Ramdam niyang tinamaan na siya nang alak na iniinom, pero hindi pa siya lasing. Alam parin naman niya ang ginagawa.
🎶 'Di naman siya sobrang gwapo
Ngunit siya ang type na type ko
Bakit ba ganito
Ang nadarama ng puso ko🎶Napangiti siya sa lyrics nang kanta. Hanep ang korni. Isip niya sabay tungga ng baso ng alak na hawak.
Nasa may open karaoke bar siya na para sa mga alta. Hindi siya mayaman ha pero bet niyang mag waldas ng pera ngayon dahil birthday niya.
"Is this sit taken?"
Napabaling siya sa nagsalita sa may gilid niya. Dahil sa mala discong ilaw ng karaoke bar ay di niya masyadong maaninag ang itsura nang lalaki. Pero mabango ito at matangkad.
"No." She said sabay tingin sa babaeng kumakanta sa entablado ng Mr. Kupido.
"Can I sit here then?"
Hindi siya lumingon pero tumango siya bilang sagot.
🎶 Mr. Kupido
Ako nama'y tulungan mo
Ba't hindi panain ang kanyang damdamin
At nang ako ay mapansin
Mr. Kupido
Sa kanya'y dead na dead ako
Huwag mo nang tagalan
Ang paghihirap ng puso ko🎶"You have a beautiful voice." Sabi ng katabi niya nang kantahin niya ang chorus kasabay ng kumakanta sa entablado.
Nilingon niya ito para sana pasalamatan ng biglang may maliwanag na ilaw ang tumapat sa itsura nito. Gulat na napatingin siya dito habang ito naman ay pilit na tinatakpan ang nasisilaw na mga mata.
Puta ang gwapo. Sigaw ng isip niy habang nakatingin sa lalaki.
"Look who we have here everyone. Chaos Lazardo is in the house." Biglang may boses na lalaking nagsalita sa stage.
"Fuck." The guy infront of her said bago bumaling sa kanya. "I'm sorry miss." He said at walang babala siyang hinila patayo at iniharang sa ilaw na tumatama dito.
Inshort nakatayo siya sa harap nito na tila hinaharangan na makita ng mga tao ang lalaki. And his arms is in her waist na tila natural lang dito ang humawak doon.
"Fuck, minsan na nga lang makakapag liwaliw eh." Bulong nito bago siya tiningala.
Puta ang gwapo talaga.
"Can you help me escape? I saw that hat in your purse, can I borrow it? You can come with me hanggang parking lot para diko madala ang sumbrero mo." Sabi nito at hindi niya alam kung anong nakain niya at tumango siya bilang sagot na ikinangiti ng lalaki. "Nice. Thanks." Sabi nito bago kinuha ang sumbrero niya at isinuot iyon sabay tayo at hawak sa kamay niya. He also grab his purse at hila hila siya nitong lumabas sa karaoke bar na yun na halos patakbo.
When they reach the parking lot ay tumigil sila sa pulang kotse bago nito binuksan ang passenger seat at pinasakay siya.
Gusto niyang kusutan ang sarili nang tila magising siya sa pagkakatulog nang umandar ang kotse nito. Kingina.
"Sorry but we need to be away from that bar. Hindi kita maiwan dahil baka ikaw ang sugurin ng mga tao. I will drop you off sa bahay mo if you want?" Sabi nito bago siya sinulyapan ng saglit.
Napakurap siya. "Ahm sino ka?"
"Hindi mo ako kilala?" Gulat na tanong nito na ikinakunot ng noo niya.
"Dapat bang kilala kita?" Inosente niyang tanong na ikinaawang ng labi nito.
"Damn. For real?" Tanong nito bago itinigil ang kotse sa gilid ng kalsada para humarap ng tuluyan sa kanya. "Dimo talaga ako kilala?"
Umiling siya na ikinagulat talaga nito. Sino ba ang lalaking to?
"Does Chaos Lazardo ring a bell?" Tanong nito na ikinakunot ng noo niya sabay iling.
"Ex ba kita?" She asked na ikinatawa nito.
"Oh god, now this is new." Sabi nito bago siya tinitigan. "What is your name?"
"Dove Gomez."
"Dove like a bird?"
"Dove na sabon." Sagot niya na ikinaawang ng labi nito kaya natawa siya. "Yes dove like a bird. So sino ka nga?"
Huminga ito ng malalim bago kinuha ang cellphone at may kinalikot doon, then he showed it to her.
Picture ng lalaki at sa baba ay may nakasulat na agad niyang binasa.
Chaos Lazardo, 26 years old. Only grandson of the riches man in Asia. The sole heir of a multi-billion company and now the number one bachelor in Asia.
Gulat siyang napatingin sa lalaki bago inilahad ng palad dito na ipinagtaka ng lalaki.
"Pucha mayaman ka? Pautang naman."
————————-++++——————-
Wala lang, bigla ko lang naisip. Don't expect updates. Busy ang buhay lol hahahaha naway ok kayong lahat.