit ako sa trabaho ko ngayon na nandito na ako kasama pa rin ang mga kaibigan ko. 

Inihatid ako nina Xian at Jaden sa harapan ng condo ko. Hindi na sila pumasok dahil aayusin na nila ang pagbabalik ko. May mga projects kasi ako na kailangan ko na ayusin. Mamayang gabi kami pupunta ng bar at may oras pa naman ako para makapagpahinga. 

Pagkapasok ko sa condo ko ay malinis na dahil inihanda na ito ni Jaden para sa pag-uwi ko. Naging bakasyon ko na rin ang pag-alis ko rito sa city kaya naman kahit papano ay nakapagpahinga na ako. Iba pa rin talaga sa probinsya. Sarap balik-balikan.

Nagpalit ako ng shorts at maluwang na shirts. Habang naghahanap ako ng maiinom doon ko lang narealize na wala pala kaya bumaba ako saka ako pumunta sa isang grocery store sa malapit. Mabuti na lang at walang tao masyado kaya nakalabas ako ng mapayapa. Well hindi  naman ako importanteng tao. Isang tao lang naman ako na nagtatrabaho para kumita.

Pagbalik ko sa condo ko ay kinain ko ang veggie salad na inihanda pa para sa akin ni Xian. Matapos kumain at makapagpahinga ay saka ako dumiretso sa k'warto ko para matulog kahit papano. Medyo pagod pa ako kaya naman itinulog ko na muna.

Nagising ako ng alas singko ng hapon. Walang ganang lumabas ako ng k'warto at ichineck ko ang phone ko. Nakita ko na may message sa akin si mommy kaya kaagad ko na nireplyan. Hindi pwedeng hindi. Mag-aalala na naman iyon.

Kaagad ako naghanap ng pwedeng kainin kaya nag-order na lang ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kaagad ako naghanap ng pwedeng kainin kaya nag-order na lang ako. Hindi naman masyado mahigpit sina Jaden sa diet ko dahil hindi naman ako tumataba, sakto lang ang katawan ko at kaunting workouts ay balik din ito sa dati. Pero kapag may trabaho siya talaga ang nagbabantay sa mga kinakain ko. Pareho kaming masisita ni Xian.

TAHANAN: Jian Kipper Cardejas & Gavin Client VillarealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon