A long silenced filled my atmosphere as i stared at the buildings in the city.
He left the rooftop without saying anything. He's too cold for me.
Sayang... parang maganda paman din siya maging friend.
Umiling ako at bumaba mula sa kinauupuan at hinanap ang carpet na tinatago ko dito, dahil madalas dito ako nagtatambay. Nang makita ang carpet, nilatag ko 'yon at humiga.
Tinitigan ko ang madilim at nakakakalmang kalangitan.
Sa bawat kislap ng mga bituin, tandaan mong may pag-asa bawat mithiin.
Napangiti ako at ipinikit ang mga mata ko.
"I have died everyday, waiting for you. Darling don't-be afraid... I have loved you..."
"For a thousand year... I loved you for a thousand more." Iminulat ko ang mata ko at naupo na.
Ngumiti ako at tinitigan ang city lights. "Sa bawat kislap ng bituin, tandaan mong may pag-asa bawat mithiin." Bumuga ako ng hangin at tumalikod na para bumalik sa kwarto ko.
Habang nasa hallway ay sunod-sunod ang pagtakbo ng mga nurses papunta sa aisle namin.
'Room 207 patient is crushing!'
Natigil ko sa paghakbang ang talampakan ko ng marinig ang isang nurse na isigaw 'yon. Napatitig ako sa pinto ng katapat kwarto ko dahil labas masok ang nga doctor at nurses na may dalang kung ano-ano.
"Celes, pumasok kana." Tumingin ako kay Doc. Trish. "He's fine. Palaging nangyayari 'yan sakaniya."
Pumasok ako at isinara ang pinto. Saka ko pinatay ang ilaw at nahiga.
Ginising ako ng maramdaman ko ang ubong ilalabas ko. Umubo ako ng umubo at napatingin sa taong nasa loob ng kwarto ko.
"Ang ayos at linis masyado ng kwarto mo." Nangunot ang nuo ko at umupo sa higaan.
"Anong ginagawa mo dito?" Tumingin siya sa'kin at inilapag ang librong binabasa niya.
Huminga siya ng malalim. "Doc Trish is cleaning my room. She said, ayaw mo ng marumi."
Mas lalong nangunot ang noo ko. "Anong pakeelam ko sa kwarto mo?"
"It's your space before."
"Aish."
"You want to eat?" Tumingin ako sakaniya at tumango. "Tara."
"Gusto ko ng mami." Tumango siya at sinabing maghintay ako. Bakit ko naman tatanggihan ang pagkain.
"Wear this." Napatingin ako sa mga damit na ibinagsak niya sa higaan ko.
Isang hat, isang longsleeve na knitted sweatshirt at black na leggins na pinarisan niya ng puting rubbershoes.
"Akala ko ba kakain lang tayo ng mami?" Nagdududang tanong ko saka nagtatakhang tumingin sakaniya.
Tumango naman siya at tumingin din saakin. "Oo nga."
"Eh bat parang artista tayong hindi dapat madakip ng media na lumalabas!" Malakas na sigaw ko sakaniya dahilan para manlaki ang mata niya at agad na takpan ang bibig ko. Matalim ko siyang tinignan dahilan para bitawan niya ako at huminga ng malalim.
"We can't leave the hospital with the hospital clothes. At hahayaan ba tayo ni Doc. Trish?" Nakagat ko ang labi ko at napaisip sa sinabi niya.
Tama...tama.
"Tumalikod ka, magbibihis ako."
"May banyo naman-"
"Tatalikod ka, tatalikod?" Masama ko siyang tinignan ng tumalikod siya.
YOU ARE READING
Midnight Love
General Fiction[Completed] Midnight was our love. But never our time. April 22, 2022 December 4, 2022