Kabanata 17: Something Impossible
At first, things are alright, things are normal after the day you found out that life will never go the way you want it to be, it sucks.
Pero pagkatapos ng mga ilang araw, doon mo na mararamdaman na parang kailangan mong ibigay ang buong enerhiya at utak sa ibang bagay just to distract myself.
Clearly, I'm going through a lot kaya nagstay ako sa hotel para makalimutan ko man lang muna ang lahat ang pagdadaanan ako bukas.
And so I ordered a lot, I ate a lot, watched movies, read Wattpad, and then I cried.
Umiyak ako dahil miss ko na si Dominic pero naisip ko na 'di na nga pwede, kailangan ko ng simulan na layuan siya para madali na lang yung kasalan naming dalawa ni Silas.
Kung hindi ko siya lalayuan mas lalo siyang mapapahamak, baka iniimbestigahan na nga ako nung Villanueva na yun, tangina naman oh!
Pati ba naman love life ko napahamak!
No!
What matters is Dominic, as long as safe siya at mahuli namin yung Villanuevang yun, then I'm okay, okay na 'ko kahit na ako nanaman yung masasaktan sa huli, sanay naman na 'ko.
Tapos heto, iyak nanaman pagkatapos.
Ang hirap kasi, paano naman na 'ko makakamove on?
Ang tagal ko ring naghintay para sa araw na mamahalin niya rin ako 'no.
It was like a teenage dream but if it was some teenage dream, bakit hanggang ngayon siya pa rin?
"Shit..."
Ha, mukhang mahihirapan akong makamove on talaga.
What am I going to do?
Kain na lang ba ako ulet? Eh busog na busog na 'ko!
Ayoko naman idng uminom baka kung anong gawin ko at matawagan mo pa si Dominic na natutulog na.
And so... nakinig na lang ako sa mga pinakamasasakit na kantang alam ko, also known as my Taylor Swift playlist.
Kaya sige, nakinig ako sa buong playlist habang umiiyak ako, nakatulog din ako pagkatapos.
And then reality returned, and I knew I'm fucked up.
Naihi ako at agad kong pumasok sa banyo, nabwisit ako sa itsura ko sa salamin. Ang gulo ng buong buhok ko pero nabibwisit talaga ako sa itsura ko, para akong nakipaglaro sa sampung unggoy.
Umiihi ako pero parang gusto ko nanamang umiyak, bakit naman ako iiyak? Anong meron at iiyak ako ulet? Natitimang na ba 'ko o malapit na 'ko magkaroon? O baka talagang buang ako?
And not even two minutes later, naalala ko agad kung bakit nga ba gusto kong umiyak ulet.
"Good morning, Geneva."
No, no, no... I don't want to cry. Keep it in, you idiot.
Just keep the tears in, you fucking idiot! You have to be alright!
Remember kung bakit kailangan mong maging matatag, it's all because of him, you want to make him feel happy and safe forever, right?
"I brought you some food, mukhang kakagising mo lang din." nakangiti pa siya.
Kinagat ko na lang yung babang labi ko para pigilin ang pagtulo ng mga luha ko na kanina pa gustong tumulo, bwisit talaga.
Dapat sa mga ganitong oras wala siyang pake sa'kin, maiintindihan ko pa kung bakit siya nasa harap ko kapag umaga kasi yun ang utos sa kanya, it's part of his job.
BINABASA MO ANG
Loving You With My Hands Tied ✔️
Storie d'amoreAster Geneva D. Dixon has always been in love with Dominic Herrero since she was seventeen. He's always been the only thing on her mind from when they first met and made a promise to herself to marry him one day despite his traumatizing past and wha...