Chapter 23

2.8K 87 24
                                    

Chaos's POV

"May kasalanan ka no?" Martin ask him.

"What?"

"Sabi ko may kasalanan ka. Halos subuan muna si Dove kanina eh." Sabi nito kaya napabuntong hininga siya bago tumango.

Nasa high class bar silang lima, yes with Dove. Dahil bored na ang little bird niya ay nagpasya siyang isama ito sa bar ng mag aya sina Martin.

After that kiss they just sat there on the floor outside her bedroom and hug each other. He only got up nang makatulog ito sa kandungan niya kaya inilipat niya ito sa kama nito. He also cancel his work plans and meetings bago tumabi sa dalaga at hinayaan ang sariling magpakasawa sa pagtitig sa maamo nitong mukha.

"Hmm. Bumabawi lang ako. I made her cry this morning." Sabi niya na ikinataas nang kilay ng kaibigan.

"What happened?"

"I fucked up. I hurt her without me knowing. Thank God my little bird is an Angel. Agad akong napatawad kaya bumabawi ako ng husto ngayon."sabi niya bago tumingin sa stage nang may tumikhim sa microphone.

Napakunot noo siya at napatayo ng makita si Dove na nakangiting kumakaway sa kanya mula sa stage.

"The fck?"

"Hello." Malambing ang boses na bati nito pero sa kanya lang nakatingin. "Kakanta ako. Kakantahan ko ang bestfriend ko slash fiancé ko." Sabi nito bago may tinawag sa baba ng stage. Then he saw Loki got up bago ito nakangiting tumabi kay Dove. "Hindi siya ang fiancé ko." Dove said na nagpatawa sa mga tao. "Pero sasamahan niya akong kumanta. Anyway, Chaos para sayo to." Sabi nito bago nakipag apir kay Loki.

Hindi siya pamilyar sa kanta ng mag simula iyong tumugtog pero ayaw niyang ihiwalay ang titig kay Dove.

🎶 Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan
Pipilitin ba ang puso kong hindi na masaktan?
Kung hindi ikaw ay hindi na lang
Pipilitin pang umasa para sa 'ting dalawa🎶

Dove start singing at gaya niya at nakatitig lang ito sa kanya. Lalaki siya pero ang lakas nang tibok nang puso niya habang nakatingin sa dalaga.

🎶 Kung 'di rin tayo sa huli
Aawatin ang sarili na umibig pang muli
Kung 'di rin tayo sa huli
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka🎶

Halos sa buong durasyon nang duet nito with Loki ay nakatingin lang ito sa kanya.

"Mahal mo no?" Martin said kaya napabaling siya dito. Ngumisi ito. "Mali pala ang tanong ko. Dapat ang tanong ko ay, narealize mo nang mahal mo siya?"

He look at Dove again at napakuyom siya nang kamao.

"Alam kong alam mo ang sagot sa tanong ko. Natatakot ka? Paano kung mahal karin niya? You see pare, ang pag ibig sinusugalan. Hindi ka mananalo kung playing safe ka lang. Alam kong ayaw mong masira ang kung anong meron kayo ni Dove, but what if imbis na masira eh mas lalong lumalim?"

Napabuntong hininga siya at seryoso lang ang mukha hanggang sa matapos ang pagkanta nina Dove. Nakatitig lang siya sa dalaga at iniisip ang sinabi ni Martin.

"Anong feeling nang haranahin bro?" Loki said nang makapasok ang mga ito sa VIP room.

Dove is behind him na natatawa habang pulang pula ang mukha.

"Dimo nagustuhan?" Tanong nang dalaga sa kanya.

Nilapitan siya nito . "Tangina nasayang ang effort ko."

But before she could say something ay hinawakan na niya ang magkabilang pisngi nito at walang sabing sinakop ang labi nito na ikinagulat nang mga kaibigan niya.

When he let go of her ay isinandal niya ang noo sa noo nang dalaga.

"I love you." Mahina niyang sabi.

"Alam ko."

"No little bird. I said I love you. More than friends kind of I love you."

Nagulat ito kaya napangisi siya bago ito dinampian nang halik sa labi.

"I love you as a man who loves her woman. Susugal ako. Susugalan ko ang pagmamahal na meron ako sayo."
————————-
I change the tittle hahaha di kayang panindigan ang fake relationship. Doon tayo sa unexpected feelings.

Anyway yun lang. goodmornyt hahaha

Unexpected Feelings Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon