-14✅

70 15 5
                                    

Nang matapos kahapon ang chemo ni Asra ay nakatulog agad siya sa pagod kaya idiniretso agad siya sa kwarto, ako naman ay agad na kinausap si Martle tungkol sa gusto kong gawin sa rooftop. Dahil sa doon palagi ang lugar kung saan kami nag-kakaayos ni Asra ay gusto kong ayusin 'yon at mas mapagandahin pa.

Inisplika ko sa kaibigan ang plano ko, tsaka ko 'yon sinabi sa mga kanya-kanyang pamilya namin. Masaya silang sumang-ayos sa gusto ko. Maski si Doc. Trish ay walang nagawa at sumang-ayon nalang dahil para sa'min naman daw iyon.

Masaya kong pinrepare lahat, sina Mama na ang bumili ng arko at dalawang maliit na table. Nagulat pa nga ako nang dumating si Tita Monic na may kasamang photographer. Si Martle naman ang nagorder ng mga bulaklak, si Callee ang nag-ayos ng mga iyon. Ako naman sa mga puting see through na kuritan na nakapalibot sa saktong taas na arko.

Dahil kailangan ni Asra ang pahinga dahil kakaundergo niya palang sa therapy kahapon ay, napagdesisyunan namin na bukas na gagawin ang gusto ko. Pero nagawa naming tapusin lahat ng dapat gawin ngayong gabi.

Naglakad ako paurong ng dalawang beses, at nangingiting tinitigan ang kabuuan ng rooftop. Pinindot ko ang switch para sa hanging lights at napabuga ng hangin nang tumambad sa'kin ang perpektong plano ko.

Malapit sa rooftop edge ay ang puting arko na dinisenyuhan ko ng mga iisang kulay na hanging lights, dahil malakas ang hangin ay lumilipad magkabilaan ang see-through na kurtina. Papunta naman sa arko ay ang kulay beige na carpet at sa gilid niyon ay ang anim na nakahilerang mga puting bulkos ng tulips, may maliliit na kulay puting ilaw naman ang nakaikipt sa mga tangkay ng bulaklak kaya kumikislap sila.

Sa loob naman ng magkabilang bulaklak ay ang dalawang puting bilog na lamesa na katamtaman ang taas, may mga lavender naman sa gitna niyon. At ang Camera stand na nasa harapan ko ngayon.

Ang perpekto ng nasa mata ko ngayon, tila nawala ang pagod ko dahil sa matagumpay na pagkaayos ng booth. Lumapit si Martle para ayusin ang IV ko ay sabihing kailangan ko nang bumaba dahil kailangan kong uminom ng gamot at magpahinga.

"Dude, you need to sleep too. Okay?" Natatawang asik ni Martle dahil kanina pa'ko nakatulala sa kisame at nag-aalala na baka hindi magustuhan ni Asra ang pinlano ko. "Kailan ba hindi nagustuhan ni Asra ang mga gawa mo?"

Sabay kaming natawa.

"She likes you, Matthan. Everything you do is precious for her, so stop worrying about nothing." Lumapit siya at tinapik ang balikat ko. "Sleep."

Bumuntong hininga ako at ipinikit na ang mga mata ko. Nang maramdaman ang pag-ikot ng dilim sa akin ay tuluyan na'kong natulog.

Asra's POV

Mahigpit ang hawak ni Mama sa kamay ko nang tuluyan kong maramdaman ang pangingirot ng katawan ko, chineck na din ni Doc. Trish ang heartbeat ko at hindi normal ang tibok no'n.

Kanina pa ay hindi ko na makuha ang tamang paghinga, parang paging putol at hindi maabot. Kahit na may nasal cannula na'ko ay parang napuputulan parin ako nang hininga, naisarado ko ang bibig ko nang maramdaman ang kagustuhang magsuka. Pero imbis na sumuka ay marahas akong umubo, napakapit ako kay Mama nang dugo ang lumabas sa bibig ko.

Tumakbo naman papalapit si Nurse Ivy para agad kuhanin ang comforter ko at inirolyo 'yon saka nilagay malapit sa dibdib ko, agad ding may pumasok na isa pang nurse para palitan ang comforter at ilagay sa tyan ko ang malapad na puting balde. Matunog akong huminga ng malalim at bumuga niyon, dahilan para tuluyan nang umakap si Mama sa likuran ko.  Si Doc naman ay agad na tinusukan ako nang ano, pero hindi pinakalma no'n ang marahas na pagubo ko at paglabas ng dugo sa bibig ko.

Maya-maya pa ay pumasok si Callee na halatang kagigising lang at nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa'kin, mariin akong pumikit nang marinig siyang umiyak at makita siyang bumagsak kay Papa.

Midnight LoveWhere stories live. Discover now