CHAPTER 3 ~ Weird
Ailine POV
Matapos ang klase ay mabilis akong tumayo para kunin ang walis tambo upang maglinis,hindi sa amin ang room na ito kaya kailangan naming panatilihing malinis ang loob nito.
"Uyyyyyy alis na kami." Paalam ni Jericho. Kahit ganoon ang naging pag-uusap namin kanina ay hindi siya nagalit sa akin sa halip ay humingi pa siya ng sorry.
"Ingat,mauryan na sana kami. Maga linig pa kaya." Sabi ko sa salitang bikol.
(Mauryan na sana kami,maga linig pa kaya means 'mahuhuli na lang kami,maglilinis pa kasi.' )
Tumango siya at sinabit ang bag sa balikat niya at nag-senyas na aalis na kaya nginitian ko siya at tumango.
Naiwan naman kami ni Marivic, siya ang nag-aayos ng upuan habang ako naman ang naglilinis. Winalis ko ang mga lupang dala ng mga sapatos at tsinelas namin dahil sa dumi ng daan sa labas ng campus. Maputik kasi ang daan malapit sa gate ng campus kaya kahit i-apak mo pa ang sapatos mo sa tuyong lupa ay kumakapit pa rin ang dumi sa spike ng sapatos na suot mo.
"Pa ayos ng numero, Marivic. Dapat tama ang pagkakasunod-sunod ng mga upuan." Utos ko sa kaniya at pinaalalahanan rin upang masunod ang ayos ng mga upuan.
May arrangement kasi na ginawa si Ma'am Ann para sa amin kaya iyon na lamang ang sinunod namin.
Pinunasan ko ang noo ng pagpawisan ako,madali akong pagpawisan na hindi ko din alam ang dahilan. Matapos magwalis ay kinuha ko ang bag at inayos ang mga gamit ko,ibinalik ko rin sa tamang lagayan ang walis tambo na ginamit ko.
Nang maayos ang mga gamit ko at mailagay ito sa loob ng bag ko ay inaya ko na si Marivic na umuwi. Sabay kaming pumapasok at umuuwi ng bahay. Malapit lang naman kasi ang bahay nila sa bahay namin,hindi naman kilometro ang layo nila. Ilang lakaran lang ay nandoon ka na.
"Tara na." Isinabit ko ang bag at kinuha ang tubig na tinitipid ko lang. Ayokong gumastos ng gumastos kahit may pambili naman ako. Ayokong magsayang ng magsayang ng pera lalo pa't hindi naman permanente ang trabaho ko. Tatagal ang panahon ay hindi na magugustuhan ng marami ang sinusulat ko. Puro na lamang kasi ito action at random,may romance din ngunit hindi ako magaling sa pagsusulat ng mga romance novel pero susubukan ko. Kulang lang siguro ako sa kaalaman at mga salitang dapat iangkop sa mga iyon.
Sinarado ko ang pinto ng room habang hinihintay naman ako ni Marivic. Ng maisara ay nilapitan ko siya para ayain ng umalis. Napadaan kami sa pahingahan ng mga guro kung kaya't bumati ako at nagpaalam.
Matapos ay muli na kaming naglakad palabas upang umuwi, hindi naman siguro ako susunduin ni Papa kaya't sasama na lamang ako kay Marivic maglakad pauwi. Habang naglalakad ay dinadaldal niya ako. Kaya't wala akong magawa kundi ang umimik ay sumagot sa mga tanong niyang hindi ko alam kung concern ba o nakikichismis lang para may idaldal sa kila Ivy.
"Ang dami mong tanong, bakit hindi ka na lang kumain diyan. Total mukhang gutom na gutom ka naman." Mapaklang sabi ko.
Umasim lang ang mukha niya at umiling tanda ng ayaw niya ng kumain.
"Abu ko na,busugon nako." Nang magsalita siya sa salitang bikol ay umirap ako.
(Abu ko na,busugon nako means 'ayoko na,busog na busog na ako.' )
"Akin na lang,kakain kain ka tapos hindi mo naman uubusin." Ngumisi siya ng kunin ko ang chichirya na kinakain niya at kinain iyon.
"Alam ko naman kasing gutom ka,kaya tinitirhan kita." Napairap ako pero natawa rin dahil kahit kakain ko pa lang ay gutom na ako agad.
YOU ARE READING
A Million Tears (Trilogy Series #1)
Non-FictionIlang beses ka na bang nasaktan? Ilang beses ka na bang lumuha? Dalawang beses? Apat? Isang daan? o Milyong beses na? Nagawa mo na bang tiisin ang lahat ng sakit para sa taong mahal mo? Nagawa mo na bang sumuko para bigyang pagkakataon ang taong mah...