"I will move on and I guess I'll have to ask that Doctor to help me. Magmo-move on na ko and wala nang bawian 'to."
"Seryoso ka ba?" Nandito kami ngayon sa kitchen nitong Doktor habang nagluluto siya ng agahan at hindi ko nga alam kung anong pumasok sa isip niya na ipagluto ako at the same time, how did I get here in the first place?
"It's clearly your voice. Do you honestly think that I faked it?" Malay ba natin. Pinarinig niya kasi sa akin ang isang recording from his black iPhone 6s na sinasabi ko daw na gusto kong magmove-on? Hala, wala akong maalala sa nangyari kagabi. What did I do?
"Hindi natin alam. Sa mundo pa naman ngayon ay marami nang pekeng tao." I couldn't help but remember Jenny's face. Ang alam ko lang na pagkatapos kong bumili sa 7-11 ay naglasing ako and the rest is a blur.
"Listen to it properly. Can't you recognise your own voice?" Sabi pa niya as his back was facing me kasi nagluluto siya na amoy pa lang ay halatang masarap nga.
"Sige, let's say na ako nga yan pero I won't do it. Moving on? Huh. Nagpapatawa ka ba? Wala yan sa bokabularyo ko." It's the truth and nothing else but the truth. If moving on was that easy, e di sana ay nagawa ko na 8 years ago, diba?
"Wala namang masama kung susubukan mo, diba?" Saan ba dapat ako magulat? May apat na bagay ang tumatakbo sa isip ko ngayon. Una ay nakasuot siya ng pink apron, pangalawa ay may eggs benedict, bacon at iba pang mga nakakatakam na pagkain sa harapan ko, pangatlo ay pinupush niyang magmove-on ako at huli sa lahat ay NAGTAGALOG siya?!
Sa buong pagkakilala ko sa kanya which is just barely a week ay alam kong hindi siya nagtatagalog, except sa sticky note, pero ngayon that he is doing it ay parang pamilyar ang boses niya?
"Wala nga pero it's useless. Doc, pinapahirapan mo lang ang sarili mo." Kukuha na sana ako ng pagkain pero pinigilan niya ko gamit ang sandok.
"Ano ba?!" Ang ayaw ko pa naman sa lahat ay ang pinipigilan ako sa pagkain!
"You're not allowed to eat unless you agree to move on with your life." ANO RAW?! *kruk kruk* Naramdaman ko tuloy ang tiyan kong kumakalab sa gutom kasi hindi ko maalala kung kailan ang huli kong kain ng lutong-bahay.
"Bakit ba kasi pinoproblema mo pa yun?!" Pinapahirapan niya lang kaming dalawa dito. Siya na tutulong sa akin magmove-on? Daig pa mission impossible at ako? Gutom-gutom na at kulang na lang maging cannibal ako para maramdaman niyang mamatay na ko sa gutom ngayon.
"I just want to help you." Help? Hays, yan ang pelaging sinasabi ng mga tao sa akin as if I'm someone that they can easily offer a helping hand to tsaka bakit ang bait ata nito? May nalaman ba siya?
"Hindi ko kailangan ng tulong mo. Thanks but no thanks." Gutom na talaga ako. May malapit naman atang fast food dito?
Tatayo na sana ako kasi magwa-walk out. "Wait." Sabi niya kaya liningon ko.
"I thought you wanted to stay here?" Ha? Sinabi ko ba yun?
"Yeah. You did." Nakakabasa ba siya ng mga isipan? Palibhasa, psychiatrist kaya ganun.
"Ano ngayon?" As if naman papayag siya na dito ako titira tsaka ayoko din dito kung pagmumukha lang naman niya ang makikita ko araw-araw.
"You can stay here." Ay weh? "For free." Dagdag niya pa with matching killer smile as if naman ikinagwapo niya ito. Pero libre daw? Hindi naman sa wala akong pera pero iba pa rin kapag bawas gastos at sino ba ang makakatanggi sa libre?
"What's the catch?" Halata naman na ang taong 'to ay may ulterior motive. He wouldn't just simply let me live here without a condition.
"Papayag ka nang magmove-on with my help." Sabi ko nga ba eh'. Napaeye-roll ako ng di oras. Bakit ba siya nagpupumilit na mag-move on ako? May gusto ba 'to sa akin o ano?
"Huwag na nga lang." Aalis na talaga ako.
"Then where are you going to stay?" TSK. E di maghahanap pero I know that his offer is quite good ayoko lang talaga sa condition niya.
"I really don't get it as to why you would reject such an offer. You get to have your own room since I have a spare one even free food at the same time, I'm going to help you with your problem." Bakit nga ba ayaw ko? I don't want to move-on because it simply means that I have to forget HIM, ganun ka simple kung bakit.
"Hindi ka ba pagod sa mga pinagsasabi ng mga tao sa'yo?" Ang sarap talaga nitong bigwasan kasi bawat linyang sinasabi niya ay natatamaan ako at napapatigil sa aking pagwalk-out. Siya pa lang ang nakakaganito sa akin so far.
Pagod na pagod.
Oo, maldita at malakas ang nagiging cover ko as I build walls so high and strong na hindi kayang makapagpasok ang ibang tao but it doesn't mean that I don't get tired of everything that they have to say about me. Tao lang ako, napapagod rin.
"If you agree to what I just said then you get to eat the food that I have put in this table, you can stay here for as long as you want and you might just get the chance to become a better version of yourself." A better version of myself? Meron ba? Posible ba yun?
Hindi ako gumalaw. I'm standing with my back facing at him as I try to absorb everything. If I really was that girl in the recording, anong pumasok sa kukote ko at nasabi ko yun?
"100 days. Usually, this time is enough so if you say yes then we will do this within 100 days. If after that, you still haven't moved on then I will let you be. Hindi na kita pipilitin. Just 100 days, that's all I need." Ano 'to? 100 days to heaven? Ganito naman sa lahat ng mga kwentong nababasa o napapanuod ko tapos it works out in the end pero I don't think that this time it will work.
"There's no harm in to trying and if you do this, I'll make sure that people won't be seeing you as someone with a mental disability as you would refer it. For once in your life, people are going to see you as normal. It's either you agree to this o pwede kang bumalik sa psychiatric ward which I know you grew up in." That crossed the line. Kailangan ba talagang umabot sa ganito? Alam ko that he is the doctor assigned to me right now dahil kay Mama pero does he have to threaten me like that? Either way, it's both hell. Yet I can choose the lesser one.
I turned to face him at ilang steps lang ang layo namin. "If I agree to this and it does sorta work in the end, pwede mo bang iconvince si Mama na okay na ko? That she doesn't have to treat me like a monster all the time?" I'm not going to cry. Walang luha ang tutulo mula sa mata ko but saying these words were things that I never thought could come out from my mouth.
"I'd be glad to."
*****
"So anong plano mo?" Pumayag ako kasi nagpupumilit siya at tapos na kaming magbreakfast which surely satisfied my babies in my stomach so much at nakaupo ako sa sofa as I turn on the television at nagpapalit-palit ng channel habang nakatayo siya while walking around the sofa na parang tanga.
"Well..." Parang ang lalim ng iniisip niya kasi hindi siya nagsasalita for quite a while at dahil boring naman ang mga palabas ngayon ay naisipan kong iturn-off ang TV at tumingin na lang sa paligid.
Huling punta ko rito ay parang ang bare ng living room niya but now, may mga abstract paintings sa white coloured walls niya pero yun lang. Malaki tuloy tingnan ang living room niya kasi TV, sofa at lamesa lang ang furniture sa gitna nito with the cream coloured carpet na mamahalin. Buti na lang talaga na ilang kembot lang ay dadating na sa kusina niya which is shining silver metal at bago talaga lahat ng mga gamit nito at malaki-malaki siya. Bigla ko tuloy naalala yung malaking niyang double door na ref which surely will be very satisfying.
"Ano na? Ang tagal..." Grabe kung tumitig ako sa wall clock niya ay malapit na palang maglunch time kaya pala naiinip na ko.
"I still have to think about these things thoroughly kaya bukas ko pa mabibigay sa'yo ang final plan so how about we eat lunch then discuss about the contract?" CONTRACT?!
"Anong contract? Kailangan pa ba yun?"
Tumingin siya sa akin na may seryosong expresion sabay sabi: "Of course." Ngumiti pa siya tapos may dinagdag pang binulong:
"Para wala ka nang takas."
BINABASA MO ANG
Not A Fairytale
RomanceLove is not perfect. Bawat pagmamahal ay may pawang masasaktan. May dapat matutong bumitaw. Magpaubaya para sa kaligayahan ng lahat. But what about our own feelings? Wala na bang halaga ito kung mismo ang tadhana ay labag sa kagustuhan ng puso mo...