CHAPTER 2 ~ Anger and Pain
Ailine POV
Huminga ako ng malalim ng makapasok sa classroom,binati ko ang mga kaklase bago ako naupo sa upuan kung saan dapat kami maupo. Nasa room kami ng Grade 12-A, ito ang pansamantala naming ginagamit habang hindi pa naayos ang computer room na siyang classroom namin.
"What's with your face bebe?" Natatawang tanong ni Marivic sa akin ng makaupo ako.
Tumawa lang ako at inayos ang pagkakaupo ko. Inilapag ko ang water bottle na binili ko kanina at hinarap siya.
"Wala naman,tapos mo na 'yong science?" Pag-iiba ko ng topic.
Umasim ang mukha niya at ngumuso.
"Hindi pa nga eh,hindi ko naman alam kung ano ang isasagot." Mabilis na sabi nito,tumawa siya sa huling sinabi.
Natawa na lang rin ako,kahit ako ay hindi ko rin alam ang isasagot. Parang alam ko ang sagot na hindi. Ewan,basta. Hindi kasi gumagana ang mga brain cells ko, hindi ako matalino. Sadyang may alam lang talaga ako.
Hindi ako nag-aaral o kinakabisado ang lesson sa bawat subject dahil tamad ako mag-aral. Sa pagbabasa at pagsusulat iyon ang hindi ako tinatamad. Wala kasing nakakatamad sa pagbabasa,wala ring nakakatamad sa pagsusulat lalo na kung tungkol iyon sa mga kwento-kwento.
Galit ako ngayon pero natatawa ako,akalain mo na kaya ko palang ipagtanggol ang sarili ko. Nagagawa ko lang kasing magalit sa mga kaibigan at pamilya ko pero hindi sa ibang tao. Siguro noon Oo,nagagawa kong sumigaw at magwala pero hindi na kagaya noon. Kahit galit ako simpleng joke lang napapangiti na 'ko.
Ganoon ako kadaling pangitiin,kahit corny basta joke ay natatawa na 'ko. Hindi naman kasi ako kagaya ng mga karakter sa libro na binabasa ko. Sila iyong tipo ng mga baba na kapag galit galit talaga,hindi rin ako kagaya ng mga karakter sa libro na kapag ngumingiti at tumatawa ay masaya talaga. Sa likod ng mga ngiti at tawa ko ay nakakubli ang mga masasakit na alaala. Mga malulungkot na pangyayari na minsan ay hiniling ko na sana hindi na lang nangyari.
Taon din ang itinagal bago ko matanggap na wala na talaga. Na hindi puwede,na bawal. Masakit iyon pa sa 'kin dahil may chance na sana pero bigla ring nawala. Iyong pagkakataon na puwede kong ibigay sa sarili ko para maging masaya hindi ko naibigay kasi magiging kasalanan sa Diyos at sa pamilya ang gagawin ko. Kaya para takasan ang kasalanan na gusto kong gawin ay inalis ko ang kasiyahan na dapat ay noon ko pa nakamit. Ngunit hindi roon natatapos ang lahat dahil kapalit ng panandaliang saya ay ang matagal na pagkakakulong sa malungkot na alaala ng kahapong hindi magbabalik.
Natuto akong magmahal ulit,iyon ang totoo. Ngunit kahit gaano ko sikaping ayosin ang lahat ay may gusto pa ring tumibag ng nabuo kong puso. Kahit masakit para sa akin ang naganap ay sinikap kong magpakatatag. Mahirap man na harapin ang bukas ay ginawa ko ang lahat para lamang huwag malunod sa pasakit at lungkot na dulot ng pagmamahal.
"Nasasaktan ka pa rin ba?" Napatingin ako kay Jericho ng magtanong siya. Nagtagal ang titig ko sa itim niyang mga mata. Bakit niya ako tinatanong sa tanong na kitang kita naman ang sagot.
Mga tao nga naman,alam na ang sagot pero inuugali pa ring magtanong.
"Hindi ako nasaktan dahil hindi ko naman siya minahal." Matapang na sagot ko. Ngunit hindi iyon totoo dahil ang totoo ay nasasaktan ako.
May kaunting kirot sa puso ko dahil sa ginawa ni Jayron. Jayron was my boyfriend,WAS my boyfriend. It WAS before when he didn't find a girl para ipalit sa akin. He found a replacement that's why he choose to broke up with me and be with his new girl. That girl hate me so much,to the point that she want me gone. But she can't do anything. Hindi ko gustong mawala sa mundo ng dahil lang sa isang lalaki. Gusto kong mawala sa mundo hindi dahil sa nasasaktan ang puso ko kundi sa sakit ko. Gusto kong iyon lang ang magiging dahilan ng pagkawala ko para hindi isipin ng ibang tao na sinayang ko lang ang buhay ko para sa lalaking wala namang ibang alam kundi ang bambabae at ipakitang mas higit siya sa iba.
YOU ARE READING
A Million Tears (Trilogy Series #1)
Non-FictionIlang beses ka na bang nasaktan? Ilang beses ka na bang lumuha? Dalawang beses? Apat? Isang daan? o Milyong beses na? Nagawa mo na bang tiisin ang lahat ng sakit para sa taong mahal mo? Nagawa mo na bang sumuko para bigyang pagkakataon ang taong mah...