March 8, 2007
5:24 p.m"CARROT!! CHICO!! Mag gagabi na pumasok na kayo!"
Ang sigaw ng isang ginang na tinatawag ang kanyang mga anak mula sa hindi kalayuan na masayang naglalaro.
*MAMAAAAA!!!*
Ang sagot ng dalawang batang papasok na sa kanilang tahanan mula sa pag lalaro sa labas.
"Mga anak halina kayo at mag didilim na, magsi ligo na kayo at magsipalit ng damit dahil ang aasim niyo na lalo kana Chico, paamoy nga muna ng kili-kili."
"HAHAHA Mama wag po nakikiliti po ako Mama HAHAHA Ate si Mama inaamoy na naman kili-kili ko."
"Amoy paksiw kana anak! Akala mo ba makakaligtas ka Ate Carrot, hindi puwedeng si Kuya Chico lang."
"AHAHAHA MAMA NAKIKILITI AKO WAG HAHAHA!!"
At masayang nagharutan ang dalawang bata at ang kanilang nanay papasok sa bahay.
Wakas...
Oo ng unang part HAHAHA!!
Ito ang pamumuhay ng pamilyang Tolentino. Isang tipikal na pamumuhay ng normal na pilipino. Salat man sa yaman ang kanilang buhay ay masaya parin sila at sagana sa pagmamahal.
At ito ang kwento ng kanilang buhay.
7:36 p.m
*Tok tok tok!!*
"Mga anak buksan niyo na ang pintuan dahil andiyan na si-
*PAPAAAAAA!!!*
At dali dali na kumaripas ng takbo ang dalawang bata sa kanilang amang kakauwi lang galing sa trabaho.
"Mga anak!! Kumusta naman ang naging araw niyo!"
"Papa! Tignan mo to!!"
Isang test paper ang iniabot ni Carrot sa kanyang Ama."Aba anak!! Napaka galing mo talaga! Over 50 ang mali mo tatlo lang! Ang galing talaga ni Ate Carrot ko!"
"Papa papaaa!! Alam mo po tumulong kami mamalengke kay Mama kanina at ako po ang nag buhat ng mga pinamalengke namin!"
"Talaga namang napaka babait niyo at ang lakas mo talaga Kuya Chico ko!! Hali nga kayong dalawa dito may pasalubong ako sa inyo."
At may kinuha sa kanyang bag si Celso. Ang kanyang pasalubong sa mga bata.
"Heto na! Charaaan!! Mga bagong hairpin at krayola sayo Ate Carrot at para naman kay Kuya Chico ay itong robot na umiilaw."
*Maraming salamat po Papa!!!*
"Ahem ahem yung mga bata lang yung may pasalubong, ako kaya ahem?"
"Ay ito namang napaka ganda Kong asawa, puwede bang ikaw mawawalan hehehe."
YOU ARE READING
"Midnight: The Tale of a Tailless Cat"
Contoa compilation of tales about mystery, love and disgust.