-15✅

73 15 4
                                    

Hi everyone, sorry for the late updates:)

"Ang ganda mo..." iyon ang bungad ni Callee sa'kin nang makalabas ako sa banyo suot ang mahabang bestida na pinapasuot niya. Ngumiti ako at lumapit sakaniya, dahan-dahan naman niyang inilagay sa ulo ko ang flower crown.

"Ano ba naman kasing trip n-niyo?" Natawa naman si Mama nang marinig akong mautal sa dulo dahil sa sakit ng likod ko. "Hindi ko naman po ata bagay-"

"Ahep ahep ahep! Shut up ka okay?" Pigil ni Callee sa'kin habang oa na gumagalaw para matawa ako. "You're stunning."

I smiled sweetly at Callee, I mouthed thank you before facing the full-body mirror. I actually look fine with the dress, hapit siya sa beywang pero maaliwalas sa bandang itaas at pababa.

Ngumiti ako nang mapatingin ulit sa buhok ko, nilagyan kasi ng extension ang buhok ko, wavy iyon. Katulad ng buhok ko noon.

Matapos ang pag-aayos ay tinulungan na'ko nila Mama para umakyat sa rooftop, bumungad naman sa'kin napakagandang pagkakaayos ng lugar. May mga tulips boquet na napila sa magkabilaan ng carpet. Iyong dulo ng carpet ay hindi kataasang arko na may nakapalupot na puting seethrough na kurtina, may mga ilaw din na nalapalupot at bulaklak. Para siyang big version ng flower crown ko.

Habang sa magkabilang gilid naman ay nga bilog na mesa na hindi naman ganoon kataasan, tapos ay may lavender sa gitna. Napangiti ako dahil sa mga bulaklak, ang linis tignan ng mga puting lamesa dahil doon. Mahina akong natawa dahil sa saya na naramdaman ko sa puso. Tuluyan ding namuo ang mga butil ng luha sa mata ko.

Parang hindi ako makapaniwala sa nakikita ko, hindi ko minsan naisip na gagawin 'to ng isang lalaki para lang tuparin ang isa sa mga gusto kong mangyari sa buhay ko. Ang ikasal. Kung hindi ko pa tinaggap si Matthan sa buhay ko, ay hindi ko mararanasan lahat ng pinaranas niya sa mga nagdaang linggo sa'kin. Pinunasan ko ang pisngi ko nang tumulo ang luha at matunog na ngumiti...

Is this the waves of love?

Ramdam ko ang kakaiba at hindi pamilyar na pakiramdam sa puso ko. Masaya ako, totoo. Pero may iba pang pakiramdam sa puso ko na tila hindi ko mapangalanan. Inilibot ko ang paningin ko at napatakip ng kamay sa bibig nang maramdaman ko ang iba't-ibang alon ng emosyon sa puso ko.

Mahina akong humikbi at mahigpit na napahawak sa IV stand ko.

Is this the last?

I gasped and closed my eyes tight as I hold my chest to cry myself out. Umiling ako at inayos ang sarili, kahit na may hikbi pa ay pinakalma ko ang sarili ko.

Alam kong maling isipin ang mga bagay na 'yon pero, paano kung ito na ang huli ko?

"Asra?" Napatingin ako sa likuran ko nang marinig ko ang pinakagusto kong boses. Kahit nanghihina ang mga tuhod ay sinikap kong tumakbo para lapitan at yakapin siya.

Mahigpit niyang sinalubong ng yakap iyon, hinalikan ko siya sa pisngi ko at hinayaang dumaloy ang mga luha sa pisngi ko.

"Thank you...thank you, Mattha." I whispered. I heard him chuckle.

"You're my darling, Asra. I'll do everything for you..." hinigpitan ko pa ang yakap ko sakaniya. Naririnig ko padin ang mahihinang tawa niya, ang sarap niyang pakinggan tumawa.

"Ah, we will do your birthday planning today too." Napamulat ako at palihim na pinunasan ang luha bago kumawala sa yakap niya. At ngumiti ng maganda. "But for now, marry me, Asra. Kahit sa booth lang."

Tumawa ako at hinawakan ang pisngi niya. "Kahit saan, Matthan. Papakasalan kita."

He plastered a beautiful smile before holding my hand tight, natawa naman ako nang nagkakagulo si Callee at Mama sa isang bulaklak na dapat ibibigay sa'kin. Pero kinuh ko 'yon pareho, inikot ko ang mga mata ko at bahagyang nagulat nang makita ko ang nanay ni Era. He's wearing a white slitted dress.

Midnight LoveWhere stories live. Discover now