Ideal Guy ng mga Girls

5.7K 107 21
                                    

Hmm. Naisip mo ba kung ano talaga ang nagugustuhan ng mga girls sa boys?

Para hindi ka na mahirapan, alamin mo kung sino ka sa mga uri ng lalaking mababanggit dito. Malay mo, mapansin ka ng nagugustuhan mong girl? :)


#1 The Mr. Suave

O yung mga lalaking gwapo. Yung mga habulin ng chicks! (Hindi sisiw ha :3) Sila yung isang tingin mo lang, mapapatili ka na sa kapogian. Sila yung mga tipo ng lalaking ubod dumiskarte. Karamihan sa mga babae, ang gusto ay yung mga lalaking mala- bad boy ang appearance. MAJOR TURN ON! Gaya ng napapanood natin sa mga movies. Feeling kasi nila, mapapabago nila yung mga guys into good ones. SDTG AMPEG?!


#2 Athletic

Isama mo na din yung mga MVP. Oo, most valuable player. Isang edge sa isang lalaki ay ang makita sya ng girl na naglalaro ng kahit na anong sports. Example, basketball. Sino ba namang hindi mapapasigaw at mapapacheer kapag yung isang lalaki ay magaling magshoot di ba? Nakakadagdag rin 'to ng impact pag nasa court na sila. Yung feeling nila na sila yung hari. Dagdag pogi points!


#3 Walking Dictionary

Yung mga lalaking BRAINY. Yung mala- Detective Conan ampeg. Yan ang kalimitang napapansin ng girls sa boys. Kapag matatalino sila. Syempre pag nasa school....

Situation 1 (Example)

Classmate 1: OMG! Sya na naman ang nakaperfect sa surprise quiz ni Sir!

Classmate 2: Sino? Si *crush*?

Classmate 1: Oo! Ang galing galing nya nga.


#4 Clown

May clue ka na ba kung anong sunod? Yung mga lalaking kengkoy. Sino ba naman ang hindi maiinlove kung yung guy eh wagas sa pagpapatawa sayo. Tapos nagsheshare pa kayo ng smiles and laughters. O di ba. Major kilig si girl! At dahil mahilig tumawa ang mga girls at gusto yung paaging nakangiti, for sure mga kengkoy ang hanap nila.


#5 Friend na Lalaki/Bestfriend

Iba ang spark pag may closeness na nabuo sa pagitan ng lalaki at babae. Sa simpleng friendship, tapos magiging close then magiging magbestfriends. Sa ganitong paraan, mararamdaman nung babae na secured sya at hindi na nya kailangan ng boyfriend at all.


#6 Performer

Yung lalaking magaling kumanta. Yung para bang pag kumakanta sye eh feeling mo kayong dalawa yung nasa iisang music video. WAGAS! Kasama rin dito yung mga magagaling magplay ng instruments. Yung mga guitarist, drummer, pianist, etc. Kasama rin syempre yung mga dancer. Iba kasi ang aura nila pag nasa entablado na. Ibang iba. Yung mga moves nila na nasabay sa beat. Kaya ikaw, mag- aral ka ng sumayaw at matuto ng mga dance moves ngayon.




RELATE KA DITO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon