*Brrrrrrrrrrrng!!!*
Tunog na senyales ng pag tatapos ng klase sa paaralan ng New Born High school.
Ang pinaka hinihintay ng mga estudyante, sapagkat ngayong araw din ang huling araw ng pag susulit sa kanilang ika apat na markhan.
At dito mag sisimula ang kwento ng tatlong magkakaibigan na sina Mirai, Gen at Akko."
"Whooooo!! Sa wakas tapos narin!! Grabe grabeeee pamatay talaga palagi yung math halos walang humihinga sa room kanina. Ano masasabi niyo? Ikaw Akko?"
"Ahh oo mahirap nga, pero mas mahirap parin ng iniwan niya ko huhuhu!"
"Haaay ano ba yan Akko! Kaya di ka maka move on diyan sa panget mong ex e! Ano ba pinakain niyan sayo at di mo yan makalimutan!"
"Yung ano niya vebs."
"Anung ano?"
"Yung bur-"
"TEKA TEKAA!!! Wag mo ng ituloy babae ka!! Jusko ka ang usapan lang natin kung saang subject ka nahirapan!"
"Mahirap din naman yun vebs, pero masarap hehehe."
"Ay jusko ka!! Ikaw naman Gen saang subject ka nahirapan?"
"Hmmm let me think to the square root of four times to the gravity of the sun is divisible by noun."
"Inamo Gen!! Para kana namang siraulo diyan HAHAHA ano nga sira!"
"Para sakin naman kasi lahat mahirap lalo kung di mo natandaan yung ibang tinuro."
"Ay wow sumasapaw! So di kana naman nag review no?"
"Hindi e."
"Ganyan din sagot mo samin nung 3rd grading e tapos siya highest kinang ina!"
"HAHAHA!! Que Sera, sera."
"Ayan na naman siya sa lenggwahe na hindi na naman namin maintindihan. Ano nga ulit ibig sabihin niyan?"
"Kung ano ang magiging ay magiging. Maski mataas man yan o mababa edi wala tayong magagawa. Di naman natin hawak ang hinaharap."
"Kita niyo po mga kaibigan! Ayan po ang sagot ng hindi nag rereview!! Uulitin ko po ha hindi nag rereview!!"
"Tigil mo na yan Mirai HAHAHA ang ingay mo tanga!"
"Siya nga pala mag senior high school na tayo. Ano mga balak niyong kuning track? Ikaw Gen?"
"Siguro sa arts and design track. Gusto ko pa kasi mas gumaling sa production at saka visual arts."
"Visual arts daw? Puro ari nga lang dinodrawing mo sa likod ng notebook HAHAHA!"
"Lul HAHAHA tulad mo ko sayo!"
"HAHAHA wag kanang iiyak. Ikaw Akko ano balak mo kunin?"
"Sakin? Kung saan mas pinag aaralan yung nakaraan doon ako."
"Haaay jusko!! Bakit ganito mga kaibigan ko!!"
"Ikaw ba tanga este Mirai saang track gusto mo?"
"Hmmm Academic track siguro gusto ko mag HUMSS."
"HUMSS? Gagi bawal dun mga tanga!"
*BAGGSH!*
"Aray ko HAHAHA walang hampasan!"
"Ay sorry sadya."
"Bakit pala trip mo mag HUMSS?"
"Madaming pogi enebe!"
YOU ARE READING
"Midnight: The Tale of a Tailless Cat"
Short Storya compilation of tales about mystery, love and disgust.