Calvin's POV
Umalis ako hindi dahil nagive up na ako sa relasyon namin. Umalis ako kasi kaibigan ko din si Angelie gusto ko syang tulungan nung makita ko sila ng lalaking un na nagyayakapan naisip kong di nya naman papabayaan si Sharmainne mahal ko sya oo pero buhay rin naman ang pinaguusapan dito. Nang makarating kami sa LA isang linggo pinagpahinga si Angelie pagtapos nun ay nagsimula na ang study tungkol sa kanya maraming tinuturok sa kanya araw araw syang nagsusuka di maiwanan ng parents nya ang business nila dahil dito sila kumukuha ng pera pambayad sa ibang gamot ni Angelie pero dumaan ang tatlong taon binawian din sya ng buhay sobra akong nalungkot nagpaalam ako sa mga magulang nya at pinayagan naman nila ako at nagpasalamat sa ginawa ko kay Angelie at umuwi muna ako ng Pinas para puntahan ang mga magulang ko nagbabakasyon doon pagkarating ko dun iilang mura ang natanggap ko kay dad tatlong taon kami di nagkita pero mura ang ipambubungad nya sakin.
"Sana kinausap mo na lang si Sharmainne ng maayos matalinong bata yun Calvin hindi yun tanga kung sasabihin mong sasamahan mo si Angelie magpagamot "
"Dad magulo ang isip ko nun siguro nga mali ag desisyon ko"
"Dad alam nyo ba kung nasaan sya"
"May nagsabi sakin na kinuha ng isang Michael Suarez yung mga model natin sa agency natin" (refer to chapter twenty-six continuation)
"Huh anong koneksyon nun kay Sharmainne"
"Sya ang magiging photographer at ilang araw o buwan siguro sya magstastay dun"
Pagkadating ko sa resort namiss ko ang simoy ng hangin nung nasa LA ako kung hindi trabaho ang inaatupag ko ay si Angelie naman tumira kami sa iisang bahay ni Angelie para maalagaan ko sya.
Nagpahinga muna ako malapit sa tabing dagat at sumandal sa isang upuan dun nakakamiss talaga dito.
Narinig ko ring nagbukas na nga yung resto ni Michael ba yun pero di ko parin nakikita si Sharmainne sabi ni dad nandito daw si Sharmainne miskin anino nya di ko nakita. Nagset na ako ng meeting dun kay Michael ngayong 2-3pm uuwi narin ako ng Manila mamaya pagtapos ng meeting mukang di ko makikita si Shramainne dito.
Nagtry akong mag bukas ng facebook ngayon na lang ako nagbukas ulit sumala nung umalis ako sabog ang notif ko at marami din message napansin ko agad ang iniwang messages ni Sharmainne
Sharmainne Zamora : Bakit ka umalis ayaw mo na ba. Kung ayaw mo na bakit di mo na lang sinabi sakin masakit maiwanan lalo ng di ko alam ang rason bigla ka na lang umalis di mo ba ako mahal.
Sharmainne Zamora: Kamusta ka na bumalik na ako sa photography :D
Sharmainne Zamora: Calvin kahit isang message lang sabihin mong di ka parin sumusuko sa relasyon natin
Sharmainne Zamora: umaasa parin ako
yun na ang last message di ko alam pero kumikirot ang puso ko ramdam na ramdam ko ang pangungulila ni Sharmainne sa mga messages nya
bigla naman nagchat sakin si Ron
Ron Zamora: Oh si Calvin ba to?
Calvin Pascual: Huh eh oo.
Ron Zamora: Gago ka pre grabe ginawa mo kay Sharmainne
Calvin Pascual: Sorry alam kong mali ako pero gusto kong makausap sana sya
Ron Zamora: O eto new number nya 09*******15. Bro di ko binigay yan para saktan sya ulit binigay ko yan para ayusin mo yung pagkakamali mo.
BINABASA MO ANG
~True Love waits~
Teen FictionMagkakapaghintay pa kaya ang pagmamahal matapos ang ilang taon na ang makalipas? May magbago kaya? Let us see if True LOVE WAITS.
