S E L O S

2.9K 48 8
                                    

ANG SAKIT TALAGA SA DAMDAMIN. 

UNTI-UNTING DINUDUROG ANG PUSO MO.

 KUNG MINSAN, NAPAPAHAWAK KA PA SA DIBDIB MO, 

PARA MAIBSAN ANG KIROT NA NADARAMA. 

AT KUNG SASABOG NA TALAGA, 

ISA LANG NAMAN TAKBUHAN MO E. 


ANG UMIYAK.


Ilabas mo lang yan at panigurado gagaan ang loob mo. 

Masakit naman talaga ang maramdaman ang salitang 'selos'.


"Pag hindi na nagseselos ang isang tao, ibig sabihin wala na akong pakialam ang tao sa'yo."

-

Narinig ko lang kanina yan. One part of it is true. 


Oo nga naman, masarap sa feeling yung nagseselos yung gusto mo, ibig sabihin may pakialam sya sayo, sa ginagawa mo, sa mga tao na umaaligid sayo.


PERO. Kung sa lahat naman ng oras eh nagseselos ka. Lahat ng bagay eh nagseselos ka. At sa lahat ng tao na umaaligid sakanya eh nagseselos ka, 


PRENO MUNA.


Itanong mo to sa sarili mo, "MAY TIWALA KA BA TALAGA SA TAONG MAHAL MO?"


Kasi kung meron, luluwagan mo ng konti ang tali na nagdudugtung sainyo, hindi dahil kumakalas ka at wala ka ng pakialam, kundi, binibigyan mo sya ng sapat na SPACE para mag-GROW on his/her own. 


Luluwagan mo lang naman, hindi sinabing bibitawan. 

Magkaiba parin yun. 

Sapat lang para makahinga sya at maenjoy nya rin ang mundo na minsan nyang kinabilangan nung wala ka pa sa buhay nya.


You have to grow INDIVIDUALLY and as ONE. 

Naniniwala ako na mas effective ang ganung set-up. Mahirap kasi kapag kayong dalawa lang lagi sa mundo nyo, baka hindi mo alam, nasasakal na pala sya sayo.


Narito ang ilan sa mga URI NG SELOS:


Selos dahil sa kaibigan.

Minsan kahit bukas na ang isip natin sa ganitong pangyayari, hindi maiiwasan ang magselos sa kaibigan, dahil minsan iisipin mo na buti pa sila nakakasama ang bf/gf mo. Tapos ikaw pa 'tong hindi. Parang nakakainsulto sa part mo, pero dapat tandaan mong kailangan niyang makasama ang mga kaibigan niya, isa rin itong magandang paraan para hindi ka niya agad pagsawaan.


Selos dahil sa makasarili.

Gusto mo sayo lang talaga siya, ayaw mong makakakitang kasama siya ng iba, in short, ito yung selos na nakakasakal, hindi naman sa pinagdadamot mo, hindi naman sa pwedeng umalis, gusto mo lang iparating sa taong mahal mo na, ok gawin ang lahat, pero hindi matatanggal ang selos mo sa mga gagawin niya. Nasa sa kanya na lang kung gagawin niya ito.


Selos dahil nagmamahal.

Nagseselos ka kasi nagmamahal ka, pero alam mo ang limitasyon mo bilang isang karelasyon. Tipong bukas ang isip mo sa mga pwedeng mangyari, ang gusto mo lang sa kanya ay magkwento siya kung ano ang nangyayari, kung sino ang mga kasama, update lang ang kailangan mo para hindi ka maparanoid.


Selos para makipaghiwalay.

Gagamitin ang selos, dahil sawa na siya sa relasyon, lahat ng bagay bibigyan ng kulay, para lang magkahiwalay, kahit walang dahilan pagseselosan, magsasabi ng masasamang salita, magsasabi ng kung ano ano, hanggang dumating sa puntong wala na, dadating sa puntong magkakahiwalay na kayo.


Ang pagseselos nilulugar yan. Hindi yong selos ka ng selos kahit wala naman dapat ipagkaselos.

Magselos ka sa ex kung naaalala pa niya pero kung ikaw lang naman yong laging bumabanggit ng pangalan niya may sira ka na sa ulo. 

Naghahanap ka lang away. -.-

Wag ka magselos sa kaibigan lalo na kung wala namang motibo yong tao, magalit ka sa kaibigan kung malandi siya pero wag na wag ka magagalit sa boyfriend o girlfriend mo kung ikaw lang naman talaga. 

Wag kana gumawa ng issue.

Wag na wag mo pagpipiliin ang boyfriend o girlfriend mo between you and his/her friends, una sa lahat mali yun. Unang naging parte ng buhay niya ang mga kaibigan niya kesa sayo. Mag-adjust ka, pero kung saka sakaling wala na talaga siyang oras sayo mag-usap kayo sabihin mo parte kanrin ng buhag niya na kailangan mo din ng atensiyon niya.

Ang selos nakakasira yan sa isang relasyon, kaya hangga't maaari ilugar ang pagseselos.

RELATE KA DITO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon