Chapter 1 - Flows

6 0 0
                                    

CHAPTER 1 ~ Flows


Ailine POV (Ailine pronounced as Ay-lin)

Huminga ako ng malalim bago lumabas ng kwarto ko. Kailangan kong pumasok sa eskwela dahil ilang beses na akong absent at puro na lang excuse ang natatanggap ng adviser ko. Kinakabahan ako iyon ang totoo,makalipas ang ilang linggo na pagbababad sa cellphone ko at hindi pagbibigay ng info sa boyfriend ko masasabi kong sapat na ang oras na iyon. Oras na para harapin ang mga dapat kong harapin,ang sangkatutak na tanong ng guro ko at ang sangkatutak na sermon at sama ng loob na maririnig ko sa boyfriend ko.

Ganoon naman lagi,magtatampo siya. Magagalit sa'kin at hindi ako papansinin pero kaunting lambing lang ay ayos na ulit kami. Pero siguradong galit siya ngayon, sigurado akong marami na naman siyang iniisip. Kung ayaw ko na ba siyang makausap,kung may nagawa ba siyang mali,kung siya pa ba. Ang dami niyang tanong at minsan ay nakakainis iyon.

Minsan kasi ay paulit-ulit siya at paulit-ulit lang rin ang isinasagot ko. Wala naman na kasi akong maisip na isasagot,kapag ba tinanong ka ng tanong na 'Akin ka lang ah?' sasagot ka ng 'Alam mo Baby,ang paranoid mo. Kung anu-ano na naman tinatanong mo.' Syempre ang isasagot mo 'Sa'yo lang ako, sa'yong sa'yo lang.'

Wala tayo sa libro para pag-isipan ang mga isasagot at sasabihin natin. Wala tayo sa libro para maging matalingha. Sa realidad puno ng kasinungalingan lahat ng mga salita, maliban na lang sa mga tanong na literal na nating ginagawa at nakikita. Hindi ko kayo pinag-iisip, desisyon niyo 'yan kung pag-iisipin niyo ang sarili niyo para lamang masagot ang mga tanong na hindi naman na kailangan ng sagot.

"Ailine,hindi ka pa ba aalis? Ihahatid na kita." Napatingin ako kay Papa ng magsalita siya.

"Aalis na po Papa,maglalakad na lang po siguro ako. Malapit lang naman po ang BGNHS Papa,unting lakarin lang naman." Nakangiting sabi ko.

Umiling si Papa at nginitian ako. "Hindi mo kailangan maglakad Anak. Ihahatid na kita,gamitin natin ang kotse mo." Natutuwang sabi ni Papa.

Ngumiti na lang ako at kinuha ang susi ng kotse sa bag ko at inabot kay Papa. Sa ilang linggong pag absent ko iyan ang naipundar ko,sa pamamagitan lamang ng pagsusulat. Alam kong hindi kapanipaniwala pero totoo,kumita ako ng higit kalahating milyon sa limang libro lang.

Hindi man ganoon kamahal at kagara ang kotseng binili ko ay masasabi kong naipundar ko iyon dahil sa pagtitiyaga ko.

"Dapat ay matuto ka ng mag-drive at ng hindi ka na naglalakad." Natatawang sabi ni Papa. Natawa naman ako sa sinabi ni Papa.

"Hindi mo naman ako tinuturuan Papa eh,paano ako matututo niyan." Nakabusangot na sabi ko.

Tinapik ni Papa ang balikat ko at binuksan ang pinto ng kotse ng makarating kami sa maliit na espasyo kung saan naka-park ang kotse ko.

"Hayaan mo Anak,kapag hindi ka na busy sa pagsusulat. Tuturuan kita." Tumango ako sa sinabi ni Papa at sumakay na sa kotse.

Nang paandarin niya ang sasakyan ay pumikit ako at isinandal ang ulo sa bintana. Nakasara naman ito kaya walang problema,hindi naman lalabas ang ulo ko roon at kakagawak ang buhok kong mahaba.

Sa pagpikit ko ay ang muling panunumbalik ng mga ala-ala na gusto kong kalimutan ngunit hindi maalis sa isip ko. Nagmulat ako ng mga mata ng maramdaman ang pamamasa ng mata ko. Hindi ako puwedeng umiyak sa harap ni Papa, sigurado akong magtatanong siya. Hindi pa naman ako sanay na nakikita niyang umiiyak ng dahil sa lalaki. Umiiyak lang kasi ako noon sa harap niya kapag pinapagalitan ni Mama. Sa tuwing inaaway ni Kuya at inaasar ni Ela.

Tumingin na lamang ako sa bintana at tahimik na nagmasid. Paano ko kaya haharapin ang bukas ng hind---nevermind.

"Nandito na tayo Anak,bumaba ka na at baka ma late ka pa." Napaayos ako ng upo at pinaypayan ang sarili. Bigla ata akong pinagpawisan.

A Million Tears (Trilogy Series #1)Where stories live. Discover now