Manhid

2K 61 14
                                    

Bakit nga ba may mga taong MANHID?

Bakit nga ba?

Siguro dahil ayaw nilang makaramdam ng sakit?

Yan yung minsan ng nasaktan noon at para maiwasang masaktan muli,

Mas pinipili nilang kalimutan na lang ang nararamdaman nila kesa mas

Masaktan pa.


Paano nagiging manhid ang isang tao?

Sa pamamagitan ng EXPERIENCE.

Yung karanasang ayaw na nilang balikan pa.

PAST. </3

At natatakot silang maramdaman ulit yun.

Pede ring kaya sila manhid ay dahil sa TAKOT.

Pero may mga manhid din namang wala silang pakialam talaga.

Hindi ko pa rin alam kung anong tamang meaning na ibigay para sa salitang

MANHID

Siguro may experience silang paulit ulit ng nakasakit sa kanila.

At dahil sa immune na nga sila dun, ayun! Namanhid na nga.

Ang dami dami mo sanang gustong masabi sa taong manhid noh?

Pero mas pinipili mo na lang isikreto.

Kasi nga, mauuwi din naman sa wala kung sa mga manhid mo sasabihin.

Magmumuka ka lang kawawa.

Balewala lang din yang mga sasabihin mo.

MANHID nga di ba? Bakit mo pa sasabihin?

Bakit kasi ang unfair?!

Bakit may mga taong MANHID?!

Kung sino pa yung gusto mo, sya yung taong di mo makuha.

Kung sino pa yung nagkakagusto sayo, yun ang hindi mo kayang mahalin.

Ang buhay nga naman! Parang life! :3


Sa totoo lang, wala naman talagang manhid.

Kaya lang naman natin nasasabing manhid ang isang tao kasi may isang pangyayari na ilang beses mo ng ipinapamukha sa kanya at ipinaparamdam ay parang binabalewala lang nya. Yung sobrang obvious na, parang hangin lang sa kanya. :3

DAHILAN KUNG BAKIT MANHID ANG ISANG TAO:

Nagkukunwaring hindi nila nararamdaman ang mga pinaparamdam mo kasi..

> Hindi sya sure kung totoo yung mga sinasabi o pinaparamdam mo sa kanya. In other words, AYAW NYANG MAG- ASSUME!

> Alam na nyang paasa ka, sinungaling at lolokohin mo lang din sya gaya ng panlolokong nagawa mo sa iba.

> Takot masaktan at ayaw i- level up ang pagkakaibigan nyo.

> Nakukulangan ata sa pag- eeffort mo.

> Nagpapahard to get lamang ang taong ito.

> Nasaktan na sya dati at ayaw na nyang maulit pa ito.

> Naguguluhan at hindi makapagdecide kung anong dapat gawin. Confused.

At ang pinakamasakit sa lahat.....


> HINDI KA TALAGA NYA GUSTO.

Meron din namang mga manhid na nagprepretend na masaya kahit yung totoo,

Durog na durog na.


Pero marami pang iba't ibang dahilan kung bakit may mga manhid.

Kaya naman, wag natin sila ijudge. :)


Message para sa mga MANHID:

Wag mong hintaying magsisi ka pa sahuli.

Pahalagahan mo yung mga taong nagmamahal sayo.

Baka manghinayang ka sa mga taong binabalewala mo ngayon.

Yung taong nagtitiis kahit pinaparamdam mong binabasura mo na sya,

Yung taong nagungulit sayo,

Yung taong gagawin ang lahat mapasaya ka lang,

Yung taong nalulungkot pag di ka nakakausap.

Dahil pag yang taong yan napagod at nagsawa, hinding hindi na mauulit lahat ng efforts at oras na nagawa nya para sayo.

At dun mo marerealize na malungkot kung wala sya.

Masasabi mo talagang.. NASA HULI ANG PAGSISISI.


RELATE KA DITO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon