Rebound Lang Pala

2.3K 61 4
                                    

Kadalasang mga "SECOND OPTION"

In Tagalog, panakip butas.

Medyo masakit sa kalooban pakinggan pero ito yung tamang term.

Nagkakaroon ng panakip butas kapag gusto mong makalimot sa past mo.

Bubuhay ka ng isang kasinungalingan na nakamove on ka na.

Gagamit ka ng ibang tao para mapaniwala ang sarili mong inlove ka na ulit.

Tanong ko lang ah..

Kapag magmomove on ba, kailangan ng kasama?

Kailangan ba ng rebounder?

Kailangan ba may magpasaya sayo para maka move on ka?


Maaring ginagamit rin ito para maging panakip butas sa kalungkutan itong si BABAE/LALAKE.


Maraming tao ang nabibiktima nito. Madalas yung mga taong sobrang hina ng tiwala sa sarili. Mga taong sobrang lungkot, minsan mga taong desperado nang magmahal.


Yung tipong alam nilang kahit tagilid sila.


Sige pa rin.


May magmahal lang sa kanila.


Minsan hindi natin napapansin na nagiging selfish tayo. Gagamit ka ng ibang tao. Swerte mo pag nainlove ka talaga sa kanya. Eh pano kung marealize mong hindi mo naman talaga kayang lumimot at gumawa ng bagong love story? Iiwan mo sya? O pipiliin mong ituloy ang love story na puro kasinungalingan. Minamahal ka nya pero iniisip mong ang ex mo ay sya.

Sa love, hindi naman talaga maiiwasan na magkamali. Hindi maiiwasang kakailanganin mo ng reserba. Dahil ano? Sa pagod ka na dun sa taong mahal mo? At pag nagkahiwalay kayo nung taong mahal mo, dun ka tatakbo sa reserba mo. Para maka move on?! HOY! USO GUMISING!


Parang laro lang yan eh. Specifically, BASKETBALL.


Yung rebound. Yung tipong ishooshoot mo na yung bola tapos sablay!


Sasaluhin ng kakampi mo para hindi mahulog at mai- shoot ito sa ring para makuha ag puntos. Yan ang rebounder!


Marami rami na rin ang gumagawa sa ganitong paraan. Panandaliang kasiyahan lamang. Pero ang totoo ang tunay nilang mahal ay yung taong nangiwan sa kanila.


Sa rebound relationship. Maaring hindi alam nung isa na rebound siya. Dahil nung araw na tinanong siya kung mahal ba naman talaga siya. Sinabi nung isa na OO.


Pero sino nga ba naman ang aamin kung rebound lang niya yung isa diba? Edi hindi pumayag.


Minsan ang rebound ay ang mga taong hindi matimbang ang pagmamahal. Mga taong naguguluhan. Maaring mahal niya yung taong nangiwan sa kanya. Pero pwede ring naawa lang siya dun sa isa. Pwede rin namang mahal rin niya pero mas mahal niya talaga yung isa.


Akala mo masaya na kayo. Tapos bigla na lang siya mag sasabing


"Sorry, rebound lang kita."


Sabi nga sa kanta ni Jordin Sparks (One Step At A Time)

"One step at a time there's no need to rush

It's like learning to fly or falling in love

It's gonna happen when it's supposed to happen

That we find the reasons why, one step at a time"


"If something is meant to happen, it will. For the best person and the best reasons."

____________________________________

Please! VOTE & COMMENT!

Feel free to suggest po! :)


RELATE KA DITO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon