Dove's POV
"Happy?"
Napabaling siya kay Chaos nang magtanong ito. She smiled and nod bago umayos nang upo.
Nasa sasakyan na sila nito at pauwi ng Manila. Ramdam niya parin ang mainit na pakiramdam habang naaalala ang mga masayang ngiti nang mga bata sa ampunan. Maging ang mga madre ay abot abot ang pasasalamat sa binata dahil maliban sa mga laruan ay sangkatutak na groceries ang binili nang lalaki.
Halos malula siya nang magbayad na sila. Groceries palang umabot na sa fifty thousand na pinadeliver na lang nila sa ampunan dahil di kakasya sa sasakyan nito. Gayun din ang mga laruan para sa mga bata.
"Salamat ha. Subrang saya nila sa regalo mo." Sabi niya dito.
Chaos glance at her bago ibinalik ang tingin sa kalsada. "How about you little bird? Napasaya ba kita?"
"Hmm. Subra." Sabi niya bago siya bumuntong hininga. "Hays parang sasabog ang puso ko sa saya."
Ngumiti ito bago hinawakan ang palad niya at pinisil iyon. "I'm happy to see you happy. Now rest. Gigisingin kita pag nasa manila na tayo."
"Anong oras pala dadating lolo mo?"
"Don't know yet. Why?"
"Wala lang natanong ko lang. Bigla akong kinabahan. Baka magalit lolo mo sakin dahil nakipagkaibigan ka ng isang tulad ko." Sabi niya na ikinakunot ng noo nito.
"Isang tulad mo?"
"Alam mo na, di niyo ka estado. Simpleng mamamayan lang ng pinas." Kaswal niyang sabi na ikinasimangot nito.
"Really Dove. We don't look at the status of a person. Kinaibigan kita dahil gusto kitang maging kaibigan. Wala akong paki sa status ng buhay dahil di naman yun basihan nang pagkatao mo. You make me happy by being my friend and that's more than enough for me and for sure for grandpa too. So don't say things like that, dahil naiinis ako." Inis nitong sabi kaya napanguso siya.
"Sorry na. Sanay lang kasi akong makakita nang mga mayayaman na ayaw sa mahihirap."
"Sa tv yon. Not all are like that."
"Oo na po. Basta sagot mo ako sa lolo mo ha. Wag mo akong iwan kahit isang minuto."
"Silly bird. Ofcourse hindi kita iiwan. Akong bahala sayo."
Tumango siya bago tumingin sa kalsada. "Susunduin mo pa ba ako bukas?"
"Hmm."
"Wag na. Ako nalang pupunta sa bahay mo."
"No little bird, Susunduin kita."
"Wag nalang kasi."
"Fine." Sabi nito bago siya sinulyapan. "Sa bahay ko nalang ikaw matulog."
"Ha?"
"You heard me. Sa bahay ko ikaw matutulog. It's not like this the first time you will sleep in my house." Kaswal nitong sabi.
"Tabi tayo?"
"Gusto mo?" Nakangisi nitong sabi kaya hinampas niya ang balikat nito.
"Sapak gusto mo?"
Tumawa ito bago umiling. "You will sleep in the next room beside mine. Para if dika makatulog at gusto mo akong gapangin, di kana mahihirapang hanapin ako. I'll leave my door unlock for you little bird."
"Hoy kadiri ka Chaos. Over my sexy body na gagapangin kita noh. Kapal nito."
"Malay mo naman. Tsaka sexy? Saan banda little bird? Katawang bata meron ka eh." Sabi nito bago humalakhak na ikinasinghap niya bago ito pinaghahampas.
"Lintik ka talaga. Sexy ako. Sexy."
"Ouch, hey stop it." Natatawa nitong sabi dahil kinurot naman niya ang braso nito. "Oo na sexy kana. Aray isa Dove ha, ihuhulog kita sa diyan." Sabi nito.
"Kaya mo?" Hamon niya na ikinabuntong hininga nito bago umiling kaya napangiti siya. "Wala ka pala eh."
"Tsk."
"Oy di ako kayang ihulog ni Chaos." Pang aasar niya dito.
Sinulyapan siya nito bago nagsalita.
"Natural pag hinulog kita walang sasalo sayo. Kita mong nagdadrive ako." Sabi nito.
"So pag nahulog ako sasaluhin mo ako?" Sabi niya at ngumisi ito.
"Ofcourse. Ako ang sasalo sayo little bird." Sabi nito at nang magkatinginan sila ay sabay silang humalakhak.
"Yuck." Sabi niya.
"Hoy maka yuck ka. Sa gwapo kong to? Makareact ka wagas ah, parang kaw pa lugi."
Tumawa siya bago pinisil ang pisngi nito na ikinangiwi nang lalaki.
"Ang yabang mo talaga."
"Dahil may ipagyayabang ako little bird."
"Edi wow." Sabi niya bago ito binitiwan at umayos siya nang upo at nakangiting bumaling sa bintana.
Silence envelope the whole car pero alam niyang gaya niya ay nakangiti lang din si Chaos. Walang awkward moment just pure happiness.