CHAPTER 6 ~ Moon
Moon POV
Matapos kong iwan si Larah sa kwarto niya ay nagtungo ako sa aking silid upang magpahinga. Kailangan ko ng lakas at karagdagan pang lakas para sa mga susunod pang mga araw. Maaaring hanapin o ipahanap ako ng Mental Hospital sa pagpatay ko sa isa sa mga iniingatan nilang pasyente.
Hindi ko nais gawin ang bagay na 'yon sa kaniya ngunit buhay at dignidad ng isang babae ang nakasalalay sa gagawin niya. Mahalaga man ang buhay niya para sa perang nakukuha ng MH ay hindi ko ipagkakanulo ang isang buhay na mas kinakailangang ingatan. Hindi man ako naging patas ngunit hindi ako nagsisisi sa ginawa.
'Hihintayin ko na lamang ang tamang oras sa muli naming paghaharap. Kung sino ba sa amin ang mabubuhay at kung sino ba ang mamamatay.'
Akmang hihiga na ako sa kama ng tumunog ang relong suot ko,ang kulay berde at pulang bilog sa gilid ng aking relo ay sunod-sunod na umilaw senyales na may tumatawag. I click the green button to answer the call.
"Moon." Tumayo ako ng marinig ang boses sa kabilang linya.
"Ano't napatawag ka?" Agarang sagot ko. Tumahimik siya sandali bago muling nagsalita.
"I got a news,isa sa mga kilalang businessman ang napatay mo." Matunog akong napangisi sa kaniyang sinabi.
Sinong hindi matutuwa sa ganoong balita? Kahit alam ko kung ano ang katungkulan niya sa bansa hindi ako magdadalawang-isip na patayin ang lalaking 'yon. Hindi sapat ang buhay niya sa isang daang babaeng ginahasa niya at pinatay pagkatapos niyang magpakasarap. At ang mas nakagagalit ay hinahayaan lamang ito ng ospital. Ililibing ang bangkay ng mga babae sa ilalim ng ospital bilang alay.
'Matagal ng wala ang pag-aalayan nila, kaya bakit pa sila magdadala ng babae sa silong ng ospital para lamang gawing alay.'
Hindi tama ang gawaing iyon,hindi sapat ang salitang alay para sa mga pamilyang nawawalan ng mahal sa buhay.
"Hindi ko na problema 'yan,hindi ko kasalanan na naglagay sila ng buwitre para lang ipakain ang sarili nilang mga laman." Tiningnan ko ang sarili sa salamin,suot ko pa rin ang damit na suot ko kanina. Hindi ako naghuhubad ng damit kahit natutulog.
Inaalis ko lamang ang damit ko sa tuwing naliligo o di kaya kapag nasa sarili kong pamamahay.
"Moon...we can't just let it pass. We can't protect you--" pinutol ko ang sasabihin niya.
"Because I am the protector. Ganoon ba?" Mataas ang boses na tanong ko sa kaniya. Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong-hininga sa kabilang linya.
"No,hindi gano'n ang ibig kong sabihin. Hindi ka namin mapo-protektahan kung ikaw mismo ang naglalagay sa sarili mo sa kapahamakan." Natahimik ako sa sinabi niya. Tahimik na lang akong napangisi.
He has a point but my point is more than important than what he think.
"Then don't protect me,huwag mo akong protektahan. Kaya ko ang sarili ko,tiwala lang mula sa inyo ang kailangan ko." Magulo ang naging sagot ko.
Magulo dahil hindi ko maintindihan ang naging sagot ko,magulo dahil hindi ko alam kung tama ba ang naging sagot ko.
"Your making me crazy,Moon. Ang gulo mo,hindi ko alam kung anong klase ba ang utak mayroon ka. Pinaikot-ikot mo lang ang sinabi ko." Natawa ako sa kaniyang tinuran.
"Mayroon akong matalas na isip na hinaluan ng katangahan, ano't nagtataka ka? Hindi ka pa ba nasanay sa kung papaano ako mag-isip? Don't worry about me,worry about your woman. Balita ko siya ang susunod sa magiging biktima ng Mental Hospital....Siya rin ang isa sa mga huling iaalay." Binaba ko ang tawag pagkatapos kong marinig ang malutong niyang mura sa kabilang linya.
YOU ARE READING
A Million Tears (Trilogy Series #1)
Non-FictionIlang beses ka na bang nasaktan? Ilang beses ka na bang lumuha? Dalawang beses? Apat? Isang daan? o Milyong beses na? Nagawa mo na bang tiisin ang lahat ng sakit para sa taong mahal mo? Nagawa mo na bang sumuko para bigyang pagkakataon ang taong mah...