I found the Garden of Eden (ch 1.2)

97 2 0
                                    

June 6, 1977
7:45 a.m

Isang malalim na boses ang biglang narinig ng tatlo sa kanilang likuran. Biglang lumamig ang mga pawis ng mga batang kanina lang ay masayang nagkkwentuhan.

Ilang sandali pa ay..

"TEACHER?!"

Dali daling napa yuko ang ulo ng tatlong bata at binati ito ng..

"G-G-Good morning po Teacher!"

"*Pabulong* pst Adam! tingin mo narinig tayo ni Teacher?"

"*Pabulong* Di ko alam, pero sana wag kasi yari tayo."

Naka yuko parin ang ulo at hindi maka tingin ang tatlong bata sa mata ng kanilang guro dahil sa sobrang takot at kaba ng mga ito.

"Parang may narinig ako kanina na pinag uusapan niyo na masunget na teacher na may bigote na nakaka tawa? Sino yun? baka puwedeng sabihin niyo sakin. *sabay ngiti*"

"Wa-wala po teacher! Sa-sabi po namin mabait na te-teacher po na tapos pogi p-po."

Nanginginig pang pag paliwanag ni Bellin.

"Hmm siguro nga mali lang ako ng pagkakarinig ano? o bakit di pa kayo pumapasok sa mga silid niyo mag sisimula na oras ng klase ah. Teka anung grade at section niyo ba?"

"Grade 6 section 3 po teacher."

"Aba! Talaga naman atang tinadhana ko kayong makita dito."

"Bakit po teacher?"

"Ako kasi yung bagong adviser ng grade 6 section 3."

*ANOOOOO POOOOO!!*

"K-kayo po yung adviser namin!?"

"HAHAHA mukhang ganon na nga mga bata at ayon nga kukunin ko lang yung ibang kailangan ko sa faculty at didiretso na ko sa klase natin. Siya nga din pala maghanda kayo hehehe."

*B-Bakit po teacher!?*

"Secret HAHAHA sige na at pagtapos ng limang minuto papasok na ko."

*Okay po teacher*

Bakas na bakas sa tatlo ang pagka gulat ng malaman nilang ang taong nasa likuran nila kanina ay ang kanila palang bagong adviser at di nila maiwasang mapa isip sa sinabi netong maghanda sila, pero ano kaya ang bagay na kailangan nilang paghandaan?

At nakarating na nga ang tatlo sa kanilang silid..

"Grabe parin yung kaba ko pagtapos nating malaman na si yung teacher natin kanina siya pala yung bago nating adivser."

"Ako din Adam! Parang lulundag yung puso ko kanina sa kaba, parang gusto ko nalang biglang maglaho, pero parang bago lang siya dito sa paaralan natin. Ikaw ba Eve, pero parang familiar mukha niya e."

"Oo nga Len. Pakiramdam ko nakita ko na siya di ko lang matandaan kung saan?"

"Pero ligtas na tayo dahil di natin adviser si Teacher Moses haaaay grabe talaga yung pangamba kooo!"

*PAPASOK NA SI TEACHER!!!*

Isang bulyahaw ng kanilang kaklase na akala mo nakawala sa hawala kung makasigaw ang nag bigay babala sa kanilang paparating na guro.

At..

"Good morning grade 6!"

*GOOOOD MOOOORNIIINNG TEAAACHHHERR!!*

"Midnight: The Tale of a Tailless Cat"Where stories live. Discover now