-3 Her

169 40 15
                                    


"She's active." Parang dinamba ang buong dibdib ko ng marinig 'yon mula sa doctor ko. "Yung unang test na ginawa ay ipinakita na active na ulit ang mga cancer cells niya. I warned you, hindi basta basta namamatay ang mga 'to dahil sa panandalian na pag-ayos ng lagay ni Celes noon."

"Let's just wait for the Spinal Tap." Marahan niyang dagdag na mas nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa buong pagkatao ko. Nahawakan ko ng mahigpit ang bed sheet ko nang marinig na humagulgol si Mama.

48 hours to 72 hours ang ikakahaba non dahil titignan pa daw kung may iba pa bang bacteria na nakapasok sa katawan ko.

Sunod-sunod na pananakit ng ulo ang nangyari sa'kin matapos akong kuhaan ng CSF dahilan para hindi ako halos tumayo sa higaan ko at puro inom ng tubig. Risk daw 'yon dahil sa ginawang procedure.

Matapos ang isang oras ay naisipan kong tumayo at maglakad papunta sa room ni Callee para daldalan siya.

Matthan's POV

Napailing ako dahil sa sunod-sunod na takbuhan ng nurse dahil sa sunod-sunod na buzz mula sa isang room. Hindi ko ugaling tumunghay ng ganoong bagay dahil nahihilo agad ako.

"Hey, do you want anything?" Kumunot ang noo ko nang makita si Mama na inaayos ang cabinet ko.

"Just leave." Tamad na sagot ko at naupo sa higaan ko saka siya tinitigan.

Kahapon ay hindi ko halos maharap si Celeste dahil ginawa kong kabobohan. Napailing ako at napabuntong hininga.

She looks exactly like her... Am I liking her because of Her?

Mas lalo akong napailing ng maisip 'yon.

"Mat, please." Mariin akong napapikit ng marinig siyang magmakaawa. Tumingin ako sakaniya at ngumiwi.

"Just leave, okay. I don't need you, ikaw ang may gusto nito. Ngayon namang nagugustuhan kong wala ka sa tabi ko saka ka sisiksik." Sinabi ko 'yon ng may diin at diretsong nakatingin sakaniya para makita ang pagbabago ng expresyon niya mula sa nagmamakaawa hanggang sa lungkot na hindi maexplain.

"Ma--"

"Just leave the godamn door, Mom!"

Napaatras siya dahil sa pagtayo at pagsigaw ko sakaniya, marahas kong tinuro ang pinto. Isinuko niya ang mga kamay na nakataas sa ere at umiling ng umiling habang umiiyak.

"Okay, okay." Dali-dali niyang kinuha ang mga gamit at mabilis na lumabas mula sa kwarto ko. Napapikit ako at marahas na bumuntong hininga.

"Tsh."

Namulat ko ang mga mata ko at diretsong tumingin sa pinto, nangunot ang noo ko nang makitang nakatunghay si Celeste habang magkakrus ang mga kamay niya, nasa gilid naman niya ang IV stand.

"Paupo ha. Baka pati ako pagbagsakan mo ng boses. Tandaan mo, sa'kin parin ang kwartong 'to." Dire-diretsong sabi niya dahilan para mahawakan ko ang sentido ko. Umupo siya sa bean bag ko na kulay asul saka tumitig sa'kin ng may nanunuyang tingin.

She looks exactly like you...

Napalunok ako nang makita siyang tignan ang buong katawan ko. Saka siya umiling. Umupo ako ulit sa higaan ko at pinagkrus ang mga kamay at paa ko saka siya tinitigan.

Her long brunette wavy hair thag looks exactly like hers. Bumabagay 'yon sa katamtamang liit at medjo kahabaang mukha, magulo pero nakahugis na kilay. Mga mahahabang kulot na pilikmata, at mga kulay berde niyang mata na tanging kakaiba. Bumaba ng kaunti ang mga mata ko sa ilong niya na sakto ang haba at katamtamang tangos nito.

Natural din ang mga mapupulang pisngi niya na mas lalong tumitingkad kapag kaharap si Callee. Dahil panay sila tawa. Kaunti pang bumaba ang mga ko papunta sa labi, bow-shaped lips 'yon at talaga namang napakalambot tignan. Natural din ang pamumula ni'yon, nabasa ko ang labi ko at napailing ng matandaan kung gaano talaga kalambot ang mga labi niya.

Midnight LoveWhere stories live. Discover now