"Anong sabi ng doktor?" agad na tanong ni Mama. Kakababa ko lang mula sa sasakyan ay hinarang na niya ko sa tapat ng gate namin.
"Wala naman masyado." Totoo naman, diba? He barely asked me anything. Ewan kung anong problema nun.
"What else?" Oh? Ang strikta na niya ngayon. Namiss ko to' ah. Yung ginagamit niya yung famous authoritative tone niya sa kin'.
"Visit him at least once a month daw, yun lang." sagot ko then simply walked passed her pero tinigilan niya ko habang hawak-hawak ang kaliwang braso ko. "Teka, kinakausap ka kita." Ano pa ba? What more can she want? Ginawa ko naman ang inutos niya ah'. Kahit na yung hinayupak na doktor pa ang kausap ko ay sumunod pa rin ako kaya ano pa ba ang pinuputok ng butsi nito?
"Ano?" I tried to use my most gentle voice. Pagod na ko sa pagsagot sa kanya. Ayoko na. Pagod na pagod na ko.
"Kailangan mong umalis dito." Ano raw? Umalis? Ako? Dito? Ganun nalang ba yun?
"Bakit?"
"Your sister doesn't want to leave this house kaya mas mabuti nalang umalis ka. Kami na ang bahala sa gastusin mo, don't worry." Wow. Wow. I can't believe this is happening again.
Sa murang edad ay parang naging bahay ko na ospital. I always stayed there or more like, doon na nila ako pinatira kasi hindi nila kayang kasama ang isang katulad ko. Kesyo daw pagchichismisan kami na may baliw dito. Baka raw saktan nila ko at dahil tanga akong bata ay naniwala ako na ginagawa nila yun para sa ikakabuti ko pero mabuti nalang, natuto at gumising na ko sa katotohanan na hindi pala ako ang gusto nila protektahan kundi ang pangalan ng pamilya namin.
Sandoval. Isang pamilyang kilala sa pulitika kaya importante talaga ang image namin sa mga tao. They even disowned me para lang hindi masira ang reputation namin pero being the naive girl that I was, ay naisip kong baka balang araw ay matatanggap nila ako kaya I did my best to recover kahit gaano pa kahirap pero hindi talaga eh'. I was always never enough for them.
Pinaalis nila ako dati nung maghihighschool pa lang ako kasi tumakas ako ng ospital nun for I had enough of it. I begged and kneeled in front of our house for almost 2 weeks para lang maawa sila na ipalabas na ko ng ospital. I felt every day was hell there. I was staying in a kneeling position kahit umulan pa and never moved even if it hurts so much pero nung sinampal ako ni Mama na gumising na raw ako and accept the fact that hindi kami magiging buo kahit kailan ay sa wakas nagising na rin ang diwa ko kung gaano kalaking kahibangan ang umasa na magkaroon ng isang pamilya.
I went back the hospital and everything started to change there. Hindi pa naman sana ako babalik pa dito since I was married and living my happily ever after but when he left ay nahanap ko nalang ang sarili kong pumapasok sa bahay na to'. Ewan ko nga rin kung bakit eh'. Totoo nga siguro ang sabi nila na baliw ako.
"Oh? Who would have thought that we would think of the same thing?" I tried to sound as if I thought of leaving too. "Magpapaalam na sana rin ako na aalis ako. I'm moving away for good, don't worry." It was never my plan to move away kasi gusto ko na kung mamamatay ako ay sa mismong impyernong bahay pa nito but it looks like, there's a change of plans.
"By the way, I don't need the money. I already have more than you could ever offer." hinila ko ang braso ko mula sa hawak niya at pumasok na sa loob.
What? She didn't think that I have the money? Hindi nga ko nakacollege pero hindi ibig sabihin na pulubi ako. My husband was an heir to the biggest energy resource sa buong mundo and growing up as an orphan, he all had the money and when we got married, I had it too. Sa sobrang dami ng business niya, walang may kayang sumira sa min despite getting to learn of my past pero walang forever kaya hindi nagtagal ang kasiyahan ko.
"So this is how it looks like..." I turned on the switch of my room para mahanap ko ang ibang mga gamit na dadalhin ko sa aking pag-alis at sa totoo lang, hindi ko ineexpect na magmukhang dumpsite ang kwarto ko. Kahit saang banda ako tumingin ay may mga basurang nagpapalibot dito.
I walked to the other end of my room where there was a walk in closet na sirang-sira na ang parang pintuan nito kasi I once tried punching this kapag trip ko lang saktan ang sarili ko. Masokista na masokista pero that's the only way that I could think of para malabas ang galit ko.
Naghanap ng susuotin pero parang wala namang magkakasya sa kin kaya yung shoulder bag kong Mikaela na kulay grey ang dinala ko with my wallet—all credit cards inside at passport—kung trip kong mag-ibang bansa, sa loob nito. Wala akong cellphone, matagal ko ng sinira at tinapon sa basurahan.
"Ang taba ko pala talaga..." Nung napatingin ako sa whole-body mirror ng kwarto ay napakomento ako sa hitsura ko. I'm wearing a XL white plain shirt which used to looks so big on me, paired with black leggings tapos nakatsinelas lang at ang buhok ay nakadirty bun. Pambahay na pambahay pala ang dating ko kaya siguro naging speechless yung hinayupak na doktor. Na speechless sa sobrang kapangitan ko. E ano ngayon? So what if he thinks of me that way? I don't care.
Makaalis na nga lang.
BINABASA MO ANG
Not A Fairytale
RomanceLove is not perfect. Bawat pagmamahal ay may pawang masasaktan. May dapat matutong bumitaw. Magpaubaya para sa kaligayahan ng lahat. But what about our own feelings? Wala na bang halaga ito kung mismo ang tadhana ay labag sa kagustuhan ng puso mo...