Kabanata 9: I Wonder

102 30 0
                                    

Kabanata 9: I Wonder

"Geneva, are you feeling better now?"

I am better now, wala naman akong problema o sakit, talagang nakatulog ako, I was sleepy because I was focused on the books and the movies that Silas had lent me.

Wala naman din kasi akong magawa kaya might as well do my 'work' for assisting Silas.

"I was just sleepy, Dominic."

Tinapos ko yung iniinom kong baso ng tubig, may pagkain pang nakalatag sa may lamesa sa tabi ko, binuhat ako ni Dominic sa kwarto ko, nakatulog ako for two, perhaps almost three hours.

Not bad, pero of course kailangan ko yata nang isang araw puno ng tulog para bumalik yung buong enerhiya sa katawan ko.

"Thank you, I appreciate it."

Ang bilis ko ring nakatulog, napapikit ako tapos wala... tulog agad.

This hasn't happen before-- which might be a lie dahil nakatulog na 'ko shabang nag-tuturo yung teacher na'min sa Math, 'di kasi ako nakatulog nung araw na yun, tinapos ko yung buong Naruto shippuden.

'Di ko namalayan na nakaluhod pala si Dominic sa tabi ng kama ko, binalik ko yung baso sa may lamesa at humarap sa kanya.

"Sit here, don't just kneel..." tawa kong sambit sa kanya, 'di pa rin nawala yung seryoso sa mukha niya.

"Are you sure? Like are you genuinely sure?"

He's adorable. He's really worried, isn't he? Medyo kinikilig ako, kakagising ko nga lang kinikilig nanaman ako, ang bilis kong kiligin pagdating sa kanya, iba talaga ang epekto sa'kin ni Dominic.

Ano pa kaya kami na, ha?

"I am, you don't have to worry about me anymore. Nakatulog lang ako, 'di kasi ako nakatulog nang maayos kagabi."

"Why didn't you?'

"Hm..."

'Di ko naman pwedeng sabihin sa kanya ang totoo, baka sabihin niya kanila Karine at Cerine, ayokong mapagalitan dahil 'di ako natutulog nang maaga, siguradong magagalit din si mom kapag nalaman niya na hanggang umaga ako gising.

If she learned about it, she would only tell dad, and it would be terrible. Ayokong mapagalitan, ayoko ring magrounded dahil sa ganun.

"Hm... nightmares? Heh?"

Yun na lang ang lumabas sa bibig ko, 'di ko alam ang isasagot ko, yun na lang din naman ang pinakamabilis na sagot.

I don't usually get nightmares, I just don't get one.

Simula nung nightmare ko sa elementary, nag-dasal ako araw-araw na sana maganda ang panaginip ko, ayoko kasing matakot, gusto kong makatulog nang mahimbing.

"Night...mares?"

"Yes."

"What nightmares?'

"Hm, 'di ko na matandaan eh, basta masama? Natakot ako?"

Natigilan ako nang bigla niyang hinawakan yung kamay ko at hinawakan yun nang mahigpit habang napuno nanaman nang pag-aalala sa mukha niya.

It's my first time seeing him like this, alam ko naman na nag-aalala siya sa'kin, pero iba 'to, 'di ko inaakalang ganito pala siya ka-alala sa'kin.

Loving You With My Hands Tied ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon