Isang maulan at malamig na linggo ng gabi sa lugar ng New Born.
*Ama namin sumasalangit ka, sundin ang ngalan mo~*
Maririnig ang napaka gandang himig ng pagkaka sabay sabay ng tinig sa mga mang aawit ng simbahan.
Ngunit may isang natatanging tinig ang namamayagpag sa pangkat at iyon ang tinig na nag mumula sa isang dalagang nag ngangalang Sera.
*Dong!!! Dong!!! Dong!!!!*
Ang tunog ng kampana na senyales na natapos na nga ang huling misa para sa gabing iyon.
"Ateee Seraaaa!! ang sarap talaga pakinggan ng boses mo. Nagpapasalamat talaga ko kay Father Gabriel at dito niya ko inilagay sa parokya na ito!! Kada linggo ko na mapapakinggan ang napaka lambing na boses mo lods yaaaay!"
"Teka lang Lily HAHAHA masaya din ako na napa bilang kana dito sa parokya namin, pero di ganon kaganda boses ko."
"Anung hindi! Sobrang nangingibabaw at sobrang linis ng boses mo samin kanina. Habang nakikinig ako kanina para akong kinikiliti ng mga anghel sa tagiliran ko sheeems."
"Ikaw talagang bata ka pasaway ka HAHAHA"
Sa di kalayuan ay ang ibang kasamahan nilang mang aawit na nag uusap usap.
"Tignan niyo yang si Sera akala niya kung sino siya."
"Aye hende nemen megende beses ke! pweee!! Napaka pabebe ng babaeng yan, alam mo nakaka asar narin yan, kailan lang sumali dito sa parokya natin paborito na agad nila Father Uriel."
"Eh bali balita diba, sipsip daw yang babaeng yan. Alam mo vebs, nakita daw yan nila Andrew nakaraang buwan sa tanggapan nila Father Uriel."
"Tapos tapos?"
"Sabi parang ang saya saya daw nila papasok sa may tanggapan tapos antagal daw nila bago lumabas doon."
"Ay matik na yan vebs! kaya naman pala paborito ni Father kasi may namamagitan sakanila HAHAHAHA!!"
"Ayan sabi sa inyo e akala niyo lang mabait yan at tatahi-tahimik, pero nasa loob ang kulo yuck."
"Akala mo santo, puta pala eww."
"Baka mamaya sa tuwing nag kukumpisal yang babaeng yan Kay Father, hindi lang dahil sa kasalanan lumuluhod HAHAHA!"
"Pst psst Vebs andiyan na si Maria Clara! Quiet kana."
"Ay *ahem* Hi Sera, pauwi kana ba?"
"Hindi pa e, Hinihintay ko pa si Angelo."
"Sana all may jewaaa! Grabe ka naman Sera, yung pinaka pogi pa talaga na sakristan dito Jowa mo."
"Uhm hindi ko siya boyfriend, magkaibigan lang kami."
*Hindi ko siya jowa nye nye nyeee*
"Uhm may sinasabi kaba Sias?"
"Ahhh ehhh wala naman Sera sabi ko stay strong nalang sa inyo hehehe ay siya nga pala mauna na kami ha Sera bye bye"
"Sige mag ingat kayo."
"K."
At umalis na nga ang tatlong kasamahan nila Sera.
"Nakaka gigil! Ate Sera sino ba yung mga yun!? Bakit ganon sila sayo! Nakaka init ng dugo!"
"Kumalma kalang diyan Lily at saka nasa loob pa tayo ng simbahan."
"Ayy- naku sorry po Papa Jesus! patawarin niyo po agad ako kung nag sasabi ako ng mga ganon sa mga panget na yun sorry po talaga."
YOU ARE READING
"Midnight: The Tale of a Tailless Cat"
Contoa compilation of tales about mystery, love and disgust.