Nakakapagpabagabag

56 2 0
                                    

Paunawa: Ang susunod na kuwento ay likha lamang ng imahinasyon. Ang anumang pagkakahalintulad sa mga tunay na pangyayari, tao o lugar ay kathang-isip lamang. Paalala sa mga mambabasa, ibayong pag iingat ang ipinapayo.

March 31, 2024
3:07 a.m

Sa kalagitnaan ng hating gabi, kung saan payapang nahihimbing na ang mga tao. Isang babae ang naghihintay ng masasakyan sa kalye ng Camarin bandang tulay.


"Haaaay alanganin talaga ang araw na 'to. Kaunti lang mga pumapasada, dahil maliban sa madaling araw palang ngayon ay dagdagan pang mahal na araw." maktol nitong sinabi.

"Kung hindi lang talaga sarado 'tong tulay ay nilakad ko nalang talaga hanggang health watch at nakarating na ko sa kabila. Hindi ganitong iikot pa ko at sasakay para makarating sa pupuntahan ko." dagdag ng dalaga habang napapa kunot na ang noo.

Inaayos kasi ang tulay na nag kokonekta sa Camarin at sa pupuntahang lugar ng babae. kaya imbes na isang daan na diretso nalang sana ay mapapa ikot kapa rito.

Maya maya pa'y may dumaan ng tricycle at agad siyang kumaway rito. Agaran ring tumungo ang sasakyan sa kanyang direksyon.

"Saan po tayo ma'am?" tanong ng drayber.

"Diyan lang sa may bandang health watch kuya." sagot naman nito.

Agad na pinaandar ng drayber ang kanyang tricycle.

Habang binabagtas nila ang daan, naalala ng drayber ang kuwentuhan ng kanyang mga chismosang kapitbahay.

Naalala niya na kaninang madaling araw daw ay may pinatay malapit sa may tulay.

Hindi pa daw nahahanap ang suspek sa krimen na nangyari.

Kinikilabutan ang lalaki ng kanya itong maalala lalo't sila ngayon ay nasa kalye ng sinasabing lugar.

Kaya upang mauga ang kanyang kaba ay sinubukan niyang makipag kuwentuhan sa dalaga.

"Ma'am nwgwowbian nuwyo who ba uwjwhng nwgys pinwatcay daw diwgi kaniuw?" (Ma'am nabalitaan niyo po ba yung pinatay daw dito kanina)." wika ng drayber ng tricycle sa babae na tila hindi maintindihan dahil nagpapa takbo ito ng kanyang sasakyan.

"Ano po yun?" tanong ng dalaga sa loob ng tricycle na tila hindi maintindihan ang sinabi ng drayber.

"kanina pwic kasidh nageidhig kwixj ndowj jwlamakay nmin mqyxic pjwiany wuxeo kanina banda rito. Kawawa hwosni po hwiwhsi shqkq 3 uwan untis dahgw po yung babae (Kanina po kasi narinig ko lang po na may pinag sasaksak daw kanina banda rito. kawawa nga po lalo't tatlong buwan na buntis daw po yung babae.

"Uhm opo?" tugon ng dalaga kahit wala talaga siyang maintindihan.

"Ano psosng gihekanjwa knyo sa gaidhw oras? dleinako ho ngayhwn at wkwa masywong mga tao nwgwyjng mhak na araw (Ano pong ginagawa niyo sa ganitong oras? delikado po masyado at walang mga tao lalo ngayong mahal na araw)." tuloy tuloy na kuwento ng drayber

"Opo." sagot ng babae kahit di niya naiintindihan ang pinag sasabi ng drayber.

"Sunod po Ma'am, gwau po kuwjw sa pwudja na ywun bagang. marami io ksicng lok629-loiwo 'don (Sunod po Ma'am, wag po kayo 'don mag abang. marami po kasing loko-loko 'don)." dagdag ng drayber.

"Oo nga po." sagot ng babae na wala talagang maintindihan

Nakarating na sila sa pupuntahan nila.

"Nandito na po tayo Ma'am." wika ng drayber.

Ngunit sinagot lamang siya ng isang nakakabinging katahimikan at laking gulat niya ng...

Walang taong naka sakay sa loob ng tricycle.

Nagpalinga-linga ang drayber sa paligid upang tignan kung saan napunta ang babae. ngunit, sa kasamaang palad ay wala talaga siyang makita.

Kinakabahang napa kamot sa ulo ang drayber at sinabing...

"Nag sakay ata ako ng hindi dapat isakay."


May mga kaluluwang hindi alam na wala na sila.

---
Fin.

Uy kumusta, Persona nga pala ulit hehe.

Gulat ka no? kahapon nag labas ako tapos ngayon may short story naman? hehehe.

Di ganito kasi yan, sa kada huling araw ng buwan, mag lalabas ako ng isang short story para dito sa Midnight.

Mga kwentong ika nga e "bite-sized" o mga kwentong hindi masyadong kukunsumo ng mga oras niyo.

Happy Easter Sunday pala sa lahat at magkita ulit tayo sa susunod na buwan. Enjoy 🌻🌻

"Midnight: The Tale of a Tailless Cat"Where stories live. Discover now