Buhay Single

2.1K 74 6
                                    

Ang sarap din pala sa feeling yung wala kang iniisip. 

Yung sarili mo lang yung pino-problema mo. 

Pero may mga pagkakataon na nakakamiss din magkaron ng partner sa buhay. 

Pero mas lamang pa din yung saya na walang sakit ng ulo. 

(Sakit ng ulo talaga? Haha)

Ang buhay ng isang isang single ay simple lang.

Yung wala kang iniintindi. Mag- isa ka nga lang sa life.

SINGLE nga di ba? :)

Masaya na malungkot ang pagiging single.

Oo. Masaya kasi kain, tulog, surf all day all night ka lang.

Hindi ka pa mapapagastos.

Kapag hindi ka single, nariyan na yung mga hindi ka makakatulog sa gabi sa kaiisip mo dun sa GF?BF mo kasi nag- away kayo last night. Mastre- stress ka ng bonggang bongga! >.<

Pero hindi ko naman sinasabing maging single na kayo for life ha? :3


Narito ang ilan sa mga nararanasan pag single ang isang tao:


> MAG - ISANG

kumakain o kaya ay kasabay ang tropa.

gumagala o kaya ay kasama ang tropa.

nanonood ng sine o kaya ay kasama ang tropa.

nagshashopping o kaya ay kasama ang pamilya o tropa.

umuuwi galing school o trabaho o kaya ay kasabay ang tropa.

nangangarap ng sariling kinabukasan.


>WALANG

natatanggap na sweet messages mula sa taong nagmamahal sa kanya.

daysary, weeksary, monthsary at anniversary na nararanasan.

ka I love youhan maliban kung may kalandian.

pera kasi ginagastos lahat sa kapakanan ng sarili.


> MARAMING

oras para sa sarili.

naiisip na kung anu-anong bagay.

napupuna sa mga nakikitang magsyota.

napupuna sa sarili.

napupunang mga bagay sa mundo.

katext na kung sinu-sinong kaibigan.

Ganyan ang buhay ng marami sa atin ngayon. Pero kahit kailan, hindi naging malungkot ang pagiging single. Pwede ka naman kasing maging masaya kahit na sarili mo lang ang iniisip mo eh. ;)


Oo, masaya din ang may kasintahan kasi pakiramdam mo espesyal ka. Pakiramdam mo may nagmamahal sa'yo ng totoo. Pero tandaan mo, hindi palaging masaya ang may karelasyon. Minsan lalo lang magiging magulo ang buhay mo.


Kaya kung ako sa inyo, namnamin ang pagiging single. Namnamin ang bawat sandaling nailalaan mo sa sarili mo. Balang araw, makakahanap ka din ng kapareha mo. At sana, pang habang buhay na ito.


Maging masaya muna sa life!

Spend more time with your family, friends, and loved ones. :)

____________________________________________
Please! VOTE! VOTE! VOTE!

Feel free to comment! :)


RELATE KA DITO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon