Walang modong hinayupak na akala mo kung sino!
He frickin' slammed the door on my face! On my face! What the hell, right? If I wasn't just so desperate to hide then I wouldn't even bother talking to him. Gawd, nagpabait-baitan pa ko sa kanya. I tried my best para magpaawa sa taong yun pero anong ginawa? He just didn't bother to care.
KAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAPPPPPPPPPPPPPPAAAAAAAAAAAAAAALLLLLLLLL!
Ang sarap sanang itapon yung lamesa sa mukha niya!
A few minutes ago...
I was walking down the hallway habang palabas na ng ospital baka kasi may iba pa kong makausap. Patay tayo niyan kaya I made sure to put my head down kasi ang dami pa namang manghuhusga dito pero labag na labag sa kin ang universe kasi may narining akong pamilyar na boses nung dadaan sana ako sa front desk.
"Miss, nasaan ang room ni Mrs.Reyes?" It was Jenny. I didn't need to look at her to know na siya talaga yun and as if on instinct ay nagtago ako but I think she saw me.
"Moira, ikaw ba yan?" Bakit ba kasi ang hirap magtago sa malaking katawan na to'? Kaya tumakbo ako. Kahit ang lapit na ng exit ay nagpakashunga ako at tumakbo sa kung saan-saan at itong isa naman ay sumusunod rin.
"Moira! Moira! Bestie, wag ka namang tumakbo oh!" I can't stop. I don't want to see her. More like, ayokong makita niya kong naging ganito. This miserable and vulnerable.
Nagsisimula na akong hingalin kahit wala pa atang 5 minutes akong tumatakbo-takbo rito. Bakit ba kasi sa isang track and field athlete pa ko naghahabulan? Pakshet na buhay naman to'!
Hindi ko na talaga kaya parang nawawalan na ko ng hininga, that's why when I saw a dark brown door which was different from the rest of the doors on that floor ay pumasok na agad ako. Thinking that it was a stock room or something.
Pero hindi eh!
May walang modong halimaw pala ang namamalagi doon. Isang napakalaking PAKSHET ang doktor na yun. Oo, doktor siya kasi nakawhite coat ang hayop along with his frameless glasses and those pair of grey eyes.
Hmph! Mas maganda pa rin ang dark green eyes ni he who must not be named. Alam niyo na kung sino kasi wala naman akong iba pa. Takte lang! Naaalala ko naman siya.
Kailan ba hindi?
Hay naku, life! Parang buhay.
Pasalamat talaga yung lalakeng yun na hindi ako nakita ni Jenny kundi e papakulam ko talaga siya pero may bahid ng kaunting swerte ako ay wala na akong nakikitang sumusunod sa kin' kaya iuuwi ko nalang lahat ng galit ko tsaka para na kasi akong artista dito kasi ang daming nakatingin tapos nagbulong-bulungan.
Kahit ba naman dito sa isang ospital ay hindi na nila pinalampas? Ang judgemental talaga ng society natin ngayon kaya madaming naiinsecure sa mga sarili nila. They always believe that they're not good enough kasi hindi nila nakukuha ang approval ng lahat. Mga tanga talaga.
Mabuti pa sa bahay, walang problema.
Peace and quiet lang palagi pero sa sobrang tahimik ay walang library o sementeryo ang makakalamang nito. Ganda ng buhay ko, nuh?
Whatever. For all I care.
Naghihintay na kama ko at masamang pabayaan nalang ang bed ko baka magtampo yun kaya nagmadali nalang akong pagdrive.
Pampawala na rin bad vibes to'.
BINABASA MO ANG
Not A Fairytale
RomanceLove is not perfect. Bawat pagmamahal ay may pawang masasaktan. May dapat matutong bumitaw. Magpaubaya para sa kaligayahan ng lahat. But what about our own feelings? Wala na bang halaga ito kung mismo ang tadhana ay labag sa kagustuhan ng puso mo...