-16✅

62 11 4
                                    


Isang araw bago ang kaarawan ni Asra ay muli kong binisita ang Hospital Gallery para ilagay ang last piece na regalo ko sakaniya.

Bracelet 'yon, kulay gold na bulaklak. Bawat bulaklak don ay may nakahulog na petal. Minsan ko pang tinitigan ang bracelet, saka na 'yon inilagay sa puting box na sing laki lang ng palad ko.

Napakislot naman ako nang biglang tumugtog ang kantang napili ko sa birthday niya, natawa lang ako nang makita ang isang staff na inaayos ang ilang gamit sa music section.

"Matt." Inayos ko ang pagkakalagay ng box sa lamesa at tumingin kay Doc. Trish.

"Po?"

She smiled and tap my shoulder. "Asra's dress is ready," she said calmly while looking at the Gallery. "And she's in the chemo right now." Nakangiti namang ani niya habang nakatitig na sa'kin.

"You know how much I adore you and Asra, right?" Tumango ako. "That's good, my gift is here too." Binigay naman niya sa'kin ang puting teddybear na may hawak na puso, nakangiti ko naman na ipinatong malapit sa box ng bracelet 'yon.

Kinuha ko ang cellphone ko at idinial ang number ni Martle.

"Yes dude?"

Ngumiti ako at pinasadahan ng tingin ang regalo ko at ni Doktora.

"Where are you?" Narinig ko ang mahinang tawa niya.

"I'm with Callee, bumibili kami gifts." I chuckled.

"Good, update me kapag nandito na kayo." Matapos no'n ay pinatay ko na ang tawag at naglakad papunta sa room..

Martle's POV

"Asra..." isinilid ko sa pocket ko ang phone at hinawakan sa magkabilang braso si Callee.

"Stop crying," bulong ko pero umiling lang siya.

"I can't, Martle. Bestfriend ko 'yan eh, tignan mo oh. Para siyang lantang gulay-" napapikit ako nang ibagsak niya ang likod sa'kin, kinuha ko ang isang upuan at naupo saka niyakap si Callee.

Asra just finished her session sa chemo, she's sleeping but the pain is visible in her face. Naging iba din ang aura niya since nagstart ang chemo niya, she can walk but madalas siyang nawawalan ng balanse. Asra's Mother stopped sleeping becase of fear of losing her, Matthan doesnt know this.

Kapag gising si Asra, nakatutok lang siya sa journal niya, katabi niya matulog 'yon. Ni isa sa'min hindi nahahawakan at bawal tignan ang nasa loob, kahit puno kami ng kyuryosidad ay hindi kami lumabag sa gusto niya.  Kahit naging mahirap ang sitwasyon niya, palagi parin siyang nakangiti.

Smile never fade in her, she laughs when one of us jokes. She sometime joke around too, bur Callee can't take it because of how jolly Asra became. Sinasabi niya madalas na parang bumalik 'yong Asra na kilala niya, natatakot daw siya na baka iba ang ibig sabihin no'n.

Si Matthan naman, mas naging magana si Matthan. Palagi siyang may gustong gawin para kay Asra, palagi siyang may plano para bigyan ng ngiti si Asra sa labi. Gusto niya na dapat may ganito para kay Asra, may ganyan para kay Asra. Gumaganda din ang aura niya. Kabaligtaran ng kay Asra.

"Martle...pano ako pag nawala si Asra,"

"Shh." Hinigpitan ko ang yakap kay Callee. "Stop, hindi siya mawawala, Callee."

"Didn't you hear Doctora? Nakain na siya ng cancer cells niya, wala ng magagawa ang chemo." Tumingala siya sa'kin, I saw how her eyes sparkled with pain. Kung si Callee hindi na maimagine ang sarili niya ng wala si Asra, paano pa ang mga magulang niya?

Paano si Matthan?

Kung si Callee parang mawawala sa wisyo, pano pa si Matthan?

Isiniksik ni Callee ang mukha sa dibdib ko at mahinang humagulgol. I can't imagine this builded family without Asra who became our pillar. Nabasa ko ang pang-ibabang labi nang makitang pumasok si Doctora ng hindi maipinta ang mukha.

Midnight LoveWhere stories live. Discover now