Demanding

1.3K 40 1
                                    

Yung mga taong tipong gusto ang ganito,

Gusto yung ganyan. -.-

Sabi nila, mas demanding raw talaga ang mga girls.

Sabi ko, merong ibang oo, merong ibang hindi.

Syempre, iba iba naman ang ugali ng mga girls.

May ibang gustong simple lang ang lahat,

May iba namang hindi pa rin nakukuntento at ang gusto,

MAS HIGIT PA.

Girls! (Like me :3)

Huwag masyadong maging demanding sa mga bagay-bagay.

Matuto kang tanggapin ang mga kaya at hindi kayang ibigay ng ibang tao.

Kung talagang mahalaga sya sayo, iisipin mo din naman na nahihirapan siya sa sobrang pagde-demand mo.

Unawain mo na hindi lahat ng bagay ay sa kanila nakukuha o nahihingi.

Isipin mo na lang na ginagawa ng mga taong iyon ang lahat upang sumaya ka.


TANGGAPIN.


UNAWAIN.


ISIPIN.


Boys!

Kahit papano, tanggapin mo ang pagiging demanding ng mga babae.

Ganyan talaga madalas ang isang babae.

Kung mahalaga talaga sya sayo, mauunawaan mo naman siya kahit papano.

Hangga't kaya mo, ibigay mo ang gusto nila.

Hangga't kayang mag-pasensya, pagpasensyahan.

Basta nasa tama at hindi sumosobra yung babae,

pagbigyan mo para maging masaya siya.


I asked some persons kung bakit nga ba demanding ang mga babae?

Person 1:

di naman talaga demanding ang babae. nagiging demanding lang ang dating kasi ayaw nyo gawin yun gusto namin. example, yun mga girls na ayaw na mag yosi yun boyfriends nila.. or yung guys na super addict na sa dota na wala ng time sa pag aaral or sa gf nya..

Person 2:

Gusto lng talaga namin ng McDo fries :')

Person 3:

Kasi insecure. feeling nila, lahat wala sa kanila. Kaya kung maka- demand, wagas!


PAYO PARA SA LAHAT! MAPALALAKI O BABAE KA MAN.


Nagagalit ka sa magulang mo kasi di ka binigyan ng pambili ng HAVAIANAS MO?

Nagagalit ka kasi yung mumurahin lang na sapatos kayang bilin para sayo?

Nagagalit ka dahil hindi ka makasabay sa uso?

Nagagalit ka kasi hindi mo binubuksan yang utak mo at puso mo.


Sana naman maintindihan mo.

Magpasalamat ka, dahil kahit papano nagkakaroon ka ng mga gamit na gusto mo.

Maswerte ka pa rin kung tutuusin.

Sana naisip mo na habang reklamo ka ng reklamo, may ibang mga tao na sadyang tinatanggap at nakukuntento nalang kung ano ang mapulot nilang bagay para kahit papano ay mairaos nila ang araw-araw nilang buhay.


MAG ISIP KA.


MATUTONG MAKUNTENTO.

___________________________________________

Please VOTE VOTE VOTE! XD

Comment kayo kung anong gusto kong isunod. Idededicate ko sa inyo. :)

RELATE KA DITO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon