-19

88 6 3
                                    

It was like yesterday.

Bumuga ako ng hangin at napangiti ng may lumabas na usok do'n, nanliit naman ang mga mata ko nang matamaang tinitigan ang kalangitan na ang kulay ay naglalaro sa kulay asul at kahel na may bahid ng pula at puti.

Palubog na ang araw pero nandito parin ako sa hardin ng mga Tulip. Ipinasok ko sa bulsa ng jacket ko ang kamay para kunin ang instax at picturan ang kalangitan.

Kaninang ala-una pa'ko nandito at puro pagkuha lang ng litrato ang ginawa ko. Tumalikod ako at nagalakad pabalik sa kinauupuan ko kanina, pinayagan ako ng may ari na magtagal dito.

It's been 7 years, Asra. And Finally I'm here, I'm with your favorite flowers. Tinignan ko ang cellphone ko at napangiti nang bumungad ang mukha ni Asra na lockscreen ko.

She's wearing her white dress, ito 'yong solo picture niya no'ng booth. Tinakpan ko ang bibig ko at marahan na pinunasan ang bibig ko dahil sa pagpipigil ng luha.

"God, I miss you so much..."

7 years of missing you, 7 years of wanting your hug, your kisses and your warm. Hindi parin napoproseso ng utak ko na wala na si Asra, 7 years.

Natawa ako sa sariling naisip at tila nabibingi dahil sa sitwasyon ko.

"Baba, let's go home. I want Mommy." Tumingin ako sa likod ko at ngumiti, tumayo ako at inubos ang inumin ko at nilagay sa bulsa ang cellphone saka na minsan pang pinagmasdan ang kalangitan at mga tulipa bago lumapit kay Lia at binuhat na siya.

Hinalikan ko siya sa pisngi at naglakad na papasok sa bahay para mag-paalam sa mabait na may-ari ng tulip field. Binagsak naman ni Lia ang ulo sa balikat ko habang naglalakad ako papunta sa kotse namin.

"You want to see Mama?" Tahimik na tumango si Lia, humalik ako sa noo niya at binuksan ang back seat door at pinasok na siya do'n. Ako naman ay umikot pa ulit para makapagmaneho na.

We reached our house after 10 minutes without any problem, but Lia fell asleep so I had to carry her. Dumiretso ako sa sala para ihiga siya sa sofa at para narin maka-upo ako dahil sa pagod.

"Oh? Asan na anak ko?" Iminulat ko ang mga mata ko nang marinig ko si Martle.

Tumayo ako at naglakad papunta sa hagdan.

"Matthan."

Martle POV

"Matthan." Tawag ko sakaniya, hindi niya kasi sinagot ang tanong ko pero nakita ko na si Lia sa sofa na masarap ang tulog.

Hindi man sabihin ni Matthan ay ramdam ko ang tahimik niyang pag-iyak. Tahimik siyang nakatungo sa hagdan, nagtagal ang katahimikan sa'min.

Siguro kung ako ang nasa sitwasyon niya ay siguradong mawawala ako sa katinuan ko, malakas nga siya eh. 7 years siyang nagtagal kasi daw ayaw ni Asrang makita siyang malungkot.

He's so strong.

"Martle," bumalik ako sa wisyo ko at muling tumingin sa hagdan, wala na do'n si Matthan. Mukhang umakyat na siya ng hindi ko namalayan dahil sa lalim ng iniisip ko.

"Yes Hon?" Tumingin ako kay Callee na iniipit ang mahaba niya ng buhok, ngumiti ako at masuyo siyang niyakap at hinalikan sa leeg. Malakas naman niyang hinampas ang braso ko dahilan para tumawa ako at bumitaw sa pagkakayakap ko sakaniya.

"How's Matthan?" Seryosong tanong na habang naglalakad papalapit kay Lia. Bumuntong hininga ako at naupo sa loveseat.

"Still the same." Tumingin siya sa'kin, I stared intently at my wife. Natandaan ko ng mamatay si Asra...

Midnight LoveWhere stories live. Discover now