August 21, 2023
9:21 p.mPumasok ang isang lalaki sa napaka dilim na silid.
"Anak ko, anung problema, bakit mo ko tinawag?" wika nito sa batang babae."Daddy di ako maka tulog, atatakot po ko." wika ng bata.
"Anak asan ka naman natatakot?"
"Natatakot po ko na iwan niyo ko daddy." sagot ng bata.
"Naku anak hindi mangyayari yun. Hinding hindi ka iiwan ni Daddy kasi love na love kita." sagot niya.
"Talaga po Daddy?" tanung nito na may halong bahid ng pag aalala.
"Oo naman Anak, pero paano yan kapag nagka asawa kana? Alangan tumabi parin ako sa inyo ng asawa mo. Edi nag suntukan kami non!" biro niya.
At nag halakhakan silang dalawa.
"Basta Daddy promise mo ah dito kalang po sa tabi ko ah.""Oo anak pangako yan. Sige na matulog kana." sagot nito sa anak niya.
Nang biglang..
"Tristan?" wika ng isang ginang na papasok sa kwarto.
"Cornelia, asawa ko. Heto ako at sinasamahan ang ating anak pagkat sabi niya siya ay nahihirapang maka tulog."
"Tristan!"
At isang malakas na sigaw ang naisagot nito.
"Tristan matagal ng wala si Anna!""P-pero nandito siya at kausap ko pa." sagot niyang may halo ng pagka balisa.
At pag lingon niya ay..
Wala na ang batang kaninang kausap niya.
"Tristan tanggapin mo na pakiusap." hagulgol ng kanyang asawa. "Sampung taon na nung na aksidente ang anak natin Tristan."
Hanggang sa saglit na natauhan si Tristan.
"Ah tanda ko na." sagot nito.
"Naalala ko na kung bakit madalas ako pumunta sa silid na ito pagkat ito ang silid kung saan natin laging nakikitang naglalaro, nag aaral at mahimbing na natutulog ang anak natin." wika ni Tristan.
"Kaya din ako madalas mapunta rito ay dahil madalas rin kitang maalala rito mahal kong Cornelia." wika niya habang siya ay papalingon.
Muling pag lingon niya..
Ay nawala narin ang imahe ng kanyang pinaka mamahal na asawa.
"Ayon ang lagi mong sinasabi sakin matapos mawala ang anak natin, pero di ko matanggap na pati ikaw-"Pati ikaw ay nagawa rin akong iwan."
"Walong taon matapos mawala ang anak natin ay tila nawalan kana rin ng ganang mamuhay."
"Alam kong mas labis kang nag hinagpis kumpara sakin ngunit di mo lang yun pinapahalata, bagkus. Heto ka sa tabi ko. Pinapalakas ang loob ko. Na malalagpasan nating magkasama ang trahedya na iyon."
"Ngunit matapos nun ay tuluyan kanang nawala."
"Winakasan mo ang iyong buhay sa mismong kwarto na ito sa pamamagitan ng pag higpit ng lubid sa iyong leeg."
"Ano pa ba! Ano pa bang kahulugan ng pamumuhay kung matagal niyo na kung iniwan."
"Pagod na ko."
"Matagal na akong pagod."
"Siguro nga'y matagal na akong patay at dinadaya ko nalang ang tinatawag na buhay.
Unti-unting nag sarado ang pinto.
Fin?
YOU ARE READING
"Midnight: The Tale of a Tailless Cat"
Short Storya compilation of tales about mystery, love and disgust.