Diboto (ch 2)

220 6 1
                                    

Matapos makita nila Sera at Angelo ang ilang naiwang kagamitan ni Lily sa gitna ng ulan ay biglaang nawalan ng malay si Sera.

Tila siya ay nagulat sa pangyayari at biglaang natakot sa mga maaring nangyari kay Lily.

*LILY!!! LILY!!! HAWAKAN MO KAMAY KO!! LILY!!!!!*

"LILY!!!"

Tila nagising si Sera sa isang malalim na bangungot.

"Sera anaaaak!!"

"Ma? Pa?"

At agarang niyakap si Sera ng kaniyang Ina. Ang kanya namang Ama na naka upo sa isang gilid ay natayo narin.

"Mabuti naman at nagising kana anak ko. Wala kabang ibang nararamdamang masakit sayo o ano anak?"

"Mama wala naman po, huminahon lang po kayo. Ma, Pa? Asan po tayo ngayon?"

"Andito tayo sa ospital anak."

"Papa."

"Agaran kang itinakbo dito ni Angelo ng sinabi niya samin na nawalan ka ng malay. Tinawagan niya agad kami na dumiretso na rito sa ospital para samahan at bantayan ka."

"Siya din pala anak wag mo kalimutan na magpasalamat sa batang iyon kapag karating niya at saka sabihin mo boto ako sakanya *sabay kindat*"

"Puro ka talaga kalokohan Joph!!"

"Aray ko naman Melissa! Pinapa ngiti ko lang anak natin, ikaw talaga ang sunget sunget mo! Anak wag kang magiging masungit! Wag na wag mo gayahin tong si Mama mo!"

"Joph humanda ka mamaya pag uwi natin sa bahay! Ikaw talagang Panot ka!!"

"AHAHAHA tigil niyo na po yan Mama, Papa!"

*Tok tok tok!!*

At maya maya pa'y may kumatok sa pinto at agaran naman iyong pinag buksan ng pinto ng Ama ni Sera.

"Magandang araw po Tito Joph!"

"Hey maboy!!! Sabi ko naman sayo diba daddy na itawag mo sakin total magiging mag asawa naman kayo ng anak kong si Sera."

"Hoy ikaw talagang Panot ka!! Kung ano ano pinag sasabi mo diyan!"

"Honey ano kaba! 18-taong gulang na si Sera, pag jowain mo na siya at saka mukha namang mabait si Maboy oh."

"Jusko!! Pagtapusin mo muna anak natin Joph!! Tsaka mo na isipin yang mga yan para kay Sera!!"

"KJ mo naman Honey. Halika na labas muna tayo at hayaan mong mag usap yung dalawa okay?"

"Kahit kailan ka talagang lalaki ka!"

"Siya nga pala Angelo."

"Ano po yun Tita?"

"Maraming salamat at nandiyan ka palagi para sa anak namin."

"Naku Tita wala po yun at saka po ayoko ding mapahamak si Sera, pero di ko po yun nagawa sa isa naming kasamahan kaya medyo nakakaramdam po ko ng guilty. Hanggang ngayon sinisisi ko sarili ko sa pagkawala ni Lily."

Tinapik ni Joph ang balikat ni Angelo.

"Hinay hinay nalang sa ganyang pakiramdam Iho. Alam naman naming ginawa mo lahat, pero di na natin maibabalik yung bagay na tapos na. Alam ko di madali, pero dumiretso kalang wag kang aatras."

"Midnight: The Tale of a Tailless Cat"Where stories live. Discover now