CHAPTER 5 ~ Savior
Ailine POV
Nandito ako sa labas ng classroom namin,tahimik na nagmamasid sa mga estudyanteng kaniya kaniya ng ginagawa. Mayroong nagtatawanan,nagkukulitan,
nag-uusap. Nagbibiruan,mayroon namang kausap ang kanilang professor. Mayroong tulala sa hindi malamang dahilan, nakakatuwang pagmasdan ang saya sa kanilang mga mukha na minsan ay hindi nababakas sa kanilang mga mata, ang iba sa kanila ay tumatawa lamang pero sa likod no'n nakatago ang napakalalim na kalungkutan.Sa tahimik na pagmamasid sa buong paligid,nakikita at naiintindihan ko ang kanilang nararamdaman. Umuulan ngayon at kaysarap matulog. Ang tanging naiisip ko lang ngayon ay matulog,tila tinatamad rin akong pumasok at mag-aral. Tinapos ko ang tatlong research question ng palakad-lakad lang sa labas ng classroom habang malalim na nag-iisip kung paano ako gagawa ng tanong. Tila parati akong nahihirapan at mas nahihirapan pa,gusto ng pumutok ng utak ko sa lahat ng leksyon na itinuturo ng guro namin ngunit hindi ko maaaring hayaang bumagsak ang grado ko at magsimula na naman sa mababa. Noon ay wala lang sa akin ang mababang marka na nakukuha dahil hindi naman na iyon mahalaga,ang importante sa akin ay makapasa. Ngunit nagbago ang pananaw ko, kailangan kong magsikap at pagsikapan ang mga bagay na gusto kong makamit at maabot. Pursigido naman ako noon pero nagbago sa isang iglap,nakakatawa nga dahil ngayon ay unti-unti akong bumabalik sa kung ano ako noon. Hindi na mahalaga kung ano ang nangyari noon,ang importante ay masaya na ako ngayon.
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at binuksan ang Wattpad App ko. Marami akong naiisip na senaryo pero puno ng maiingay na estudyante sa paligid,rinig na rinig ang ingay kahit nandito kami sa building ng senior high umaabot pa rin ang malalakas na tawanan ng mga freshman, sophomore at junior student na nagmumula sa dalawang building sa harap ng stage. Ang una ay ang lumang building ng Senior High na nasa bandang kaliwa at ang bagong building na naitayo bago madistino sa ibang paaralan ang dating principal ay nasa bandang kanan,the Science LAB. At ang pinakabagong building kung saan kami pumapasok ay ang building sa likod ng stage. Maliit lang ang stage ng BGNHS,hindi rin siya ganoon ka-fully furnished. Pero marami ng mag-aaral ang umapak doon na naging matagumpay sa buhay. General Academic Strand o GAS ang tanging course ang mayroon ang BGNHS, pero kahit iyon lang ang kurso na mayroon dito ay sadyang napakahirap. Mas mahirap pa sa ABM at Humss. Sapagkat lahat ng larangan ay aaralin mo,walang isinasantabi. Lahat ay kabilang,maging ang pag-compute sa mga matataas na kita ng mga businessman at businesswoman ay kasama sa aming leksyon. Pahirap ng pahirap ang bawat leksyon na ibinibigay ng guro ngunit kung aaralin at iintindihin mo lamang ito ay mas madali mo lamang itong makukuha. Kagaya na lang ng Statistics and Probability. Mathematics pa din naman ngunit iba nga lang ang tawag,mas higit na mahirap din ang leksyon sa bawat semester.
Ibinaba ko ang phone ko ng mas lalong lumakas ang tawanan at sigawan ng mga estudyante,kahit kasi sa room namin ay malalakas din ang tawanan at sigawan. Kinukulit din ako ni Alemar at Henry,tanong ng tanong kung ano ba ang ginagawa ko. Hindi nila alam ang ganito kong gawain kapag nasa bahay,ang magsulat ng magsulat ng kwento. Nakakaasar minsan dahil hindi ko ma-isatinig ang mga nais kong isulat,nauunahan ako ng paglalayag ng aking isip hanggang sa hindi ko na maabutan ang magagandang senaryo sa aking isipan. Mas nananaig ang paglalayag ng isip ko kaysa sa mabilis kong mga kamay sa pagpindot ng keyboard upang itala ang dapat kong itala.
Napailing ako ng wala ng maidagdag pa sa aking naisip dahil wala ng tumatakbo sa isip ko kundi ang ingay sa katabing room at ang malalakas na tawanan doon. Nakakarindi ang paulit-ulit na tanong nila Alemar at Henry,sa halip na sagutin ang kanilang tanong ay ngumiti na lamang ako at iniwan silang dalawa. Pumasok ako sa room namin at naupo sa upuan kung saan ako dapat umupo. Iyon ang sit plan na ibinigay ni ma'am Ann sa amin,hindi na dapat namin baguhin.
Nag-isip akong muli ngunit sadyang malikot at pasaway si Alemar at binasa pa niya ang kwentong aking ginagawa. Sumunod pala siya sa akin at pumwesto sa likod ko upang basahin ang sinusulat ko. Pasaway at mapagbiro si Alemar kaya wala na akong nagawa ng marinig nina Henry, Marivic,Sarah at Marcela ang isinulat ko dahil malakas niya itong binasa,sapat lamang para marinig namin na naroon sa silid aralan.
YOU ARE READING
A Million Tears (Trilogy Series #1)
Non-FictionIlang beses ka na bang nasaktan? Ilang beses ka na bang lumuha? Dalawang beses? Apat? Isang daan? o Milyong beses na? Nagawa mo na bang tiisin ang lahat ng sakit para sa taong mahal mo? Nagawa mo na bang sumuko para bigyang pagkakataon ang taong mah...