Diboto (ch 2.5)

194 5 0
                                    

Isang misteryosong malakas na pagkatok ang bumulyahaw sa masayang pag mumuni muni ni Sera sa loob ng kanyang silid.

Sino kaya ang gumagawa ng ingay na iyon?

"Mamaaa?! Papaaa?!"

Nang biglang...

"Sera anak ano ba yan! Kanina pa akong katok ng katok sa pinto."

"PAPA!?"

"Oh! Bakit para yatang naka kita ka ng multo diyan nak?"

Saglit na natahimik si Sera. Iniisip niya kung guni guni niya lang ba ang pangyayari na yun.

"JOPHIEL WALANG HIYA KA TALAGA!!!"

"Ano na naman yun Honey! Ay mamaya na tayo mag talo! Natatae na talaga ko!"

*BAAAAGH*

Agad siyang dumiretso sa banyo at sinirado agad ang pinto.

"Buweset ka talagang Panot ka nakakahiya kang isama!"

At saglit na natawa si Sera dahil sa ikinikilos ng kanyang mga magulang.

"Mama okay lang po ba si Papa? Para kasing namumutla siya e."

"Oo anak maayos naman yang Tatay mo, nakakahiya lang jusko!"

"B-bakit po?"

"Paano ba naman hindi nag sasalita, na tae na pala sa pantalon!"

"Kahit kailan talaga si Papa HAHAHA!"

"Ang nakakahiya dun pinag titinginan na kami ng mga staff at iba pang tao Doon sa labas, dahil umaalingasaw na yung amoy!"

"Ehhh bakit ba akala ko utot lang e! Di ako nainform na may kunting tae palang kasama."

"Letche ka talaga Panot! Nakakahiya ka!! Paglabas mo diyan humanda ka talaga sakin!"

"Edi di na ko lalabas! Dito na ko titira!"

"BUANG NA PANOT!!!"

"I LOVE YOU HONEY!!"

"HAHAHA tama na Ma Pa! Di naku makahinga! HAHAHAHA!"

Pag tapos nga ay nahinto na ang pag babangayan ng mag asawa.

Ilang sandali pa'y bumalik na uli sa normal ang kwelang pangyayari sa silid.

"Ano naging pag uusap niyo ni Angelo anak?"

"Kinumusta niya lang po ko at saka sinabi niya rin po sakin na nag aalala na raw po lahat ng kasamahan namin sa Parokya, pero sabi ko naman po wag na silang mag alala dahil maayos na po ko."

"Wag kang mag alala anak, pagkatapos dumumi ng lalaking yan maari ka ng lumabas pagkatapos kang check upin ng Doctor mamaya."

"Mama puwede po paglabas natin dito sa eskwelahan tayo dumiretso? Para din po pormal akong mag pasa ng note na di ako pumasok sa araw na yun."

"Anak wag mo ng alalahanin yun."

"Bakit po?"

"Sabi samin ni Angelo, kaninang umaga nagpasa na siya nun sa school mo at pinasabi niya rin sa ibang kaklase mo na pagkatapos ng klase niyo e pahiramin ka ng notes nila para daw maka habol ka."

Matatago sa salita, ngunit bakas sa mga simpleng pag ngiti ni Sera sa kanyang mga narinig at nalaman.

Pero panandaliang naputol iyon ng maalala niya ang itatanung niya sa kanyang magulang.

"Siya nga po pala Ma uhm kanina pa po ba kayong kumakatok sa pinto?"


"Kumakatok?" Ngayon ngayon lang naman kumatok si Papa mo."

Ang ngiti sa mukha ni Sera ay agarang napalitan ng takot at pangamba.

"Bakit anak ko? May problema kaba?"

"W-w-wala po Mama, ayos lang po ako."

Biglang..

*WOAAAAAH!!*

"SUCCESS! Ang sarap talagang tumae!"


"At sa wakas nakaka tapos karin!"

"Opkurs Honey! So tara na at bumaba!"

"Anung bumaba! May bakas pa ng tae yang pantalon mo!"

"No sweat Honey at may na dekwat akong shorts kanina habang patakbo takbo ako!"

"Hoy Jophiel saan mo nakuha yan! Ibalik mo yan!"


"Ibabalik ko nalang kapag naka uwi na tayo Hon! Ang importante mapa last check up natin si Sera, Mabayaran ang bills sa ospital at maka uwi na tayo."

"Haaay wala akong masabi sayong lalaki ka!"

"Halika na Sera at didiretso tayo sa paborito naming kainan ni Mama mo, kung saan kami dati unang magkita~"


"Ano ba Jophiel itigil mo yan!"

"Pero Hon inaalala ko lang naman kung saan ko unang nakita ang taong mapapangasawa ko at makakasama sa pang habang buhay."

"Jusko nakaka diri Jophiel! Halika na nga Sera at iwanan natin yang Tatay mo!"

"Ah eh Mama gusto ko pa po marinig yung kwento niyo noon HAHAHA."

"Isa kapa Sera sakay ka din sa trip ng Papa mo!"

At umalis na nga ang tatlo upang dumiretso na at maka uwi sa kanilang bahay.

Ngunit hindi parin maalis alis ni Sera ang pagkabahala na kanyang nararamdaman matapos niyang malaman ang bagay na yun.

Sino kaya ang gumawa nun at ano ang posibleng intensyon sa pag gawa ng bagay na yun.

Next
Chapter...


P.S: Maraming salamat po sa pag babasa ng gawa ko at ramdam ko yung pagkasabik niyo na ilabas ko na yung susunod na chapter HAHAHA pero ayon nga pasensya kung may mga delay sa release (tulad ng every friday dapat release ko tapos ayon umabot na ko ng sabado. lol)

Pero ayon nais ko uling pasalamatan kayo, dahil kayo yung rason kung bakit na momotivate ako mag patuloy. Alam ko na iilan lang kayo, pero salamat kasi solid suporta niyo. Babawi ako palagi at maraming salamat 💙

Persona-

"Midnight: The Tale of a Tailless Cat"Where stories live. Discover now