"Ate, kalma lang, okay?" sabi ko habang nagdrive ako patungo sa ospital.
"Mooiiraaa.." pa giit niya pang sabi at alam kong nahihirapan siya sa sitwasyon niya ngayon. Sino ba kasi ang nagsabi sa kanya na manganak na? Next week pa kaya ang due date nito sabi niya kaya wala ang asawa niya at this time. Heck, kami lang dalawa sa bahay kanina.
Pagkatapos ko kasing manood ng iba't-ibang channel na palipat-lipat ay nakatulog ako ulit pero daig pa ang alarm clock sa sobrang lakas ng boses nito sa pagsigaw ng manganganak na raw siya and as much as I hate going out or doing anything else ay wala akong choice, I just can't leave my own sister giving labor. Hindi ako ganun kasama and I may not like her or be in good terms with her, kawawa naman ang pamangkin ko. Ayokong madamay sa kasalanan ng ina niya.
"Malapit na tayo. Take deep breaths." I suggested as I look at her through the rear mirror of the car.
"Hee..Huu..Hee..Huu.." as weird as it sounds, that's her taking deep breaths and I felt relief when I saw a medical center just a few meters away.
"We're here." Thank God, I parked the car properly.
"Shit! Sorry!" I hurriedly took my seatbelt and went to back seat where she was starting to lose consciousness and put her out of the car.
"Help! Manganganak na siya!" Ugh. I never panicked like this before in my life. Salamat talagang mabilis nakalapit ang mga nurse sa kin and put her on a stretcher.
"Sila na ang bahala sa'yo. Tatawagan ko sila Mama at asawa mo so do your best." Sabi ko nalang. Takte! Nanginginig ako.
"Wait." She stopped me by the hand.
"Ano?" hindi naman talaga ako galit despite the tone that I'm using, sadyang hindi pa nagpoprocess sa utak ko ang mga pangyayari.
"Hold my hand. Samahan mo ko, please?" Hindi ako nagpapadikta sa mga gagawin ko. Lalo na ang pabor na yan, I don't take requests from anybody.
"Miss, pwede ba?" tanong ko sa nurse at tumango naman ito.
"Sige na nga." I still can't help it but do as she pleases. Bahala na, ngayon lang to.
Pumasok na kami sa delivery room and she held my hand the entire time. Ang sakit pa nga ng kamay ko kasi ang higpit ng hawak niya dito since she was doing the normal delivery kaya todo iri siya pero nung lumabas na ang bata, there was this light feeling in my chest.
Ewan, relief lang siguro na tapos na sa wakas but I won't deny na may isang parte ng puso ko which longs to have the kind of feeling that my sister is experiencing right now as she smiles at her baby.
I've always wanted a complete and happy family pero pinagkaitan ako nito.
.
.
.
"Wifey, are you okay?" a man wearing a formal suit and glasses ran towards my sister.
"Yeah, Hubby. I'm alright." Sagot ni Ate tapos may kung anong lambingan pa ang dalawa. For all I care, aalis nalang siguro ako since nandito naman ang asawa niya and mom's coming na rin kaya lumabas na ko sa hospital room ni ate ng walang paalam. Ayokong maistorbo sila.
Pagkatapos ng delivery ni Ate, she was transferred to a private room since mayaman naman asawa nito kaya walang problema ang gastos.
Naglalakad ako sa white tiled floor ng hospital and nakatingin lang sa saheg kasi I hardly can keep my eyes open dahil sa pagod and god knows, I can't last long in a hospital. My haunting memories, remember?
"Moira, ikaw pala yan." I looked up to see my mother wearing a long dress as sweat was all over her face.
"Oh, Ma. Nandoon si ate sa room 314 kasama asawa niya. Ge. Alis na ko." Simple kong sabi pero she stopped me by touching my wrist. "Moira, salamat sa pagsama sa ate mo, ha? You have no idea how great you were to do such a thing." Wow! Great? Should I be flattered now? "Yeah. K. Whatever. Alis na ko." Tango lang ako ng tango as I pull my hand away at umalis na sa ospital.
"You have no idea how great you were to do such a thing."
"You have no idea how great you were to do such a thing."
"You have no idea how great you were to do such a thing."
A bitter smile formed in my lips as I remembered what my mother said to me awhile ago.
How great am I to do such a thing? Tsk. Kung kailan hindi ko na kailangan ang mga puri at pansin niya, diyan pa niya ko sinasabihan ng ganyan. Oh wait, tungkol pala kaya ate kaya she's acting that way. Si ateng mabait, maganda, perpekto sa mata ng lahat but I was never jealous of her despite all the attention that she has kasi idol ko siya pero it all changed when my life made a big turn.
Well, Well. Hindi naman worth it yun kung iisipin ko pa ulit ang letcheng past ko.
I can forget my family's fault.
I can forgive them for what they done.
Pwede kong makalimutan ang lahat, pero bakit siya ay hindi ko yata kaya?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A/N:
Hello sa lahat ng readers ko diyan! Thank you for reading this story at dahil sa sobrang dami ng update ay hindi ko masyasdo na check ito at sorry if ever may typo ito. Naginternet cafe lang po ako. HUHU.:(
Sa susunod nalang po.
-greycadge13-
BINABASA MO ANG
Not A Fairytale
RomanceLove is not perfect. Bawat pagmamahal ay may pawang masasaktan. May dapat matutong bumitaw. Magpaubaya para sa kaligayahan ng lahat. But what about our own feelings? Wala na bang halaga ito kung mismo ang tadhana ay labag sa kagustuhan ng puso mo...