Chapter 7 (Her POV)

22 1 0
                                    

{Approximately 8 hours before the "Kiss"}

"Jenny..."  

Bakit?

Bakit siya pa?

She's one of the least people that I want to see right now at lalo na sobrang wasted ko ngayon.

"Mommy, do you know this fat woman?" Agad akong napatingin sa inis sa batang lalake na humahawak sa laylayan ng white formal blouse na sinusuot ni Jenny. Sino ba kasi 'to?

And did he just call me fat?!

"Grey, that's bad. She's not fat. She..she.." I what? Nahihirapan ata siyang dugtungan ang sasabihin niya. Its as if she can't find the right words to explain "me" right now.

"She just gained weight." Tch. Nagpapatawa ba siya? Tsaka, bakit siya tinatawag na Mommy nitong bata? May hindi ba ko nalalaman dito?

Porque bang bata pala 'to ay halata na sa mukha nito ay magpapaiyak na ng buong sambayanan sa pagkagwapo at ang nakakapagtataka ay kamukhang-kamukha niya si He who must not be named. Lalo na ang mga berdeng mata nito.

"Moira, pwede ba tayong mag-usap?" Ayoko nga.

Ayoko siyang makausap kasi nga diba? I don't like her to see me like this pero pagkatingin ko pa lang sa bata ay parang may kutob na ko na ito na nga ang huli naming usapan kaya pumayag na lang ako. Sana lang talaga na mali ang iniisip ko kasi kung tama ako ay baka hindi ko makayanan 'to at tatalon na talaga ako mula sa isang mataas na building.

"Sige, pero huwag dito. Let's find some coffee shop or something." Ayoko ngang magtagal dito kasi nakakabitter ang mga tao na ang sarap sapakin kaya pagkatapos naming magbayad sa aming binili—umiyak pa nga ang bata kasi ako ang nakabili nung chocolates—ay lumabas kami at sabi ni Jenny na she knows the perfect place para magusap kami kaya tango na lang ang sagot ko at kahit saan naman talaga basta malayo sa lugar na yun ay oks na ko.

Wala naman talaga akong kawala dito kaya might as well, face it para matapos na. Its now or never.

"Kamusta ka na?" Gusto kong tumawa with full of sarcasm sa tanong niya.

Kamusta? Putangina namang kamusta yan. Nakakainis. Nasa mukha ko ba ang gusto pang magkamustahan?

Nandito kasi kami sa isang hipster themed cafe. May mga iba't-ibang abstract art ang nakalagay sa dingding at mukhang nasa art musuem ako dahil sa desenyo ng lugar with the wall painted with rainbow colours then even my chair seems to be customized out of wood, buti na lang ay kasya pa ko.

This is a cafe that Jenny owns since business administration naman ang natapos niya habang iniwan naman niya ang anak—halata naman masyado— sa isa sa mga empleyado niya para makausap kami ng walang istorbo.

Sa totoo lang,hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Sa best friend ko.

Okay?

I can't say that because I'm no where near being "okay" and I also don't want to be a hypocrite right now.

"I don't know." Nakakapagod din pala ang pagpapatuloy sa pagsinungaling sa nararamdaman mo kaya pinili ko na lang sabihin ito to appear vague about it to play safe.

"Besty, you can tell me." She reached for my hand on the table and as much as I appreciate her gesture ay hindi ko nagawa. Marami na ang nangyari at nagbago, lalo na ako.

"Sigurado ka bang ako ang dapat pagpakatotoo sa ating dalawa?" Ayaw ko nang pagpaligoy-ligoy pa. The only reason that I agreed for us to talk after so many years ay dahil sa batang nakita ko na kung tingnan ako ay parang walking teddy bear kasi nung sinabi ni Jenny that I'm her best friend ay pinisil niya ang mga fats ko sa braso. May lahing abnormal ata yun.

Not A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon