Matthan's POV
She looks perfectly fine in my eyes. She still have those perfectly pink lips and cheeks. Kaya hindi ko magawang isipin na mas mabigat ang sakit na tinutukoy niya.
Napalunok ako nang tuluyan siyang nanahimik habang pinaglalaruan parin ang mga kuko niya, nakayuko siya at mahinang humihikbi. Hinawakan ang nangagalgal niyang kamay.
Tuluyan akong napailing nang makitang tuloy-tuloy ang luha niya sa pisngi. Lumamlam ang mga mata ko at mas hinigpitan ang hawak sa kamay niya.
"Acute Myeloid Leukemia..." kumirot ang mga labi ko at naistatwa sa kinauupuan ko. Parang dumugandong ang buong tainga ko sa narinig, umawang ang labi ko.
Naramdaman ko naman ang unti-unting pagbilis ng tibok ng puso ko.
Kumibot-kibot ang labi ko at walang mahanap na salita ang bibig ko. Parang nauulol ako sa narinig. "N-no. You said it's not heavy,"
Lumunok ako. "Hindi eh. Ang perfect mo nga oh." Natatawa pang sabi ko habang tinuturo siya at umiiling. "Ang ganda-ganda mo pa, wag mo'kong pinagloloko, Asra..." muli pa'kong tumawa at tumingin sakaniya nang nanatili lang siyang nakayuko.
Nangunot ang noo ko nang makitang gumalaw na ang balikat niya. Sumisibolo na umiiyak siya.
"Sana nga niloloko lang kita," sinabi niya 'yon ng tumatawa pa. Pero kahit sa boses lang ay alam kong nasasaktan siya. Mahigpit akong napahawak sa IV stand ko. "Sana, Matthan, Sana."
Naramdaman kong nanlambot ang mga tuhod ko. Napatulala lang ako sakaniya, hinayaan ang mga luhang tumulo at sakupin ang mga pisngi ko. Ramdam ko ang pagkirot at pagkibot ng pangitaas na labi ko.
Sa unang pagkakataon, nakaramdam ako ng sakit na hindi ko maintindihan. Iba sa sakit na naramdaman ko nang iwanan ako ni Erayne, ibang-iba. Hindi ko maexplain. Ang kaninang saya sa puso ko dahil sa muling pagkikita namin ay napalitan ng ibang pakiramdam ng kirot.
I used to so empty and dull, my days were hard to survive and eventually, I stopped trying at everything. But then you came, Asra. You came like a ray of sunshine.
Became my home, my peace and my happiness. Things started to to become grand, you bring so much to my life. You bring colors and so much bubble in me, because of this things it made me wish.
What if I met you earlier. What if I loved you earlier in this life? Will we have more time, will I ever got a chance to be more happy. Because not until you came, things have never been this blissful.
Never this beautiful. Not this peaceful, not this solemn. But then again, all this things became a piece of broken glass as you said something that will be forever painted in me.
Tumingin ako sakaniya, malalim ang iniisip niya at mukhang nasasaktan ang sarili sa iniisip. Bahagya pa siyang suminok at napatakip ng mukha, hindi ko na inalis ang tingin ko sakaniya. Awang-awa ako, mali ako sa isiping kakayanin niya kung ano man ang sakit niya, pero kakayanin niya diba?
Asra gave me another chance to live, she became my line of life. After she came and knock on my door, I saw another glimpse of my life, living happily with her. Siya 'yong isa sa mga dahilan bakit ako nagkaroon ng pag-asang maghanap pa ng donor. Dahil gusto ko siyang pakasalan, gusto ko siyang angkinin.
Gusto ko siyang makasama hanggang sa tumanda ako, siya. Siya ang gusto ko. Siya ang gusto kong mahalin hanggang sa tumigil ang hininga ko.
Siya, siya lang. Kahit iharap ako sa kahit na kanino ay siya ang hahanapin ko. Sigurado ako doon, hinding-hindi mawawala ang bawat sulok ng pagmumukha niya sa isip ko.
Asra, nagmamakaawa ako...
Para parin akong bato na nakatayo lang sa gilid niya at nakatitig sa kalangitan na dumidilim na. Hindi ko makuhang mamangha sa kalangitan gaya ng dati dahil parang napakasakit niyang titigan.
YOU ARE READING
Midnight Love
General Fiction[Completed] Midnight was our love. But never our time. April 22, 2022 December 4, 2022