Chapter thirty-seven

53 1 0
                                    

Sharmainne's POV


Habang umaahon kami sa dagat "Okay ka lang? Di k aba nilalamig" pumunta kami sa isang information desk at nahingi sya ng dalawang towel at may tinawagan muna sya sa telepono mamaya pa ay dumating narin ang towel


"O towel baka magkasakit ka nyan, Okay ka lang ba?" sabay lagay ng towel sa likod ko niyakap ko rin ang towel dahil na rin sa lamig ng hangin at nabasa din ako kanina sa dagat


"Huh? O-o naman wala naman syang ginawa sakin e medyo natakot lang ako."


"Sigurado ka ha? Natry mo na ba magsurfing?"


"Ahm hindi pa e."


"Gusto mo turuan kita?"


"Ahh e pwede ba next time na lang?"


"Ah busy ka ba saan ka pala pupunta?" natahimik ako saglit at bakit ako nakikipag-usap sa taong nawawala na lang na parang bula


"Ah masyado atang personal yung tanong sorry" nakatingin lang ako sa kanya akward kasi yung feeling e parang tagal ko na syang di na kausap tapos biglang ganito na lang.


"Okay ka lang ba talaga baka may masakit sayo sabihin mo sakin sinaktan ka ba nya?" nakikita ko ang biglang taranta sa mga mata pag-aalala o ilusyon lang na naman ito


"Sharmainne?!" sigaw nya


"A-hh oo okay lang ako sige na una na ako sa room ko"


"Okay lang bang hatid kita mamaya may mangyari pa sayo dyan e"


"Ah hindi okay lang kaya ko naman sarili ko e"


"Sigurado ka ba dyan kahit sa labas lang ako okay lang masecure ko lang na okay ka saang building ka ba"


"Ha sa may building 1 ako sige tara na?" walang imikan kaming nakarating sa elevator papuntang room ko


"Ahh sige dito na lang"


"Mamayang 7 pala Sharmainne may dinner tayo kasama sila Michael Suarez and the managers sana makasama ka sige una na ako byeee" kaway nya sakin at umalis na at sumakay na ako ng elevator at pinindot ang 4th floor dinner bakit ba tuwing nagkikita kami lagi nya akong niyaya ng dinner.


Naligo ako at nagpatuyo ng buhok at tinext ko muna si Michael tungkol sa dinner sabi nya susunduin nya na lang ako ng mga 6:30, 2 pa lang naman kaya umidlip muna ako at nag-alarm ng 5.


Pagkagising ko nagsipilyo at naghilamos lang ako at nagbihis lang ako ng white long sleeve and black polka dot skirt.


Sakto din pagtapos ko magbihis at maglagay ng simple make up tumawag si Michael at na sa may waiting area na daw sya sa baba. Kaya ng bumaba narin ako agad. Pagkadating namin quarter to 7 na kaya medyo okay okay narin. Sa may resto ni Michael kami magdidinner ngayon.

~True Love waits~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon