Prologue

10 0 0
                                    

DO you believe in destiny ?

Iyong tipong ang tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan para magkakilala kayo.

Iyong tipong hindi mo inaasahan,hindi mo kalkulado.

Iyong tipo na hindi mo inaakala,akala mo imposible....pero puwede palang mangyari.

Magigising ka na lang isang araw,nakatagpo mo na pala ang taong para sa'yo. The man that will love you with all of his heart, without a doubt.

Makikilala mo ang lalaking bubuo ng mundo mo,kahit literal na buo naman talaga ang mundo.

Makikilala mo ang lalaking akala mo coincidence lang,pero nakatadhana mo palang makilala.

Maraming naniniwala---na kapag nakilala mo na ang lalaking para sa 'yo,siya na talaga ang inilaan ng tadhana para sa 'yo.

Totoo naman,pero ang katotohanan sa likod ng kasabihan na iyon ay ang katotohanan na parte lang sila ng buhay mo,a part of your life that exist. Isang parte ng buhay mo na magbibigay ng tunay na daan patungo sa iyong tunay na tadhana.

Maraming dumarating sa buhay natin na naging parte at magiging parte pa lang ng buhay natin,marami sa kanila ang hindi na talaga natin makakalimutan.

Ang iba naman ay panandalian lang, panandaliang magbibigay sa atin ng saya at magpaparamdam sa atin ng pagmamahal na palagi nating inaasam na maranasan at maramdaman mula sa mga taong gusto nating makasama habang buhay.

But God knows what's best for us,hindi siya gagawa ng bagay na alam niyang makasasama sa atin. Some of the struggles we face was just a challenge for us. Isang pagsubok na magbibigay ng aral sa ating buhay,isang leksyon na kapupulutan ng aral na maaaring ibahagi sa iba.

I believe in destiny. Because destiny brought me to you.




I just want to be happy and feel love by the people around me. My family,my friends. I also want to feel love by someone,someone that I love since the very beginning....pero hindi ko alam kung karapat-dapat ba ako para sa kanya. Kung karapat-dapat ba akong mahalin.

You're not worthy.

Isang simpleng salita kung pakinggan pero libo-libong sakit ang dulot no'n sa akin. Parang paulit-ulit akong sinasaktan sa tuwing naaalala ko ang tatlong salitang iyon.

I'm not worthy. Not worth for him.

Hindi ako karapat-dapat magmahal at mahalin. He said I am just a distraction,that I am just a trash who puts myself on the spotlight,so people will shout and speak my name simultaneously.

He said I'm not like the other girl who have the rights to love because I'm just a nobody. He said I'm not beautiful because I came from a poor family. Sabi niya iiyak lang daw ako ng milyong beses kapag ipinilit kong maging isa sa mga babae niya.

Iiyak lang daw ako ng milyong beses kapag sinubukan kong maging isa sa mga babae niya,iiyak lang daw ako kagaya ng ibang babae na ang habol lang niya ay katawan nito at wala ng iba. Kagaya ng ibang nahuhumaling sa kaniya------isa ako sa mga babaeng gustong-gusto siyang makuha.

Isa ako sa mga babaeng baliw na baliw sa kanya. Isang babae na gagawin ang lahat mapasaya lang ang lalaking mahal niya. Na kahit nasasaktan,kahit nahihirapan... hindi pa rin titigil. Hindi pa rin susuko,hindi pa rin susuko na magmahal.

Pero kagaya din ako ng mga babae na marunong mapagod,marunong sumuko. I gave up loving him,I gave up everything I have para lang makalaya sa pagkakagapos ko.

He prison me,He hold me so tight so I couldn't run away from him. But I tried my best,I did my best. Nakalaya ako,nakatakas ako. Lahat ng ginagawa ko para sa kanya,lahat ng sakripisyo at pagmamahal...wala na lahat ng iyon. I don't love him anymore,iba na ngayon. Hindi na kagaya ng dati.Ibang iba na ngayon,kung noon ay halos mahimatay ako sa kaba sa tuwing nakikita siya ngayon ay hindi na. Dahil hindi na kaba ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko siyang ngumingiti at tumatawa. Galit at sakit ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko kung gaano siya kasaya habang ipinapakita niya sa buong mundo kung ano lang ang halaga ng babae para sa kaniya.

Ipinaramdam niya sa akin na wala akong halaga,na isa lamang akong hamak na basura na binihisan niya. Pinakain at pinatira sa marangyang bahay. Pero hindi na ngayon,I have my own life full of golds. Napapalibutan ng mga nagmamahalang gamit,alahas,damit at higit sa lahat pera.

But those money I have is just a trash kung gagamitin ko ito sa masama. My money is worth enough to help people,to stand on their own feet and continue living. Hindi lahat nabibili ng pera pero kung may sapat na pera ka mabubuhay ka. That is what my father told me before he died.

Hindi nabibili ng pera ang pagmamahal,hindi nabibili ng pera ang kasiyahan. Hindi nabibili ng pera ang mga taong makakasama mo,hindi nabibili ng pera ang buhay ng isang tao.

Kagaya ng buhay ko at pagkatao. I realize that my life is more important than everything in this world . Ang dangal at prinsipyo ko ay hindi mabibili ng kahit anong halaga. I have my own strength to stand up and build my own dreams. Hindi ako dapat umasa sa ibang tao para pagaanin ang buhay ko. Hindi dapat ako umasa sa iba para maging maayos ang buhay ko.

Dahil kapag nasanay akong umaasa sa iba hindi ko na malalaman kung ano ba ang kaya kong gawin ng wala ang tulong ng ibang tao. Kung sasanayin ko ang sarili na itayo ng iba mula sa pagkadapa ko hindi ako matututo na tumayo sa sarili kong mga paa.

I've had enough,tama na ang ilang taong pagpapakahirap ko para lamang hindi mabuhay ng hindi inaalipusta ng iba. Being with him is like living in hell but living without him is like living in paradise.

Peaceful, silent. No more violence,no more scar,no more pain. Ang taning mararamdaman mo lang ay saya, kontento sa kung ano ang meron ka.

Ang buhay na puno ng karangyaan ay hindi makapagbibigay sa atin ng tunay na kaligayahan. Life with gold is suffering but life without love is lifeless.

My life is lifeless without love,my life is not worth it without love. Because love made everything whole,love made our life wonderful.

Because love is everything.

✓✓✓

A/N: Prologue is done! Salanghaeyo

A Million Tears (Trilogy Series #1)Where stories live. Discover now